Noong nagsisimula akong magsulat, hindi ko alam ang tunay na depinisyon at pinagkaiba ng novel sa novella, at one shot sa short stories. Madalas ko siyang nakikita sa mga stories dito sa wattpad. Pero naguguluhan parin ako dahil may kani-kaniyang depinisyon at standard ang isang writer kung tatawagin ba niya itong one shot story or short story ba, o kung anumang naimbentong term ngayon.
So, napraning ako haha. Pero ang mga sumusunod sa depinisyon, nabasa ko yan sa isang libro na may pinamagatang HOW TO WRITE & SELL YOUR FIRST NOVEL by Oscar Collier with Frances Spatz Leighton ang ilang mga saktong definition na hinahanap ko...
1. SHORT STORY - "A short story usually centers around a single incident that shows the character of the hero or the villain or that changes the person's life." "A short story often makes just one point."
– from HTW&SYFN
So, hindi porke maikli yung story ay matatawag na siyang "short story". Sa mundo ng mga writers, SHORT STORY means a story that shows just a single incident. Halimbawa dyan ay yung sinulat kong "Ang Sagot Sa "Paano?"" Though nag flashback siya sa mga nangyari kaninang umaga, it just tells a story about one point sa buhay ni Mon Santiago. Naiisip niya kasi yung mga pangyayar noong umagang yon sa panahon na mag-isa siya then that story told the readers yung one moment sa buhay niya na nasagot niya ang tanong niyang "Paano?"
2. ONE SHOT STORIES – Ukol dun sa naresearch ko, ang one shot ay same ng comic book, published as a single, standalone issue, and not part of an ongoing series or miniseries. Hindi siya trilogy, o 'di kaya may Book 2 pa, or hanggang Book 7 gaya ng HP.
According to another definition from Wikihow HOW TO WRITE A ONE-SHOT: "A one-shot is a short literary work that is over 100 words and can stretch to however long you like."
From the word itself, one-shot, – which literally means happening only once – wala na siyang kasunod pa. Hindi siya series.
Dyan papasok yung dati kong nasa published "Compilation Of Short Stories" na A-B-C-D-E, 2 Out of Ten, etc., which is wrong, kasi hindi sila short story. (according sa definition ng short story: refer to #1) Opo, maiikli na storya sila pero hindi sila nagkekwento ukol sa isang point lang ng buhay ng hero or villain, hindi rin naman sila ganon kahaba para maging Novel, so, my common sense says, they are called one-shot stories. Tingin niyo? XD
3. NOVELLA – "...longer than a short story but shorter than a novel." – from HTW&SYFN
Inexample ng HTW&SYFN yung 101-page book ni Tobias Wolff "The Barracks Thief"
Mas maeelaborate pa ang meaning ng Novella below, sa meaning ng Novel.
Malinaw naman po 'di ba? Longer than a short story but shorter than a Novel.
4. NOVEL – "...is a string of incidents that builds to a climax..." "A novel can span in any amount of time." – from HTW&SYFN which means, pwedeng may "after 10 years..." "after 3 years..." kineme sa isang novel. O di kaya, yung buong storya ikinwento mula nung 1st year si Harry Potter hanggang sa nakapag asawa siya, or pwede ring katulad nung "The Hunt for Red October" ni Tom Clancy, which the whole novel told the readers about what happened in 18 days. Meron din namang stories na generation to generation yung cover nung story.
Diniscribe din ang Novel bilang "...a long fictional work..."
Now, ang NOVELLA, hindi katulad ng short story na isang incident lang ang ikinukwento. Pwedeng string of events din pero hindi kasing dami ng strings of incidents ng isang Novel, katulad ng nabanggit, dahil mas maikli ito sa Novel.
Hoping that these infos will help you! Mag uupdate ako kapag natapos ko na mabasa yung book na nagiging source of knowledge ko about sa pagsusulat ng story. Baka magpublish ako gn bukod.
Maaaring alam niyo na yung ibang sinulat ko dito, or isusulat palang, pero mas mainam nang napapaalalahanan tayo para laging maging fresh ang memory at knowledge natin ukol sa mga terms, styles at strategies sa literary world! God bless you readers! Fighting!
BINABASA MO ANG
Buena Vida
Literatura FemininaBuena Vida ay salitang espanyol na ang ibig sabihin ay "Good Life" Isinulat ko ang mga maiikling kwentong ito, upang ibahagi, ipakita, ipaunawa sa bawat kabataan, dalaga't binata, mga ina, mga ama, na kahit na gaano kapait ang pinagdadaanan mo, ma...