Isang taon na pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din maisip na nakaya ko yung sakit na naramdaman ko simula nung iwan ako ni Jake. Hindi ko naman sya first boyfriend at lalong hindi siya yung first love ko, kaya hindi ko lubos maisip na nasaktan pa din ako ng sobra. Simula nun, hindi na ako tumanggap ng manliligaw. Madaming gustong manligaw at nangungulit pero wala talaga akong nagugustuhan. Nakakainis.
Bambie’s POV:
“Ano ka ba naman Bam. Hanggang ngayon ba naman si Jake pa din?” galit na tugon ng kaibigan kong si Shasha.
Si shasha ang bestfriend kong napakakulit, napakadaldal at napakapalaban. Alam niya ang lahat ng napagdaanan kong sakit nung naghiwalay kami ni Jake.
“H-ha? Hindi ah! Sus, tagal na kong nka-move on Sha. Masama bang ibrowse ang profile ng “dati” mong boyfriend? Sus.” Pagdedeny ko sakanya habang binabrowse yung bagong pics nya sa iPad ko.
“Ahhhhhhhh. Okaaaay. Kaya pala sa isang taon eh wala ka pa din mapili sa mga naggagwapuhang manliligaw mo. At kaya sa isang taon eh lagi mong chinecheck ang FB nya. Hahahaha. K!”
Ano ba naman tong si Sha. Hahaha. Feeling nya kasi talaga mahal ko pa din si Jake.
“Porke’t hindi pa nagkakaboyfriend ulit, hindi pa nkakamove on? Di pa pwedeng mas nag iingat lang?” banat ko sakanya.
Natigilan siya at may tinitingnan sa likod. Lumingon naman ako. Papalapit si Jake, sa amin. Binalik ko agad yung tingin ko kay Sha. Natahimik ako bigla.
“H-hello Bam. Kumusta kana?” halatang kinakabahan si Jake.
“I’m doing good. Alis na kami, may pasok pa kami.” Sagot ko. Ni hindi ako tumingin sakanya.
Oo nasasaktan pa talaga ako. Pero hindi na yung tipong magkukulong ako sa kwarto at mag-iiiyak ng mag-iiiyak. Nasasaktan ako hindi dahil gusto ko pa din siya or what. Siguro galit ako? Ewan!! Naubos na yung luha ko para sakanya. Isang buwan yon, isang buwang parating nasa kwarto, laging nagpapalipas ng gutom, ni hindi ako nakikipag date. Alam mo yung tipong parang hindi na mauubos yung luha sa mata mo? Yung tipong bago ka matulog iiyak ka, at paggising mo sa umaga, iiyak ka na naman. And every moment of silence, bigla nalang sisikip ang dibdib mo at iiyak nanaman. Parang walang katapusan.
“Halika na Sha.”
Tumayo na ako at direchong naglakad. Hindi na ko lumingon kasi alam kong susundan naman ako ni Sha.
(Classroom; Philosophy Class)
“Goodafternoon Class.”
“Goodafternoon, Maam!!”
“Ms. Montenegro, can you recap what we have discussed yesterday?”
Nabigla naman ako kay Maam. Ano nga ulit yun? Tsk. Nakakainis! Hindi ako sanay pag binibigla! Ayun! Naalala ko na. Tumayo na ko at nagsalita.
“Yesterday, we discussed about the Philosophy of Man.”
Yun lang. Ganun lang talaga kasi si Maam magparecite. 1 statement is enough so long as you have the Idea.
“Okaaay. Thank you Ms. Montenegro. So now, we’ll be discussing “LOVE”. Syempre lahat naman siguro sainyo ay nagkaboyfriend at nainlove na.” pabirong tugon ni Mam Castro.
“Hmmm. Tanungin ulit natin si Miss Montenegro kasi siguradong siya ang hindi nawawalan ng manliligaw dito.. diba class?”
Ano ba naman to si Mam! Kailangan talaga ipangalandakan sa lahat? Hmm. Ano naman kaya isasagot ko? Matagal akong hindi nakasagot. Kasi hindi ko naman talaga alam ang isasagot ko.
“L-love is..”
Ano baaaa Bambieeee. Para yun lang ang tanong di mo masagooooot!
“..Honestly, I don’t believe in love. So I guess, I can’t answer the question since I don’t know what love means.”
Totoo naman eh. Simula nung nasaktan ako ng sobra, hindi na ko naniniwala sa mahal mahal na yan. Kalokohan yan. Sa umpisa lang lahat.
“Hmmm. Sige Bambie, you may take your seat.” Paseryosong sabi ni Mam.
“How about you Ms. Fortuno?”
Ayun. Madaming nagrecite dun sa tanong ni Maam. Para ata sa kanila eh interesting yung topic. Naniniwala ako sa Love. Pero Love with God. Hindi yung Romantic Love. Leche. Buti nalang nag bell na.
“Baaaam!” isang pamilyar na boses galling sa likod. Sympre lumingon ako, alangan naming tumingala. HAHA :))
Paglingon ko. Haaaay. Ito nanaman siya. Ang masugid na manliligaw kong si Philip. Oh actually, hindi naman palan manliligaw kasi hindi naman ako pumayag.
“Ano nanaman?!” pagalit kong sagot.
“Eto naman oh. Galit agad. Pwede ba tayong magdinner?”
“Ano ba naman Philip, hindi ka ba nakakaintindi? AYOKO. 50x mo na ata akong inaaya, at 50x na din kitang tinatanggihan. Para kang linta na sunod ng sunod sakin! Hindi mo ba nahahalata? AYOKOOOONG MAAAAGPAAALIIIIIGAAAAW. KAAAAHIIIIT KAAAANIIIINOOO.”
Medyo napalakas ata yung pagkakasabi ko. Maraming tao yung nakakita’t nakarinig. Awww. Ganun naba ako ka Man-Hater?? O ka-bitterrr?? Napahiya ko ata siya.
“A-aah. S-sge. Pero hindi mo naman ako kelangan ipahiya sa maraming tao.” Sumeryoso yung mukha nya. Yun yung unang beses na nakita ko siyang ganon. Natakot nga ako bigla.
BINABASA MO ANG
Sweetest Revenge
RomanceSi Bambie Montenegro ang kaisa isang Anak ng Teresa at Arnold Montenegro. Sila ang may-ari ng Montenegro imports. Maganda, Mayaman, Matalino, Mabait. Isa sya sa mga hinahangaan ng karamihan. Pagkatapos ng isang masalimuot at napakasakit na karanasan...