MOTH 38: FIRST

21 1 0
                                    

THIRD PERSON'S VIEW

Kasalukuyang tinuturuan ni Meyan ang mga Kajukenbo Members sa Club Room nila.
Malapit na kasi ang Annual Tournament for those who want to raise their rank.

Tatlo lang silang black belter sa School na yun.
Siya, si Lucas ng 4th Year- Section D (4D) at si Rojwin.
Yun nga lang ay hindi miyembro si Rojwin sa kanilang Club.

" Sifu! Pwede ba namin malaman yung secret Technique mo? Para sure ball na panalo kami sa Tournament! "

Nagulat si Meyan sa Tinanong ng isang Sophomore sa kanya. 

Meyan: Hindi niyo naman kailangang gayahin yung ginagawa ko. 

Nilapitan niya yung nagtanong sa kanya at Sumenyas siya na sugurin siya nito. 

Meyan: You all have the potential to succeed in Kajukenbo but your generation lacks something. It's up to you if you want to accept my advice.

Nilabas ng Sophomore ang kanyang Maliit na Balisong at sumugod kay Meyan.
Paupong umikot si Meyan sa kanya kaya hindi siya natamaan ng Balisong. 

Meyan: First, You will only improve if you learn from your experience and mistakes. 

Tinukod niya sa tuhod ang Sophomore at dagling pumunta sa harap niya. Hindi kaagad nakabawi ng momentum ang Sophomore at bigla siyang pinalipad sa ere ni Meyan. 

Nang malapit na siyang bumagsak sa lapag ay sumipa siya sa ere dahilan para mag-iba ang posisyon ng paglalapagan niya. Napansin yun ni Meyan kaya tumakbo siya rito at ginamit niya ang tuhod niya para suntukin ito pataas.

Tumama ang tuhod niya sa tiyan ng Sophomore at napa-ubo ito.
Tuwing nagtuturo siya, inaayon ni Meyan ang gagamitin niyang lakas base sa kaharap niya. Kaya naman hindi ganoon kalakas ang epekto ng pag-tuhod niya sa Sophomore pero makakaramdam pa rin ito ng matinding pagkirot sa bandang tiyan ng mga ilang oras pa.

Meyan: Importante din ang dedikasyon niyo sa Sport na to. Think of Kajukenbo as a Form of Art not just Sport that has Rankings. 

Nang pabagsak na ang Katawan ng Sophomore mula sa ere ay sinalo ito ng dalawang kamay ni Meyan .

"S-salamat Si..fu"

Meyan: Sorry and Thank you :)

She Smiled because the Sophomore did not hold back while fighting her. She thinks that she really is their inspiration which is true in the Juniors Mind.

Meyan: Don't change that attitude, okay ?

Tumango naman ang Sophomore. Alam niyang tinukoy ni Meyan ang tungkol sa Ugali niyang hindi umaatras sa laban. Kahit na praktis lang o Demo ang ginawa nila ay binigay niya pa rin yung buo niyang lakas. Pero hindi pa rin niya magawang galusin si Meyan. Malaki talaga ang pagitan ng lakas nilang dalawa.

Binaba na siya ni Meyan at nagsimulang maglakad pabalik sa pwesto niya kanina. 

Pero nagulat siya nang biglang makaramdam ng nakakatakot na tensyon sa gilid ng silid nila. Hinanap niya kung saan ito nanggaling, pero madali niya rin itong napansin dahil sa tensyon na nilalabas nito.
May nakita siyang nanlilisik na mga mata kaya parang bumalik lahat ng lakas niya at nagmadaling bumalik sa upuan niya.

Meyan: Second, You have to develop your own expression in this art. Remember your resolve
and your will to fight. You should love what you want..

Samantalang nagpapaliwanag si Meyan, buong magdamag lang na tinititigan ni Rojwin ang Fiancee niya sa gilid ng lugar na yun.
Namamangha na naman siya rito. 

Memoirs of the HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon