MOTH 16: The voice

110 6 0
                                    


MEYAN's pov

Jenny: bhest!! Field trip na natin, sa wakas!!
Ako: bibili tayo ng madaming pagkain!!
Jenny: at bibilhan din kita ng bathing suit, yung sexy, yung revealing!
Ako: hala! Wag mo nga kong idamay dyan!
Nick: oo nga, mamaya mawalan ng gana ang mga tao dun pag nakakita ng amazonang naka two piece!

Ginaya pa niya yung sikat na u-u-a-a ng mga unggoy -__-

Jenny: hoy nicky! Sexy si bhest noh!
Ako: hindi mo naman kailangang ipasa ang lahi mo sakin, nick-olo!
Nick: anong lahi?! Hindi mo ba alam na may lahi akong kastila!?
Ako: alam ko, isa lang naman sila sa sumakop sa pilipinas kaya nagkaron ka ng lahi.

Sensei: class!! Silencio!!

Natahimik kami ng binato na ni sensei ang eraser at sakto sa mukha ng kaklase ko.

C.mate: aray!!
Sensei: para kayong nakawala sa hawla.

Hahaha! After kasi niyang sabihin na may field trip eh nagkanya kanya kami ng buhay este usapan.

Sensei: sa sabado ang field trip niyo. yung mga ipinasa kong papel sa inyo, ipapapirma niyo yan sa mga magulang niyo. Andyan na din nakalagay kung saan ang destinasyon natin sa Saturday, okay?
Kami: yes sensei!

------------

Carl: groupp oneeeee!!!

Napatakip ako ng teinga. Ang lakas ng boses niya eh. Tumayo ako at nilapitan siya. Nasa classroom pa din kami, nagaayos para sa modelling namin sa english play.

Carl: mamaya na ang model. Please guys, wag niyo naman ipakita yung mga kapalkapakan ng iba tuwing praktis, actual na to so gawin natin ang best , okay? Para rin to sa grade natin.
Sila: okay!
Ako: aja!

Nagstart na kaming mag-ayos, si bhest ang make-up artist ko at nag-ayos din ng damit ko.

Dumating na si ma'am kaya mas kinabahan kami. Akalain mong rarampa ako, this is not my style, dapat si bhest ang nandito eh.

Carl: Meyan Rain Carisqua as Antigone. She is blah blah blah.

Naginhale exhale muna ako bago pumunta sa harapan. Kinakabahan ako. Sino ba nagpauso ng ganito?
-_-

Lakad sa harap. Pose.
Sa gilid naman. Pose.
Another gilid. Pose

Paalis na ko ng may naramdaman akong pumatid sakin. Muntikan na kong ma-out of balance kasi tumagilid yung paa ko (naka-heels pa naman) pero nagawa ko pa ding makalakad ng maayos.

Tinapos ko ang rampa ko at tiningnan kung sino yung kaklase kong nasa gilid na pumatid sakin.

Pearl. At talagang nginisihan pa niya ko.

Natapos naman ang grupo namin at thumbs up samin si carl. Mas maayos daw kasi di tulad pag praktis.

Ako: bhest, sina alien na!
Jenny: ayiee!
Ako: anong Ayie!?
Jenny: wala lang, mukang hindi mo nakausap si roj ngayon ah?
Ako: malamang busy parehas ng group eh.

Rumampa na si alien. At hahahaha!! Tumatawa ako ngayon.
Oo, ang cool niya dagdagan mo pa na naka-shades siya, kung alam lang nila kung ano tinatago niyan. Hahaha!!

Girl: mas lalong gumwapo si roj noh!
Girl2: oo nga eh, akalain mong may igwagwapo pa siya!!
Girl3: ang swerte ni meyan.
Girl4: hindi pa sila noh, may chance pa!

Kalbuhin ko sila eh! As if namang papayag akong landiin niyo yang masungit na moody na palamura na oo, gwapo na ding fiancee ko. Psh! Asa sila, di ako papayag, Over my soul spirit!

Memoirs of the HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon