(Syth's POV)
"uy!"
siya : no comment
"uy! bitawan mo na nga ako!"
"tiningnan lang niya ko saglit tapos hinila na naman niya ako" naman tong lalaking to, ang layo-layo na kaya namin sa registrar
"ang kulit mo rin noh? bitaw na nga sabi eh" hinila ko na yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya. kasi naman, nakakainis na siya ha. may pahila-hila pa siyang nalalaman. close ba kami ha?
"ano bang problema mo ha?" -ethan
"ako pa ngayon ang may problema? sino ba ang gagong nanghila nalang bigla sa akin don? di ba ikaw?" -galit na talaga ako sa kanya
"biti nga at hinila pa kita dun kesa makita mo yung ex mo na nakikipagharutan sa linta niyang girlfriend" -ethan
"pakialam mo ba ha? at san mo naman yan nalaman?"
"wala ka na dun, dapat pa nga eh nagpapasalamat ka sa akin kesa sinisigawan mo ko" -ethan
"at ba't naman ako magpapasalamat sayo aber? bakit? sinabihan ba kitang hilahin mo ako at ilayo dun sa magandang view sa harapan ko? di ba hindi?" pakialamero talaga tong lalaking to, wala naman siyang alam eh
"ewan ko sayo!"-ethan
"ewan ko rin sayo, bahala ka na nga diyan" tinalikuran ko na siya at naglakad na palayo nang bigla siyang nagsalita
"di ka pa ba nakapag move on kay louie? mag move on ka na dahil may iba na siya" -ethan
"alam mo ba yang pinagsasabi mo ha? wala ka namang alam sa issue naming dalawa kaya wag kang magsalita diyan na parang alam mo ang lahat"
"alam ko kaya" alam niya? sino na naman kayang nagsabi sa kanya
"sige nga kung alam mo, ano ko si louie?" paghahamon ko sa kanya
"ex mo" walang gatol na sagot niya
"tapos?ano pang alam mo?"
"yun lang, ex mo siya, ano pa bang dapat kong malaman? isa pa di ako interesado sa love life nyo no" -ethan
"yun lang pala ang alam mo, kung makapanghimasok at makapagsalita ka dyan tungkol sa pag momove-on eh parang alam mo ang lahat"
"ahh ewan, makaalis na nga, sabi ko nga kanina di ako interesado" aba't siya pa talaga ang may ganang ewan at talikuran ako
"kung di ka talaga interesado eh di sana di mo ko hinila kanina psh" ang tanga lang niya
"asa ka naman, anong akala mo? hinila kita dahil interesado at nagmamalasakit ako sa yo? wag ka masyadong mangarap" nakatalikod parin siya sa akin.. ang sakit lang niyang magsalita
"bakit sinabi ko ba na nagmamalasakit ka sa akin ha? kapal talaga ng mukha mo. , sa susunod wag kang manghihila ng basta-basta,bwisit" -ako
"may dahilan ako kung bakit kita hinila" sabi niya sabay lingon sa akin
"ano naman yang rason mo? siguraduhin mo lang na may sense yan kundi" grr naiinis na talaga ako sa knaya..
"syempre may sense to no, pahiram ng notebook mo sa humanities" yun lang? yun lang ang rason niya? well. ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang to.
"psh, akala ko ba meron kang kopya"
"sinabi ko ba na meron ako?"
"di ba nga nagtanong ka sa akin kanina kung may kopya ako ng discussions natin sa humanities sabi ko meron at di ako magpapahiram ,tapos sbi mo naman di ka manghihiram at nagtatanong ka lang, tanga ka ba?" mahabang pagpapaliwanang ko sa kanya nang maliwanang siya