Chapter 4

43 8 0
                                    

Jennie's P.O.V

"Kilala mo siya?" Nabigla ako sa biglaang ding pagtanong ni zach kaya napalingon ako sakanya

"H-ha? O-oo" nauutal kong sagot

Sheez!! Bakit ba ako nauutal?

"Ano mo siya?" Tanong niya

Mahal ko siya zach...pero hindi niya ako mahal

"Ka batch" sabi ko at napatango siya

"Anong ginagawa niya diyan?" Tanong ulit niya

Nakita kong tulala si dave

"E-ewan ko.." Sabi ko

"Matutunaw na yung ice cream mo ohh.." Nagulat ako at tumingin sa ice cream ko na natutunaw na nga

Kinain ko iyon at pag lingon ko sa kung saan si dave naka upo, ay wala na siya

Asan na siya?

"May hinahanap ka?" Tanong ni zach

Oo... Si dave... Yung lalaking mahal ko

"Uhh.. Wala , tara na uwi na tayo" sabi ko at tumayo na kaya napatayo din siya

"Ihatid na kita sainyo" alok niya

"Nako wag na, kaya ko naman" pagtanggi ko

"Please..." Pagpipilit niya at nag puppy eyes pa siya...

Hahaha ito talaga si zach!.. Nung mga time kasi nung magkakasama pa kami nina kath, lagi niya kaming hinahatid pauwi

"Sige na nga" sabi ko at nag lakad na kami papaalis ng park

Saan kaya si dave pumunta? Baka umuwi na siya?..

Hanggang sa makarating na kami sa bahay, ang tanging iniisip ko lamang ay si dave..

Nag aalala ako sakanya... Baka kung saan siya pumunta...

"Salamat zach" sabi ko sakanya at ngumiti

"Always welcome" sabi niya at ngumiti saakin

"Siya nga pala...Wag mo muna sabihin kay tita at kuya RZ na nakauwi na ako dito" sabi niya

Huh? Bakit naman?

"Bakit?" Tanong ko

"Wala lang" at ngumiti siya

"Hahaha! Sige sige" sabi ko at umalis sa sasakyan niya...

Nag wave ako ng kamay at umalis na siya...

Pumasok na ako sa bahay at nakita kong walang tao, siguro tulog na sila mama?

Umakyat na ako at nang mapadaan ako sa kwarto ni kuya

May narinig akong mga hikbi.. Huh? Sino yun?

Inilapit ko ang tainga ko sa pintuan ni kuya at may narinig akong hikbi... May umiiyak?

Dahan dahan kong pinihit ang door knob at dahan dahan ko rin itong binuksan

Nagulat ako ng nakita ko si kuya na nakaupo sa kama niya at yakapyakap ang kanyang mga binti at nakayuko na mukhang bata na malungkot...

Humihikbi siya...anong problema ni kuya?

Dahan dahan akong naglakad papalapit kay kuya at umupo ako sa kama niya... Ngayon kaharap ko na siya.. Nakayuko siya kaya diko makita kung umiiyak ba si kuya..

"K-kuya?" Nagulat ako ng tumingin siya sakin at umiiyak nga ito.... Mapula na ilong niya at yung mga mata niya basang basa sa luha..

"B-bakit nandito?" Tanong niya at pinunasan niya luha niya at suminghot.

How Long Will I Love you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon