Chapter 27:Sorry

934 19 1
                                    

Ritz's POV
Pinunasan ko ang luhang lumandas sa pisngi ko nanditu pa rin ako sa rooftop at umiiyak na naman ng dahil sa kanya....langya naman oh ..pinangako ko na sa sarili ko na kapag nakita ko sya magiging matapang ako at hindi iiyak pero ano to?bat ako umiiyak ngayon?

Pinunasan ko ng marahas ang pisngi ko at inayos ko na ang sarili ko at bumaba na para puntahan ang mga kaibigan ko

Wala sa sarili akong naglakad papuntang canteen at nakita kong kumakaway na si isha ,nakaupo lang naman dun si baklang unggoy at nagcecellphone, nandun din sila mitz at rya na kapwa nakangiti din sakin....lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni baklang unggoy

"Ohh rit--este jess bat ang tagal mo ..san ka ba nagpupunta?"-tanong sakin ni isha...PSH muntik pang madulas tong babae na to...sinabihan ko na sila na kapag kasama namin sila mitz at rya ...jess ang itawag nila sakin...

Nagiwas ako ng tingin sa kanila
"A-ahm h-hmm d-dyan lang sa tabi-tabi"pinakatitigan naman ako ni isha at......

"AHA!!BAT NAMAMAGA YANG MATA MO?UMIYAK KA BA?"-malakas na sabi ni mitz dahilan ng pagtingin ng mga nasa canteen samin ..nagpeace sign naman tong walking mega phone na to

"-_- ' pwede ba isha paki hinaan yang volume ng Boses mo lakas eh...t-tsaka a-ano k-ka b-ba hindi ako u-umiyak no "-sabi ko at muling umiwas ng tingin

"Asus hindi daw ...mitz,ryanna ...ash ..tignan nyo si rit---este jess ..halatang umiyak diba diba?dali tignan nyo tignan nyo"-makulit na sabi ni isha sa tatlo habang niyuyuyog sila pfft~~ tong babaeng to talaga

"Pwede ba wag mo nga akong yugyugin isha nasisira ang bagong plantsang damit ko oh ..baka di na ko magustuhan netong babaeng to"-baklang unggoy at saka inakbayan ako...nanlaki naman ang mata ko dahil dun at siniko sya dahilan ng pagaray nya..inirapan ko lang sya

"AYIEEEEE"-tukso samin nung tatlo(isha,mitz,and ryanna)

"Oh my god ngayun ko lang napansin na bagay kau.. oh my gosh"-RYA

"Tama ,correct si sis rya ...sis jess ...may chemistry ..taray haha"-mitz

"Ayiee sabi ko na sabi ko na eh di lang ako nakapansin na bagay kayung dalawa pati sila wahhahaha"-isha at nakipag-apir pa kila mitz -_- dyusko

"Kita mo na sweetpamp pati sila sinasabi na bagay tayo "-sabi naman ng baklang unggoy at pinagtaas pa nya ang dalawa nyang kilay

Tinanggal ko ang kamay nya na nakaakbay na naman sakin

"Pwede ba ...sweetpamp?eww mais mo dude ...at hindi tayo bagay lalong lalo ng walang TAYO che .."

"HAHAAHA"-tawa nilang lahat



THIRD PERSON POV(Author's pov)

Sa kabilang banda naman ...papunta na sana si Sean sa canteen ng makita nya sila jess ,mitz ,rya at yung dalawa pa nilang kasama na hindi nya kilala

Pinakatitigan nya si jess habang itong parang naiinis sa kung anong dahilan ....napangiti sya ng di nya namamalayan
'Ang cute nya kapag naiinis sya'-  wala sa sariling sabi nya sa isip....teka teka bat ba nya yun naisip?pinilig nya ang ulo nya at tumingin ulit kila jess

Nakita nyang inakbayan nung lalaking kasama nila si jess....naging matalim ang titig nya dun sa lalake at napakuyom na din sya ng kamao....

Teka nga lang bakit ba sya nagagalit?wala naman syang pake alam ..oo tama tama WALA syang pake alam!!...piniling nya ang ulo nya at umalis na dun

Sa isang banda ulit napangiti ang babae ng makita nya ang lalaki na nakahiga sa ilalim ng puno

Dahan dahan syang pumunta dito ng may ngiti sa kanyang labi

THE REVENGE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon