Pahapyaw

21 0 0
                                    

Naglalakad si Gvyn sa isang gubat, pilit hinahanap ang address ng Girlfriend nya. Sa apat na taon nilang relasyon, ngayon lang ipapakilala ni Summer si Gyvn sa mga magulang 'nya

Nakakapagtaka diba?

Ngunit hindi yun alintana dahil worth it namang hintayin ang dalaga, ubod kasi ito ng seksi at ganda. Hindi pangkaraniwan ang kagandahan

25 years old na din silang dalawa, para kay Gyvn okay na mag settle silang dalawa ni Summer

At sigurado din ng binata na si Summer lang ang gusto 'nyang mapangasawa kaya naman ay pinipilit ng binata na hanapin ang bahay ng dalaga, sabi nila, aloof daw mga magulang ni Summer at gustong malayo sa mga tao. Balak 'nyang suhulan ang mga ito


Pagod na pagod na rin si Gyvn maglakad dahil ang layo na nitong nalalakad 'nya , ang weird lang kasi may binigay pa si Summer na mapa,

"Ganoon nalang ba kahirap hanapin ang bahay ni Summer kaya binigyan ako ng mapa? Ang weird ha" pabulong bulong na sabi ng binata

Kung high-way ito ay marahil nageenjoy na 'syang magmaneho ng bago 'nyang kotse. Aba! Pandagdag points na rin ang pagiging mayaman 'nya

Sabi ng Gf 'nya mahilig daw sa litson mga magulang 'nya kaya naman may dala 'syang hilaw na baboy dahil doon nalang daw nila lulutin, kung tutuusin ay mabigat na itong baboy na ito, ngunit nadadala 'sya ng athlete's back pack kaya naman kasyang kasya ang karne


Nako naman, gaano pa kalayo ang lalakarin 'nya para makapunta sa bahay ng girlfriend 'nya? Nangangalay na rin kaya ang likod 'nya, Mahigit isang oras na ata 'syang naglalakad

Maya maya pa't may nakasalubong 'syang lalaki, mas maputi ito sa kanya at pulang pula ang labi may napakaganda itong mata at may pagkamukha sa gf nya

"Ikaw ba si Gyvn James? Ang boyfriend ng ate ko na si Summer Vasovitch?" Ah, siguro ito yung kinukwento ng gf ko na kapatid 'nyang weird, loner kasi ito sa school

"Ah oo" nagpunas ako ng pawis ko na noo, wooh mas malala pa 'to sa training namin dati sa school grabe

"Lika, pinasusundo ka 'nya, akin na ang karne" walang ka effort effort na dinala nito ang bag 'nya gamit ang isang kamay grabe hindi 'sya makapaniwala, lumiko sila sa kahuyan, ni isang salita ay wala 'syang masabi, kahit 'sya ay mas matanda sa kapatid ng gf 'nya ay ewan basta't natatakot. Napaka fierce kasi ng mata ng batang ito at mang aking ding lakas

Pagkaraan lang ng ilang minuto ay nakarating na sila

Nakakapagtaka bakit parang hindi ito normal na bahay?

Sandaling nagtayuan ang balahibo ng binata at natapuan nalang ang sarili 'nyang katawan na nasa isang malambot na kama


G V Y N

Halos hindi ako makagalaw sa hinihigaan ko, parang sa mangkukulam kasi ang kwarto



Kasing itim ng uling ang pintura at ang natitirang gamit lang ay ang kamang hinihigaan ko, ang kabinet nasa kana ko at lamparang nakapatong sa mesa katabi ng kama ko



Sa sobrang linis ay nakakairita sa mata ang mga kahon na malalaki sa kaliwa ko, parang may mali



Sa wakas ay bumangon na ako, kinapkap ko kung nasa bulsa ng pantalon ko ang wallet at cellphone ko, wala na akong maalala kundi ang paglalakas ko sa isang gubat, iyon lamang

Siguro ay napagtripan nanaman 'sya nila Jimson, ang kaibigan 'nyang blogger. Siguro ay tumatawa na ito sa harap ng monitor at may naka set-up na hidden camera kung saan man dito


Napa kibit balikat nalang 'sya at tumayo, Pinagpagan 'nya ang suot 'nyang trasher shirt at itinupi ang dulo ng brand new jeans 'nya
Okay lang sakanyang mapag tripan, Tiyak namang ililibre 'sya ng kaibigan pagkatapos nito

"Bakit ako naka porma?" Naiiling iling na tanong 'nya sa sarili

Nang biglang bumukas ang pinto

"Summer?"

At naramdaman 'nya ang mabalahibong karpet na sumalo sakanya



Hinimatay nanaman 'sya


SUMMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon