(SYTHNEY's POV)
nawala na talaga ako sa mood ko, dapat masaya ako ngayon at good vibes lang dahil first day of school pero heto ako ngayon at nagmumokmok sa tabi habang busy sa pagchichikahan tong mga classmate ko, sabagay matagal din naman kaming di nagkita-kita. akala ko wala ng mas lalala sa pagkabangga ko sa ethan nayun pero meron pa pala. sa tingal-tagal ng panahon na di kami nagkita at iniwasan ko siya di ko parin lubos maisip na di ko parin pala kaya, nasasaktan parin ako sa tuwing nakikita ko siya, akala ko nakapag move on nako yun pala hindi pa haaayyy
"oy!" -riena
"oh?bakit?" bigla-bigla nalang tong sumusulpot kung saan-saan.
"may problema?" -riena
"hmm wala naman masyado" -ako
"wala masyado so ibig sabihin meron nga" napansin pala niya.hehe kasi tong si riena loading yan paminsan-minsan eh, ay parati pala hehe loading kasi pag nag-uusap kami tatango-tango lang yan na parang nakukuha at naiintindihan niya yung pinag-uusapan nyo pero pagkaraan ay magtatanong yan kung ano bang pinag-usapan nyo hahaha ganyan lang talaga si riena
"yah kunti lang naman, di naman gaano ka big deal"
"share ka naman jan total may 30 minutes pa tayo before mag time so go na"-riena
"wag na, wala namang interesting dun eh"
"alam ko na meron, minsan ka lang kaya nagmumukmok sa tabi" napaka persistent talaga
"sa susunod nalang"
"aaahhhh sige na" wala naong nagawa kundi ang ikwento sa kanya ang nangyari kanina, nasabihan ko narin naman siya tungkol sa amin ni louie eh. buti naman at naintindihan niya agad
"ahh talaga? so di kapa talaga nakapag move on noh? hayaan mo makaka get over ka rin niyan, soon"
"sana nga" i hope na mangyari yung sinabi ni riena, kasi ayaw ko na talagang ma stuck sa past kasi nga nakakastress..
"sige balik nako sa upuan ko ha? malapit na rin namang mag bell eh, sana walang mangyaring discussion ngayon, nakakatamad pa eh hehe" -riena
"tama, sige gora ka na" pagtataboy ko sa kanya
di nagtagal dumating narin yung prof namin, major subject namin ngayon at buti nlang nag sidcuss lang kung saan tungkol ang subject namin at kung anu-ano ang mga gagawin namin.
natapos ang lahat ng klase ko na lutang na lutang yung isipan ko. ewan ko ba, parang di mawala-wala sa isipan ko yung nangyari kanina. papunta nako sa may registrar office kung saan magkikita kami nila gelai at ng iba pa,,sabay kasi kaming uuwi total pareho lang naman kami ng uuwian.pagdating ko dun, si emman, jana at hartley pa lang ang nakita ko sa may bench, lumapit nako sa kanila. Si emman, jana at hartley ay mga barkada ko rin yan. si jana education ang kinuha at si emman at hartley ay business administration. sabay rin namin sila sa pag-uwi.
"hello guys" bati ko sa kanila sabay upo s atabi ni jana
"hello syth, musta ang unang araw" -jana
"well its a total disaster"
"bakit naman? dapat good vibes tayo ngayon kasi nga first day" -jana
"yan nga sana ang dapat mangyari pero kabaliktaran ang nangyari sa kin kanina, puro kamalasan nalang" naalala ko naman yung tungkol kay ethan at kay louie :(
"ano ba kasi ang nangyari syth?"-jana
"may nakabangga raw sya kanina na gwapo" si emman na ang sumagot sa tanong ni jana,. pano naman kaya niya nalaman ang tungkol dun