S U M M E R
"Gyvn!" Mali ata ang desisyon ko na ipakita ko ang tunay na ako, Apat na taon na kasi. Apat na taon na. Ano pang hinihintay ko. Hindi naman buong buhay naman ay maitatago ko ito sakanya
"Henley! Ipasok mo 'sya sa kwarto ko, Hinimatay nanaman 'sya!" natatarantang anas ko
"Ma, Pa, Sorry kung nagmahal ako ng tao alam kong alam ninyo ang nararamdaman ko, ang hirap pigilan"
"Anak, Okay lang. Naiintindihan ka namin, Atsaka dati mo pa ito naipagtapat sa amin kaya't okay na" Sabi ng kanya Mama Verlin
"Ah, basta! Nagseselos parin ako Verlin ha! Kung hindi ko lang kayo mahal ng anak natin ay hindi ko 'sya papahintulutan na magnobyo ng mortal iyan si Summer!" Noong kabataan kasi ng Nanay 'nya ay nainlove rin ito sa isang mortal ngunit hindi sila nagkatuluyan dahil namatay agad ang lalaking inibig nito
"Honey naman, ito nanaman tayo. Henley! Sa kwarto mo nalang ni Summer ilagay iyan" Hinalikan ni Mama Verlin 'nya ang kanya Papa Hendrich nako nako nako
"Puntahan ko lang po si Gvyn sa taas, Sana po pala ay hindi ko 'sya binigla" naghihimutok na sabi ko
"Summer, Kung hindi ngayon ay kailan pa? Diba may plano na rin kayong magpakasal ng lalaking iyon? Kailangan 'nya nang makisalamuha sa angkan natin atsaka hindi naman bago na may mortal na umibig sa bampirang kagaya natin" Matigas na saad ng kanyang ama, Oo nga naman hanggang kailan 'nya itatago na hindi 'sya normal? Na ang pamilya 'nya ay hindi normal?
"Pa..." Iyon nalang nasabi 'nya kahit maypagka strikto ay hindi parin pala 'sya matiis nito at kinakaya paring ibigay ang gusto 'nya at gusto ng kapatid 'nya
"O sige na, puntahan mo na ang mortal na iyon" at pinuntahan na 'nya si Gyvn na mahimbing na natutulog, bago 'sya umakyat ay nakita 'nya ang kapatid 'nya na tumatawa... na hindi normal para sakanya
Ganoon paman ay ipinagsawalang bahala nalang 'nya ito
Nakarating na 'sya sa kanyang kwarto, Napahagikhik nalang 'sya noong makita ang mga kahon na nagkalat sa kwarto 'nya
Puno kasi ito ng mga topless na litrato ni Gyvn, Modelo na ito ngayon at dati ay soccer player ito. May mga topless shoots kasi ang mga litrato nitong nakadisplay, nakilala pa naman 'syang mahinhin ng nobyo pero ang totoo ay matagal na syang nagpapantasya dito, Hindi kasi normal ang maselang bahagi nya kaya hanggang ngayon ay pinipigilan nya na maymangyari sakanilang dalawa atsaka lumalabad din ang pangil 'nya kapag nalilibugan 'sya
Pumunta na 'sya sa kama 'nya, marahan 'nyang hinaplos ang mukha ng binata at inayos ang buhok nito, May balbas at bigote ito dahil sa bagong theme ng shoot ng binata sa U.S, Ang katunayan ay sinundan 'nya ang yapak ng nobyo at noong isang araw ay nag apply na 'sya sa agency kung nasaan si Gyvn nagtratrabaho
Hmp! Napaka pogi talaga ng isang ito, tiyak ay hindi lang 'sya ang babaeng napapantasya dito
Sa iniisip 'nya ay naiinis na 'sya, Sakanya lang si GyvnNapakaswerte 'nya sa isang ito, pero lagi 'nyang binubura ang memorya nito. Madalas kasi 'syang nahuhuli at ngayon buburahin nanaman 'nya dahil kailangang maging kalmado ang binata
Ang plano 'nya, pagkagising nito ay magaanyong bampira ulit 'sya pero ngayon ay silang dalawa lang sa kwarto 'nya upang mas mapaliwanag nito ng mabuti at maging kalmado na ito kapag nakaharap ang mga magulang at kapatid 'nya, baka kasi himatayin nanaman ang nobyo jusko
Nasapo nalang 'nya ang kanyang noo sa imahinasyon 'nyang mahihimatay nanaman ito, Lagi itong nahihimatay kapag labis na nagugulat. Kanina pa nama'y pulang pula ang mata 'nya. Iisipin talaga ng kung sino mang mortal na makakakita sakanya ay tunay 'syang bampira
Binantayan 'nya ang lalaki, higit trenta minutos na ay hindi parin ito nagigising kaya't bumaba muna 'sya upang uminom ng tubig
Pagbalik 'nya ay nakatayo na ang nobyo
''Summer?"
Ngunit hinimatay nanaman ito, ito na nga ba ang sinasabi nya
Shit! Anong oras na? Baka mabadtrip ang papa 'nya at maiinis sa kasintahan 'nya
"Gyvn!!! Gyvn!!!" Niyugyog 'nya ito at sinampal sampal, Jusko!
"Ah... Nasaan ako? Nasan tayo Summer bakit may pangil ka? halloween na ba? May party ba? Hmmm... mukhang totoo ah"
"Tanga! Bampira ang girlfriend mo!" at lumabas bigla ang mahabang dila 'nya, hindi 'nya ito napigilan, napatakip na lamang 'sya ng bibig at hinintay ang reaksyon ni Gyvn, Naku! Nataranta nanaman 'sya!
Halata sa mukha nito na hindi malaman ang gagawin, May pagkaduwag kasi itong lalaking ito.
Napatitig nalang ang binata sa mukha 'nya at hinimatay muli ito
Punyeta paano na 'to huhuhu?