Dreigon Neon's POV
Puro problema!
"Dreigon! Pinapatawag na tayo ng Elionor. Kinakailangan nila ang tulong natin." Sabi ni Mikey.
"Pero may laban pa tayo ngayon. Mawawala tayo sa posisyon kung hindi tayo makakalaban." Dahilan naman ni Carlo.
Nandito kami sa meeting room namin at nag uusap usap tungkol sa laban namin sa gang world at ng Elionor.
"Tama si Mikey, kailangan natin pumunta sa Elionor..." Nagulat si Carlo sa sinabi ko at ngumiti naman si Mikey. "Pero tama rin si Carlo, hindi tayo pwedeng mawala sa posisyon."
"Pero anog gagawin natin? Hindi naman natin pwedeng hatiin ang sarili natin." Sabi ni Mikey at tumango naman si Carlo.
"Hindi natin pwedeng hatiin ang sarili natin, pero pwede natin hatiin ang grupo. Ipapatawag ko si Micah at Narumi mula sa Elionor. Mas kinakailangan kayo sa Elionor kaysa sa kanila. Kayo, bumalik muna sa Elionor at ako naman at sila Micah ang lalaban dito, bilisan nyo." Sabi ko. Nilabas nila ang wands nila at nag cast ng transportation spell.
Ako naman ay gumamit ng telepathy para makausap sila Micah.
Micah! Pumunta kayo dito sa human world. We have a fight here but there is a problem there in Elionor so I ordered Mikey and Carlo to go there. You and Narumi should go here, now! Sabi ko sa isip ko.
Yes, Lady Dreigon. Papunta na kami ni Narumi.
Hay, sa dami ng ginagawa hindi na ako nakapag pakilala. Ako nga pala si Dreigon Neon, a rank 1 gangster and kahit mahirap paniwalaan, I'm one of the bestest witches in Elionor School of Magic. Yung mga kausap ko kanina, sila Mikey at Carlo, sila ang mga gangmates ko at galing din sila sa Elionor. Yung ginamitan ko naman ng telepathy, thats Micah and Narumi, mga trainee, pero sinanay na sila para mapadala sa human world kung kailangan namin sila.
In a minute, biglang nasa harap ko na sila Micah at Narumi.
"Lady Dreigon, handa na po kami lumaban." Sambit ni Micah at nasa likod naman nya si Narumi.
"Mabuti at dumating agad kayo. Pero alam nyo ba kung dumating na sila Mikey at Carlo?" Tanong ko sa kanila.
"Dumating na po sila sa Elionor bago pa man kami maka punta rito. Nag simula na rin po silang lumaban." Si Narumi naman ang sumagot.
Mabuti naman at nakarating na sila roon.
"Tara na at mag sisimula na ang laban." Sabi ko at lumabas na kami ng meeting room. Good thing na itong meeting room namin ay connected sa gangster hall. Pag dating namin doon ay sakto lang para makapag suot pa kami ng maskara.
"And now, let's call on our rank 1 gangster, Elixir!" Kami ang gang na Elixir kaya bumaba na kami sa grounds.
Nakita ko ang mga kalaban, rank 23. Mahina pa sila, mas maganda para makarating na kami sa Elionor agad agad.
Nag simula na ang laban, gumamit lang kami ng daggers panangga sa mga katana nila. Halatang hindi pa sila sanay gumamit ng mga katana dahil nanginginig ang mga kamay nila hindi pa man nila ginagalaw ang mga katana. At dahil nga roon, natapos namin agad ang laban ng walang kahirap hirap. Hindi na rin namin hinintay pang maiannounce ang panalo namin at bumalik na ulit kami sa meeting room.
"Buti na lang at mahina ang nakalaban natin ngayon Lady! Tara na at bumalik sa Elionor." Nag tanggal na kami ng maskara at kinuha ang mga wands namin at nag teleport.
*swoooooooooooosh* tunog yan ng pag teleport namin, para kaming bumababa mula sa langit dahil sa pag hampas samin ng hangin habang nag tutungo kami sa Elionor.
YOU ARE READING
Elionor School of Magic
AléatoireWhat if a group of gangsters are students of a magical school? What if they are the best witches and wizards from the other world? What if they are destined to be king and queen of the tribes? What if one of them are really a kingdom heiress? What i...