Chapter 11

2.1K 78 27
                                        

ARA

Madilim na nang dumating si Zack sa kanilang tahanan. Ilang oras nang mag-isa si Ara sa kwarto kaya naman nang dumating ang binata ay agad na sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Agad na masiglang binati ni Ara ang kadarating lamang na binata.

"Kaluluto ko lang Zack. Sabay na tayo kumain? Niluto ko yung pabori~"

"Im not hungry."putol ng binata kay Ara bago ito dumiretso sa kwarto nito. Ni hindi man lang siya nito nilingon. Agad na napawi ang ngiti ng dalaga sa inasta ni Zack. Ito ang unang beses na hindi siya pansinin ng binata. 

Ano ang nangyari sa panahong umalis ito? Bakit bigla itong nagbago? Noon ay kahit anong pilit itago ni Zack ang nararamdaman nito para kay Ara ay agad na nakikita ni Ara ang tinatago nito. Pilit man nitong itinatago ang nararamdaman nito ay ramdam parin ni Ara ang pagmamahal ng binata. Ngunit ngayon ay tila hindi man lang siya napansin ng binata. Ito rin ang unang beses na hindi siya sabayan nito sa pagkain. 

Nangunot ang noo ng dalaga sa inasta ng binata. Hindi niya nagustuhan ang inasal nito.

Niligpit na lamang ni Ara ang hapag kainan. Ang totoo ay kumain na siya. Sinabi niya lamang na hindi pa para kay Zack. 

Siguro ay nalamn ng binata na nagsisinungaling siya kaya sumama ang loob ng binata. Ito ang nasa isip ni Ara bago siya pumasok sa kanyang sariling silid.

Kinabukasan ay maaga siyang gumising upang mag-luto ng almusal katulad ng dati. Simple lamang ang hinanda niya. Eggs and bacon. Sinamahan narin niya ng fried rice. Nang matapos siya sa pagluluto ay pinuntahan na niya ang kwarto ni Zack upang katokin ito. 

Paulit ulit na lang ang ginagawa niya. Nakakapagod na. Kailan kaya siya pagkakatiwalaan ng binata? Ito ang tumatakbo sa isip ni Ara habang kinakatok niya ang pinto ni Zack.

Lumipas ang ilang minuto ngunit walang sumagot kaya naman napagpasyahan niyang pasukin na ang kwarto ng binata. Sa kanyang pagpasok, ang una niyang napansin ay ang maayos na kama nito. Sinilip rin niya ang banyo ngunit wala rin ang binata rito. Nasaan na nga ba si Zack?

Lumabas na si Ara sa silid ni Zack at tinitigan niya ang hinanda niyang pagkain. Pangalawang beses na ito. Ano ba ang nangyayari? Mayroon ba siyang ginawang mali? Ano ang nangyayari sa labas na nangangailangan ng atensyon ng binata?

Hindi mapakali si Ara. Naiinis siya. Hindi dapat ganito. Hindi dapat siya binabalewala ng lalaki.

Alas-onse ng umaga nang may madinig si Ara na kalabog sa kwarto ni Zack. Dumating na ang binata at ni hindi man lang siya dinaanan nito. Masama ang tingin ni Ara sa pinto ng binata. Palibhasa ay kaya nitong lumusot sa kahit saan na mayroong anino kaya naman napakadali lamang para rito ang iwasan siya. Kinuyom ni Ara ang kanyang palad. Hindi siya papayag na iwasan siya nito. Lalapitan niya ito ng lalapitan hanggang sa makuha niya ang tiwala nito at makaalis siya sa pulang kwarto.

Agad na nilapitan ni Ara ang pinto ng kwarto ni Zack. Hindi na siya nag-atubiling kumatok pa at agad na lamang niyang binuksan ang pinto. 

"Za~~"agad na naputol ang pagtawag niya sa pangalan ng binata dahil sa tagpong tumambad sa kanya.

"Hindi ka ba marunong kumatok?!"galit na sigaw ni Zack ngunit hindi ito pinansin ni Ara. Nanatiling nakapako ang tingin niya sa babaeng hubad sa kama. Mahaba ang buhok nito habang matingkad na kulay pula naman ang mga mata nito. Sa mga mata ng babae ay kitang kita niya ang pagnanais dito. Sa porma nito ay kitang kita niya na malaki ang tiwala nito sa sarili dahil hindi man lamang makitaan ni Ara ng hiya ang babae kahit na naabutan niya itong walang saplot.

Hindi maproseso ng utak ni Ara ang nakikita niya. Bakit? Ito ang hindi niya maintindihan. Walang pang itaas si Zack habang walang saplot ang babaeng kasama nito. Mayroong dalawang maliit na sugat sa dibdib ni Zack at mayroon pang dugong tumutulo mula rito. Nang mga panahong iyon ay pinagdasal ni Ara na sana ay isa siyang tanga na hindi naiintindihan kung ano ang nangyayari sa dalawa nang abutan niya ito. Ngunit hindi siya tanga at alam niya kung ano ang naganap.

Escaping DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon