Chicken wings And Straberry Icecream

6 1 0
                                    

The day is almost done pero hindi ko pa rin siya nakikita. Ilang araw pa ba ang bibilangin ko para maging okay na siya.

But thankfully, I Suddenly received a message from her asking if I can be with her tonight. Panigurado iyak pa rin siya ng iyak hanggang ngayon dahil sa nangyari sa kanila. I can't blame any of them parehas silang may kasalanan at pareho ko silang kaibigan.

I just flashed to wrap the day and come running to her place with a bucket of chicken wings and strawberry icecream; her favorite. I hope this help.

She opened her door with big puff eyes. She immediately hugged me and started crying again. Natawa lang ako sa kaniya para talaga siyang bata.

"Hindi mo muna ba ako papapasukin para maayos ko 'tong dala ko para sayo?"

She unclapse the hug and dry her face from tears. Napatingin lang siya sa mga dala ko at kahit paano napangiti ko siya. Food is always her weakness.

Dumiretso na ako ng pasok sa bahay niya at sa salas ko na lang inilatag ang dala ko na pagkain. Isa-isa ko nang nilalabas ang dala ko saka siya nagtanong.

"Wala ka binili na soju?" Tanong niya.

Nagkunot ako ng noo at saka pagalit na sumagot sa kaniya. "Bawal yun sayo 'di ba. Magkakarashes ka." Paalala ko sa kaniya. Napailing-ilang na rin ako.

Nalungkot yun mukha niya at padabog na nagsalita. "Buti ka pa naalala mo. Bakit siya, hindi? Simpleng bagay ganiyan hindi niya pa matandaan. Wala ba talaga ako halaga sa kaniya? Fuck you talaga yang bestfriend mo!" Sabay tantrums niya sa akin.

Bigla naman akong natawa sa sinabi niya. Ang cute niya talaga kapag nagkakaganiyan siya. Napaka straight forward na tao. At kadalasan wala talagang filter yun mga sinasabi niya.

"Mahal ka naman niya 'di ba." Paalala ko.
"Ilang beses na ba niya napatunayan sayo yun. Yun nga lang ang gago hindi pa talaga handa magsettle. Takot pa siya sa mga responsibilidad. Kaya ganun." Paliwanag ko sa kaniya.

"Gago talaga siya." Pabulong niyang sagot habang paiyak na ulit siya.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang lumapit sa akin. "Bakit kasi hindi na lang ikaw yun magustuhan ko? Palagi ka naman nandyan para sa akin. Palagi mo pinapagaan ang loob ko kapag sobrang napapagod na ako sa mga bagay-bagay. Pinapasaya mo ako kapag malungkot ako. Bakit hindi ko kaya maibalik yun pagmamahal na pinaparamdam mo sa akin?" Dirediretso niyang sabi sa akin.

Sa pagkakataon na ito, hindi ko ata alam ang isasagot ko sa kaniya. Hindi. Mali. Alam ko talaga ang sagot sa tanong niya. Kung gayun inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko para pagkakataom na ito. Alam ko kahit konti meron akong pag-asa sa kaniya. Gusto niya rin ako pero hanggang kaibigan lamang dahil yuon lang din ang pinapakita ko sakaniya.

Siguro ngayon na ang panahon para kunin ko siya sayo. Pasensya ka na kaibigan pero sobra nang nasasaktan ang mahal ko. Tama na siguro ang pagpaparaya ko para sa inyong dalawa. Panahon ko na para angkinin siya at pasayahin.

Lumapit ako sa kaniya at hinalikan ang mapupula niyang labi. Tila nagulat siya ginawa ko. Hinintay ko na lumayo siya ngunit tumugon siya.

Binuhos ko sa isang halik ang mga sagot na matagal na niyang hinahanap. Isang halik na kasing tagal ng paghihintay ko sa pagkakataon na ito.

Ngumiti siya sa akin at saka tinapos ang halik. Tumungo lang siya at parang nahiya sa nangyari saka na lamang siya yumapos. Isinandal ko na lang sa akin ang pagod niyang katawan.

Pagod sa pagpili ng maling tao na mahahalin. Pagod sa pagtuon ng pansin sa taong hindi siya kayang pasayahin.

Napaka saya pala sa pakiramdam ng ganito. Ang mayakap ang mahal mo. Niyakap ko siya ng napaka higpit. At nangako hinding hindi na siya papakawalan. Pinaramdam ko sa kaniya ang tibok ng puso ko nagwawala sa saya.

~~~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A SNAP💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon