Chapter 5

28 2 0
                                    

Jennie's P.O.V

Sa panahon ngayon, kung sino ang totoo ,siya pa yung nawawalan ng kaibigan o kasintahan..Katulad ni dave... Totoo siya at nagpakatapat kay kritz pero nawalan na siya ngayon..

Pero kahit papano... Naging proud ako kay dave dahil nag pakatotoo siya.. Nagpakatotoo siya sa babaeng mahal niya...

Kaya nung nalaman niya na niloko lang siya, halo halong emosyon ang kanyang naramdaman... Kaya nauunawaan ko kung bakit ganto siya ngayon... Minahal niya ng 5 years tapos ganto ang tapos? Kung ako ang nasa kalagayan niya... Masasagot ko rin ata ang mga taong nasa paligid ko ng kung ano ano dahil sa galit at lungkot.

Aalis na sana ako dito sa Locker room nang may nahagip ako sa aking mga mata

Lumapit ako doon na kung saan kanina nakaupo si dave..

Kinuha ko iyon at pinag masdan...

Isang Credit Card? Nako! Siguradong mahalaga ito sakaniya! Andito yung pera na panggastos niya araw araw! Kailangan kong maibalik sakaniya ito para di siya mag alala!

Lumabas na ako ng locker room at pag kita ko ay wala na siya , baka nakapunta na siya sa room niya?

Nag lakad ako papunta sa room namin at nang mapadaan ako sa room nila ay agad kong tiningnan ang upuan niya ngunit wala siya doon... Asan siya?

Wala ring silang teacher ngayon.

Napatingin ako sa oras at Patay! Huli na ako sa second subject namin! Mamaya ko nalang na uwian ibalik sakaniya yung credit card niya..

Inilagay ko muna sa bulsa ko yung credit card niya at tumakbo papunta sa room

Pagkapasok ko sa room ay nadatnan ko na nga si ma'am Zalde na nakaupo sa teacher's table at nakayuko siya at may isinusulat...

Pasimple akong naglakad dahan dahan patungo sa upuan ko.

Nang nakaupo na ako ay agad naman ako kinausap ni kath

"Ba't ka natagalan?" Tanong niya at lumapit pa ng kaunti saakin

"H-huh? Ahh.. Wala.. Binagalan ko lang paglakad" sabi ko at tumitig naman siya sa mata ko

"Umiyak ka?" Tanong ulit niya na nakakunot noo

Medyo nanlaki ang mata ko at mabilis na pinunasan ang basa kong mata!.. Oo nga pala! Hindi ko napunasan kanina!!

"Hindi ah!" Sabi ko at tumawa kunwari

Ito talagang si kath.. Ang bilis makahalata! Lagot ang magiging asawa nito dahil sa oras na mangloko siya mawawalan ng tibok sa puso ang asawa niya wala sa oras.

"Anong hindi? Bakit namamaga yang mata mo?" Tanong ulit niya
"Ha?hindi ano lang to.. Sa puya-

"Hindi naman ganyan mata mo kanina at isa pa.. Namumula pa ilong mo, ano ba nangyari?" Curious niyang tanong...

Hayyys... Wala na! Di na ako makakapag palusot... Pero mamaya ko nalang sabihin sakaniya ang mga nangyari

"Mamaya ko nalang sabihin sayo" magsasalita pa sana si kath nang biglang nag salita si ma'am zalde

"Ok class, get your notebook and copy Literature 1-10 in page 67-69"

*CLASS DISSMISSED*

Naglalakad na kami ngayon sa quad at tanging hinahanap ng mata ko ay si Dave.. Ibibigay ko sakaniya itong credit card niya

"Uy jennie, ano bayan di nanaman kita masasabayan sa pag uwi.." Sabi niyang nakatingin sakin at nakabusangot

How Long Will I Love you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon