Pagkatapos kong maligo at magbihis, kinuha ko yung phone sa bag para tawagan si Dad. P-pero teka! Asan yung phone ko??!! Nawawala!! Nasnatch?! Nahulog!? Pero san naman!? Oh myyyyyyyyy :”((
Natulog muna ako para may enrgy mamaya. Pero sa iniisip pa din kung san nahulog o nawala ayung phone ko. Swerte naman nun. Kakabili ko lang nun last week eh. Buti nalang eh may scheduled time na yung dinner and alam ko na kung san. At around 7pm, nagpahatid na ako kay Mang Pedring.
(Avelino’s Resto)
“Hi Mom!” niyakap ko agad si Mommy pagkakita ko sa kanya.
“Hi Baby!” nakangiti naman akong sinalubong ni Mommy.
“Where’s Dad?”
“May kinakausap lang na Client baby. C’mon, take your order na.”
Maya maya dumating na si Daddy at nagsimula na kaming kumain. Kwentuhan, Kumustahan and umuwi na pagkatapos.
Pumunta agad ako sa kwarto para magpalit. I’m about to text Sha kasi may tatanong sana ako. Nakalimutan ko, nawala nga pala yung phone ko :( Ayun, nag iPad nalang ako. Paantok, naglaro ng Temple Run :3
Nagising ako ng maaga kasi ako yung Head Organizer sa Event sa 14. Valentines Day. Talagang dapat ganon? Kung sino pa hindi inlove, sya pa talaga dapat mag organize? Haha. Anyway, I was tasked to do it kasi I’m good at it, Organizing an event.
Bago ako nagpaschool, dumaan muna ako sa Mall para bumili ng new phone. Then dumerecho nako sa Gymnasium. Madaming games, booths, tapos iba pang programs. Wew! Asan kaya si Sha? Kanina ko pa siya hindi nakikita ah. At iba yung nakita ko. Ayun, paparating si Jake.
“Bam.”
“Busy ako, Jake.”
“Bam, pwede--”
“Can’t you see Jake? I’m Busy!!” galit ko syang sinagot.
Ang totoo, meron naman talaga akong oras. Pero kung sakanya ko lang naman ilalaan, wag na. Hinawakan nya ko sa braso, hinila nya ko na parang hindi ako babae. Napaka ungentleman nito! Am I drunk the whole relationship?! My gosh. Nagtitinginan ng lahat.
“Ano ba Jake! Bitawan mo ko!!”
“Ayoko! Kailangan kitang makausap Bambie!” halatang desidido sya.
Napahinto sya ng may biglang umagaw ng kamay ko sakanya. S-si.. Ano ngang pangalan ulit nito? Siya yun! Yung muntik ng makabangga sakin kahapon! P-paolo ba yun??
“Pare. Hindi sinasaktan ang babae.” Awat ng lalake habang hawak hawak ang kamay ko.
“And who the hell are you!?” galit nyang sinagot si Paolo. Sabay agaw ulit sakin. Ano ba yaaaaaan!!
“Bagong manliligaw nya bakit?!”
Ewan ko pero bakit hindi ako nainis sa sinabi nya? Kinilig ako. Pero konti lang naman! Ano bang meron sa lalakeng to?!
“Eh sira ulo ka pala eh!” sinuntok ni Jake si Paolo sa pisngi. Makikita mo ang galit sa mata nya. Halatang nagseselos.
Nagsuntukan sila. Inaawat ko pero baka ako naman yung masaktan.
“Tama na pwede!?!”
Hindi nila ko naririnig. Nagsusuntukan pa din. Parang magpapatayan. May mga dumating ng ibang lalake na pwedeng umawat sa kanila. Hay salamat! At buti nalang walang professors na nakakita, kundi lagot ako.
“Pare, hindi pa tayo tapos.” Banta ni Jake kay Paolo.
“O-okaay k-ka lang?“ nag aalala kong sagot sakanya.
BINABASA MO ANG
Sweetest Revenge
RomanceSi Bambie Montenegro ang kaisa isang Anak ng Teresa at Arnold Montenegro. Sila ang may-ari ng Montenegro imports. Maganda, Mayaman, Matalino, Mabait. Isa sya sa mga hinahangaan ng karamihan. Pagkatapos ng isang masalimuot at napakasakit na karanasan...