Chapter 2: Paviasa

15 0 1
                                    

Third Person's POV

Lingid sa kaalaman ni Dreigon ay hindi lang sya ang natatanging nag iba ng anyo. Maging sila Micah, Narumi, Carlo at Mikey. Bagamat walang masyadong nangyaring pag babago sa mga Prinsipe at Prinsesa ay may kaonting nabago rin naman sa kanila.

"HEADMASTER!" Sabay sabay silang nag teleport at pumunta sa tanggapan ng kanilang Headmaster. Halos mabingi naman ito.

"Mga bata kayo ang sakit sa tenga." Sabi ni Smither habang hinihimas ang kanyang tenga.

"Ano ba naman kasing nangyari samin Headmaster?" Tanong ni Prince Galvin.

"Well dahil lang naman yan sa pag papalabas ko ng inyong natatagong kapangyarihan sa mga wands nyo. Kaya kung may nararamdaman kayong dumadaloy sa inyong malakas na kapangyarihan, normal na lang iyun." Sambit ng kanilang Headmaster.

"Headmaster para saan yung nga tatoo na meron kami?" Turo ni Dreigon sa mga kumikislap na tatoo sa kanyang katawan. Tumango naman ang kanyang mga kasama.

"Yan ang mga noon nyo'y peklat. Ang mga simbolong yan ang sumasagisag ng uri ng inyong lakas at katapangan. At ikaw Dreigon, ang may pinaka malakas na potensyal sa inyong lahat. Sumasagisag ang kulay pula sayo. Tila lumalagabgab na apoy na handang sagipin ang Elionor sa anu mang pangabib. Ganon din sa inyo, sa mga Prinsesa ay mapapansin nyo na lahat ng tatoo nyo ay kulay rosas, sumasagisag ng kalinga at pag mamahal na binibigay nyo sa inyong mga taong bayan. Sa mga Prinsipe, kulay asul na sumasagisag sa inyong katapangan at tila galit na alon na nag tataboy sa may masasamang balak palayo sa atin. Sa inyong dalawa, Narumi at Micah, kulay berde na sumasagisag sa kadalisayan ng inyong pag iisip. Na handang tumulong kahit ano mang saglit. Sa iyo naman Carlo, kulay dilaw na sumasagisag sa isang kidlat. Ang iyong bilis sa pag galaw at pag iisip ay tila kidlat na kukuryente sa mga kaaway. At sa iyo Mikey, kulay lila na katulad kay Dreigon ay napakalakas din. Parang mata ng isang galit na lobo na handang pumaslang para sa kanyang mga pag mamay-ari at tahanan." Mahabang litanya ng Headmaster.

Tila naliwanagan naman sila sa bawat tinuran ni Smither. Kaya napag desisyunan na muna nilang kumain dahil na rin sa pag mamadali upang mapuntahan ang kanilang Headmaster ay nakalimutan na muna nila kumain. Si Smither naman ay bumalik sa kanyang pag kakape at hinihimas pa rin ang kanyang tenga, sa isip isip nya ikaw ba naman ang sigawan ng 13 na bata, tingnan na lang natin kung hindi sasakit ang tenga mo.

Dreigon's POV

Pag kamangha. Yan ang nakikita namin sa mga mata ng mga estudyanye na mararaanan namin. Madami rin ang bumabati at kumakaway samin. Ang hirap talaga maging maganda.

Lumalabas na naman ang pagiging mayabang ko.

"Guys, gusto nyong mag celebrate para sa pag lakas natin?" Sabi Princess Goldesia habang nag lalakad kami patungo sa cafeteria.

Just like in human school, we also have cafeteria here. The only diffence is our cafeteria is magical.

"Celebrate?" Tumango-tango naman si Goldesia.

"Gusto rin kayong makita ng mahal na reyna at mahal na hari. Matagal na raw kasi kayong hindi pumupunta eh." Wika nya.

"Sige wala naman tayong dapat gawin eh. Its time for party." Pag sang-ayon ko kaya napag usapan na mamayang dinner ay sa Golden Kingdom ang tungo namin.

Pag karating namin sa cafeteria, pumunta kami sa isang lamesa na pang maramihan. Pinili ko ang medyo malayo sa ibang estudyante dahil may balak akong ihayag sa kanila. Nag tataka man ay sumunod na lang sila.

"I have something to tell you." Pag ka-upo agad nila ay nag salita na ako.

"What is it?" They asked in unison.

Elionor School of MagicWhere stories live. Discover now