MOTH 23: The Return

42 2 0
                                    


Flashback vision

Bumaba ng sasakyan ang isang batang babae.

"Kuya jun, wag niyo na po ako ihatid mamaya. Pupuntahan naman po ako dito ni kuya cloud eh"

"Ay ganun ba. O sige mag-ingat kayong dalawa ha? "

"Opo! Babay! "

Umalis na ang sasakyan. Nagsimula namang maglakad ang batang babae papunta sa tinawag nilang secret place. Isa itong lugar na hindi pinupuntahan ng mga tao, maganda naman ito pero malayo.

May malaking puno sa gitna ng lugar at pinalilibutan ng mga maliliit na damo at mga bulaklak. Nasa mataas na lugar ito kaya kitang-kita ang mga iba't ibang tanawin na nasa ibaba.

Naglagay din sila ng swing sa puno na kasya ang tatlong tao.

Nagtaka ang batang babae ng may makitang ibang anino sa secret place niya. Maliban kasi sa sarili, sa kuya niya at dalawa pang kaibigan, si kuya jun lang ang nakakaalam ng secret place nila.

"Sino yan? "

Tumakbo siya para makita kung sino ang nasa likod ng puno.

Nang nakarating siya, nakita niya ang isang batang lalake na puno ng sugat at mga pasa sa mukha at katawan niya.

"Hala! Kuya, anong nangyare sayo?! "

Hindi ito gumalaw kaya naisip ng batang babae na tulungan ito.

Binuksan niya ang maliit na pinto sa puno na kung saan ay may lagayan ng mga kakailanganin niya tulad ng first aid kit.

Nagpagawa kasi sila ng lagayan sa puno para may taguan din sila ng mga gamit.

Kinuha niya ang first aid kit at ginamot ang batang lalake.

Nang matapos na ng batang babae ay nag-duyan muna siya sa ginawa nilang swing.

Maya-maya ay nagising na ang batang lalake. Napansin ito ng batang babae.

"Okay ka lang po ba kuya? "

"Hah? S-sino ka? "

"Ayy, oo nga pala! I'm meyan, secret place po namin ito kaya ako nandito. Eh ikaw po? "

"R-raiven.."

Lumapit si meyan kay raiven.

"Nice meeting you! "

Nakipag-kamay siya rito at ngumiti.

"A-ako din.."

Bumitaw na si meyan at umupo ng maayos kaharap ni raiven.

"Pwede bang tawagin kitang rai? "

Tumango naman si raiven.

"Okay! Rai, baket ang dame mong sugat? San mo nakuha yan? May mga nakaaway ka ba? "

"Aa.. eh.. meron kasing humamon saken k-kaya hindi ko siya inatrasan.."

"Baket binubully ka ba niya? "

"Hindi, pero yung ibang mga bata yung binubully niya kaya gusto ko sanang turuan siya ng leksyon"

"From now on, friend na kita rai ah! Pwede mo na din akong tawaging yannie! "

"Huh? Ehh.. b-baket? "

Ngumiti lang si meyan.

"Tutulungan kita! Ayoko din sa mga nambu-bully eh! "

Simula nun ay naging close ang dalawa. Pati na ang mga kaibigan ni meyan ay nakilala si raiven at naging kaibigan din ito. Tinuruan din ni meyan si raiven kung paano ipagtanggol ang sarili sa iba.

Memoirs of the HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon