Chapter 2

22 1 0
                                    

Nakahiga ako sa kama ko habang nanonood ng HBO. Iniisip ko pa din yung nangyari kanina. Pero bagay lang sa kanya yun. Ang kulit eh. Hindi madaan sa tingin at kahit nga sa pagprangka hindi madala eh! Siguro naman titigil na siya.

*Phone rings*

“Hello?”

“Hello Bam! Kaloka ka. Kalat na kalat sa school yung pagpapahiya mo daw kay Philip. Totoo ba yun!? Tsk. Hala Alam mo namang maimpluwensyang tao yun diba?” takot nag tugon ni Shasha.

“Huh? Bakit ba? Buti lang sakanya yun noh. Napakakulit nya masyado. Sinabi ng ayaw, mapilit pa. Nakakainis. P-pero hindi ko naman talaga sinasadya yun eh.”

Alam ko kung anong kayang gawin ni Philip. Siya ata si Philip Natividad. Girl-Magnet nga tawag sakanya eh. Pero hindi ibig sabihin nun na pati ako madadala nya sa kagwapuhan at kayamanan nya. Varsity siya sa school, star player. Kaya madami talagang nagkakandarapa sakanya. Madami din nagsasabing bagay kami. Pareho daw maganda’t gwapo at mayaman. Pero ayoko talaga. Ayoko.

Kinaumagahan, bumungad kaagad sakin ang text ng isang pamilyar na number sa cellphone ko. Hmm. Si Jake. Ugali kasi nitong mag-GM. Kacheapan. At syempre sinasama nya ko kasi feeling nya friends kami. Friends naman talaga kami, Sa mata nya at ng ibang tao. Haha.

*1 new message: Jake Lavadia*

Goodmorning Bam. Supposedly, its our 3rd anniversary today. Kung sana hindi kita sina nasaktan, sana tayo pa din ngayon. I still love you Bam, and I always will :( Sana mapatawad mo na ako. I love you so much.

Kala ko GM. Para sakin lang pala? Anong araw ba ngayon? February 10. Aw, limot ko. Ito kasi yung mismong araw na iniwan nya ko sa ere at simula non, wala na sa kalendaryo ko ang araw na to.

After 3 months of break up namin noon, nakikipagbalikan sakin si Jake at nagmamakaawang mahalin ko ulit sya at magsimula kaming muli. Ano ako Tanga? Ngayong natigil na akong umiyak at nakakatulog na ng mahimbing, babalik nanaman ako sayo? Leche ka.

(Alam ko curious kayo kung anong nangyari kaya ganito nalang ako kagalit sakanya. Haha. Yung naging relasyon naming ni Jake, parang roller coaster. Nakakalula, nakakarindi. Away dyan, away dito. Selos dyan, Selos dito. Pero kahit ganon, alam naming mahal na mahal namin ang isa’t isa. Mahal na mahal. Pero bat biglang ganon nalang? Hindi ko maintindihan. Hiniwalayan nya ko sa hindi ko maintindihang dahilan. Si Bambie Montenegro, hiniwalayan ng isang Jake Lavadia lang? Nakakahiya. Nakakagalit. Parang mamatay ako sa sakit noon. Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak, magtanong ng magtanong kung bakit ganon ang nangyari. Buti nalang andyan lagi si Shasha. Siguro kung wala siya, nagpakamatay na talaga ako. Joke! Ang sabi ni Jake, balang araw maiintindihan ko daw siya. At Oo, naintindihan ko na nga. Na hindi kami bagay. Na hindi ka bagay sa isang katulad ko. I deserve the best. I deserve A guy who will never leave me no matter how bad the situation is. And obviously, its not you. It will never be you.)

At ngayon nga, isang taon na. At galit pa din ako sa kanya. Akalain mo yun? Haha. Pero hindi ibig sabihin nun na mahal ko pa din sya. Hindi ako nagreply sakanya. Paaksaya sa oras. Nag ayos na ako kasi may pasok akong 9am.

(Classroom)

Tamang tama. Wala pa si Sir pagdating ko. May oras pa ako makipagkwentuhan kay Shasha :)

“Sha.” Isshare ko sana yung message na nareceive ko mula kay Jake.

“Bam. Sino date mo ngayong Valentine’s Day?” Excited na tanong niya.

“Ano kaba naman Sha. Kacheapan naman yan. Alam mo naman hindi ako nakikipag date diba?” agad kong sagot.

“Sus! Minsan mo din naming ginawa yan eh. Hahahaha!”

Alam ko ang tinutukoy ni Shasha. At halatang gusto nya nanaman akong asarin. Maya maya, dumating na si Sir at nagsimula na yung klase. After ng klase, pumunta ako ng C.R para magretouch. Ang tatalim naman kung tumingin tong mga babaeng to. Isa dun si Ciara. Ex girlfriend ni Philip na hanggang ngayon, halatang habol ng habol pa din.

“Alam niyo girls, di ko alam kung bakit after nung nagbreak kami ni Philip, bumaba na masyado ang standards nya sa babae. If you know what I mean :3” Padinig ni Ciara, at halatang ako talaga ang pinapatamaan.

Supladang pangit na to. Alam naman ng lahat na lamang na lamang ako sakanya. Siya lang talaga nag-iinsist na mas maganda siya sakin. Sus! Eh sa palaban din ako.. sinagot ko.

“Alam niyo Girls, parang masyadong malabo na yata ang salamin dito sa C.R natin noh? Magpapa-sponsor ako kay Daddy. Kawawa naman kasi yung iba, masyadong maganda tingin sa sarili. Diba Ciara?? O by the way, kaya siguro bumaba yung standards ni Phil kasi nakakahiya naman daw sayo. If you know what I mean :3”  paasar kong tanong.

Kung sa ibang istorya eh nagpapaapi lang ang bidang babae, pwes ditto palaban ang bida. Hehe ;p

“Aba sumosobra kana!!” galit na tugon ni Ciara. Papalapit na siya sakin para sabunutan ako, buti nalang pinigilan siya ng mga kaibigan nya. Kawawang bata.

Naglalakad ako palabas ng gate para hintayin si Mang Pedring, ang napakabait naming driver.

“Antagal naman ni Mang Pedring.” Bulong ko sa sarili.

*pooooot poooot*

Magpapaload sana ako sa kabilang tindahan ng mahulog ang mga gamit ko!

*pooooooooot pooooooooot*

Muntik pa kong masagasaan! Lecheng driver ng sasakayang to!

“Ano ba!? Hindi ka ba marunong magdahan dahan man lang!??” pagalit kong sinabi, pero hindi ko pa nakikita yung driver.

Bumaba siya at dali dali akong tinulungan.

“Sorry Miss. Bigla ka kasing tumawid eh. Pasensya na talaga, pasensya na. Nasaktan ka ba?! Pasensya na talaga Miss.”

Halatang nagaalala siya sa nangyari. Ang amo ng mukha niya. Napakagwapo niya. Medyo may kahawig nga siya eh. Di ko maalala kung sino. Maputi, Chinito, Macho, Matangkad at halatang mayaman. Pero sa lahat ng mayayamang gwapong kilala ko, siya lang yung mapagkumbaba. Siguro kung iba yun, sila pa galit.

“a-ah o-okay lang. Sa susunod, magdahan dahan ka sa pagmamaneho mo. Para iwas disgrasya.”

Sympre hindi naman ako ganun kasuplada diba? Mabait naman ako. Lalo na kung mabait naman ang pakikitungo sakin. Yung mga manliligaw ko, kaya ayoko magpaligaw kasi kung hindi mayabang, e manyakis. Sino ba naming may gusto non?

“Oo. Pasensya na talaga miss. Ako nga pala si Paolo.” Inabot nya yung kamay nya, para makipagshake hands sympre.

“Ahh. Bambie.” Nakipagshake hands din ako. At dali daling sumakay sa Sasakayan. Kanina pa pala kasi dumating si Mang Pedring.

“T-teka B-bambie!” narinig kong sinigaw nya yung pangalan ko pero dinedma ko nalang.

Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon