Siguro tayo ay pinagtagpo,
Mga pusong saglit na pinagkaisa
Na sadyang naglaho
Dahil hindi itinadhanaSiguro tayo ay nagkakilala
Upang punan ang mga pagkukulang
Na hinding hindi natin kayang
Takpan mag-isaSiguro tayo ay naglalakbay
Patungo sa daan kung saan tayo dapat
Ngunit dahil sa bagal ng panahon
At kay dali ng damdamin
Tayo ay nagkatagpo,
May iba't ibang hanap
Pero parehos ang sigaw ng mga pusoSiguro tayo ay mga mumunting
Piraso ng buhay
Pilit na idinudugtong
Kahit walang kasiguraduhan
Kung tayo'y bagay ba at wasto,
Pilit na ipinagtagpo
Para masaktan at masugatan
At unti unting ilalayo
Kung hindi na pwedeSiguro tayo ay pinagtagpo
Pero hindi itinadhana,
Mga pusong bulag at uhaw
Sa pagmamahal na panandaliang binuo
Pero hindi malaya.

YOU ARE READING
Soliloquy
Poesiaonly words bleed and I need all of it to feel alive. HR: #150 in Poetry