Habang nasa Cafeteria kami, nakita ko nanaman si Jay... TYT
*Flashback*
Hindi kami legal sa magulang ko ni Jay. Bawal pa kasi akong magjowa talaga, pero mahal ko talaga e. -___________- Ewan ko ba kung bakit minahal ko. Gag* yun e, babaero pa. Sa twing Lie Low ang sitwasyon namin may nilalandi sya, saya diba? :3
One time, nagkaayos na kami. Akala ko di na nya ginagawa ang paglalandi nya kapag di kami ok. Mukhang tanga lang pala ako sa mata ng mga kaibigan ko. Sila alam, ako hindi. Ansakit diba? -___-Pero wala na atang mas masakit pa nung ako mismo ang nakahuli.
School Ground.
Naglalakad kami ng mga kaibigan ko sa School Ground papuntang Garden. Nagtatawanan pa kami nun, sobrang saya dahil may nalait nanaman kami. Napahinto si Suzeth. Tinanong ko sya kung bakit, tas may tinuro sya, napalingon ako dun sa tinuro nya, nakita ko si Jay. May kalampungan sa sulok, aba masaya din. Napalapit ako.
"Hi" bati ko, kita ko ang pagkagulat ni Jay.
"ahh. L-li-a" pag-uutal nya
"babe, sino sya?" I asked with a sweet voice.
"Ah, Babe si ano, Si Maecy, kaibigan ko" Sagot nya, I slapped him.
"Kaibigan? Kailan pa nagkaroon ng magkaibigan na sa sulok nag-uusap na gusto ng maghalikan sa sobrang lapit ng mga mukha?!" Hindi nakasagot si Jay, kaya may dinugtong pa ko. "At ikaw naman babae, alam mo naman siguro na may girlfriend na sya? Diba, kalandian mong hinayupak ka" habang dinuduro si Maecy.
Paalis na sana ko, but I hesitated. Kaya sinampal ko ulit si Jay at tumalikod na, pero parang di sapat, kaya humarap ulit ako at sinampal si Maecy.
Nagwalk out na ko ng tuluyan ng hindi lumilingon sa likod. Nakita ko yung mga kaibigan kong nakatitig lang sakin. Paglapit ko sakanila napasigaw sila. "Galing mo dun Lia" yan ang halos narinig ko sakanila.
*End Of Flashback*
"Lia," sabi ni, napalingon ako. Bullshit. Naalala ko nanaman pala. :( Nakita ko si Marky, nakatingin sakin. "Ayos ka lang?" dagdag pa nya. Naluluha nanaman ako. Tama na.
"Ayos lang ako" Sagot ko sakanya
"Aynako Louise! Ayun si Jay oh!" singit ni Sadee sabay turo kung nasan si Jay. Hay past life. Hindi ko nalang inintindi yung sinabi ni Sadee. "Magmove on ka na kasi." dagdag nya.
Aynako. Babalik nanaman sa topic na to. Ilang ulit pa ba. Nakatingin sakin ngayon sila Sadee at Marky. "Whuuuut?" I asked. ThHey gave me a blank face. Badtrip. :(
"Lia, mahal mo pa ba?" Deretsong tanong ni Marky. Natahimik ako. Gusto kong isigaw ang sagot ko ng OO! Sobra! Pero para san pa? Masaya na sya diba? Kaya wag nalang, "Hindi na" sagot ko sakanila.
Kinain ko nalang yung pagkain ko at nanahimik. Narealize ko lang. "Teka, bakit ba ako yung topic ngayon?" napatanong ko bigla. Napatawa silang dalawa. Mga loko talaga. :3
Dumating na yung iba kong buraot na tropa. Sila Danne. Di kasi kami sabay sabay kung minsan kumain. Mayron din kasing Lablayp yung iba kaya ganon, paker iniiwan kaming tatlo -____-"" Ayan na, umingay na -______________- And guess what kung sino ang topic nila? Edi AKO! Yung past ko. :3 PakyuOl, djklang
The time flew fast. Nag-uwian na, sa wakas. Sagad ako sa Math -_______-
Hayszxc. Mag-isa pa ko uuwi. Yung tropa may kanya-kanyang date, si Sadee naman may pupuntahan daw, si Markee naman, nasan nga ba yun? Ah Basta! Ang alam ko mag-isa ako uuwi ngayon -___________________________________- Ayoko muna sumabay sa school bus. Mas trip kong lumakad ngayon. :D
Habang naglalakad ako, may nakakasalubong akong kakilala ko, so babatian kami, ngitian, plastikan, dejklang. Yung maghi lang tas tapos na. Lakad uli. Something caught my eye. Bakit ba trip ako ng araw na to? Nakita ko nanaman si Jay, kasama si Maecy. -__-" Otor, wala ka bang ibang alam kundi ang magpaalala sa nakaraan? ../.. Aynako Jay! Pwede ba? Lumipat ka na sa Mars para di na kita makita't di na ko mahirapan? :(
BINABASA MO ANG
Jokes are Sometimes Half Meant
Teen FictionHindi lahat ng joke nakakatawa, yung iba nakakakilig. Dba? :D