Jennie's P.O.V
Pagkatapos kumain ni dave ay tumayo na siya at mukhang aalis na
"Oh my!! Si fafa dave yun diba?"
"Oo nga! Anong ginagawa niya dito?"
"Ba't di niya kasama si kritz?"
"Nag away nga diba.."
Ayan lahat ang mga bulung bulungan ng iba dito ..
Nilingon ko si kath at nakita kong nakangiti siya habang may itinetext
"Kath.." Tawag ko at para nama. Siyang natauhan
"Ha? Oh ano? San na tayo?" Sunod sunod na tanong niya
"Ano bang pinag sasabi mo? S-sundan natin si dave... " sabi ko
"Sundan? Baka nakaalis na siya" sabi ni kath
"Hindi pa" sabi ko at hinila siya paalis
Pagkalabas namin sa mcdo ay si dave agad ang aking hinahanap
Asan na yun?
"Ayun siya!" Sabi ni kath at tinuro si dave na nakatayo sa isang flowershop at mukhang may kinakausap na sales lady..
"Cr lang ako jennie ah? Naiihi na ako" sabi ni kath humahawak na sa puson niya
"Sige.." Sabi ko at umalis na siya
Dahan dahan akong lumapit sa isang shop na katabi ng flower shop
May narinig akong sinabi ni davr sa sales lady..
"paki lagyan ng letter na nakalagay "PLEASE" at lagayan na rin ng pangalan ng from Dave to KRITZ" narinig kong sabi niya
Hindi ko alam pero bigla nalang kumirot ang puso ko ...
Mahal niya talaga si kritz... Ano bang magagawa ko? Eh iyon ang tinitibok ng puso niya...
Minsan naiisip ko rin na ano kaya kung mag give up na ako? Pero di ko magawa dahil mahal ko talaga siya.. Di niya lang alam.. Masakit.. Sobrang sakit..
Ako dito ang nasasaktan... Umaasa akong mamahalin din niya ako pabalik pero mukhang hindi na iyon mangyayari... M-mahal niya si kritz...
At ako? Hindi niya ako kilala at mas lalong hindi niya ako mahal... Im just nothing ... Nothing..
Namuo ang luha ko sa gilid ng mga mata ko...
"Pakidagdagan narin ng "I LOVE YOU" sabi niya na mas lalo akong nasaktan...
Medyo nagulat ako ng napatingin siya saakin pero di ko magawang mag iwas ng tingin sakanya...
Nasasaktan ako dave....sobra...
Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko...
Nakita kong kumunot ang noo niya na nakatingin sakin..
"Why?" Tanong niya
Wala akong ibang nagawa kundi ang tumayo at lumuha sa harap niya... Nasasaktan ako dahil iba ang mahal niya... Mahirap tanggapin .. Oo dahil mahal ko siya..
Kinuha na niya yung flower at iniwan akong lumuluha dito...
Wala siyang paki alam sa iba... Wala rin siyang pakialam sakin.. Dahil ang buong inaatupag niya ay si.. Kritz... S-sana ako nalang si kritz... Ang s-swerte niya.. Haayy.. Ang hirap umasa...
Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim
Kakayanin ko ito... Kahit ilang beses pa man ako masaktan..
BINABASA MO ANG
How Long Will I Love you?
Teen FictionMay isang Jennie Mikey Erline na 5 years nang nagmamahal kay Dave Xade Austin... Ngunit ang lalaking mahal niya ay may ibang mahal ..Palaging nasasaktan si jennie dahil bukambibig ng mga tao si dave at ang mahal nito..lagi ring umaasa si jennie na...