DARRENatic

738 20 14
                                    

"Mommy, ano 'to?" tanong ng kaniyang anak sa kaniya habang hawak hawak ang isang poster na nakatiklop.

"Patingin niya." tugon niya.

Kinuha niya ang poster na hawak ng kaniyang anak at tila bahagya siyang nagulat nang makita kung sino ang nasa poster na ito.

"Wow, Mommy! He's so gwapo! Sino po 'yan?" sabi ng kaniyang anak na si Daisy nang makita ang poster.

"Naku anak. Gwapo talaga 'yan. Binata pa lang nga siya rito sa picture na 'to eh. Pero gwapo pa rin siya ngayon kahit medyo may edad na." masayang pagkukuwento niya sa anak.

"Ilang taon na po ba siya, Mommy?" tanong ni Daisy.

"Kasing age ko lang siya. 36 years old na siya ngayon." nakangiting tugon niya.

"Bakit ka po may poster niya?" pag-uusisa ng bata.

"Siya kasi ang first love ng Mommy mo." nakangiting panimula niya. Nakatingin lang sa kaniya ang anak niya na para bang interesadong interesado sa kaniyang ikukuwento.

"Isa ang mommy mo sa milyon milyon niyang fans. Bukod sa napakatalented niya, napakabait niya ring tao. Maraming nagmamahal sa kaniya at isa na ako doon." pagkukuwento niya.

"Ohhh... I wanna meet him!" masiglang sabi ni Daisy.

"Kung pwede lang anak... Kaso hindi eh." sabi niya sa malungkot na tono.

"Why?" tanong ng bata.

"Kailangan pa nating sumakay ng airplane para makita natin siya." tugon niya.

Natahimik ang bata at napatingin sa poster na kanina pa nilang hawak.

"Halika dito, may ipapakita ako sa'yo." sabi niya sa kaniyang anak at dinala niya ito sa dating kwarto niya. Narito sila ngayon sa dati niyang bahay noong siya ay dalaga pa at wala pang pamilya. Wala pa ding pinagbago ang bahay nila noon, at lahat ng gamit nila dito ay nanatili lang dito.

Nang makapasok sila sa kwarto niya, parang biglang bumalik lahat ng alaala noong mga panahong patay na patay pa siya sa isang Darren Espanto.

"Wow, Mommy! Ang daming posters at puro siya ang mga ito ah!" gulat na turan ng kaniyang anak.

"Ganiyan ako kabaliw dati kay Darren." natatawa niyang sabi.

"At ito..." sabi niya sabay kuha sa isang bag na nasa gilid ng isang kama.

"Ito lahat ang mga albums niya, pati mga tshirts at kung ano ano pa." nakangiti niyang sabi habang pinapakita sa kaniyang anak kung ano ang mga nasa loob ng bag na ito. Lahat ng mga ito konektado kay Darren.

Kapwa silang nakatuon ang pansin sa mga albums at ilang memorabilya na kanilang hinahalungkat nang biglang may isang babaeng nagsalita mula sa labas ng kwarto.

"Hay nako, Anjie. Proud na proud ka pa talaga na adik ka sa isang artista dati ah." natatawang sabi ng kaniyang inang si Rose.

"Mama, hindi po siya artista. Singer siya." tugon ni Anjie sa kaniyang nanay.

"Mama Rose, look oh! Mukha silang couple dito." sabi ni Daisy habang tinuturo ang picture ni Darren at Anjie na nakadikit sa isang photo album.

"Mukha lang." pambabara ng kaniyang lola.

"Hay nako, Ma. Hanggang ngayon ba naman?" natatawang sambit ni Anjie.

"O siya, iligpit niyo na 'yan at baka magselos pa ang daddy ni Daisy." sabi ni Mama Rose.

"Oo nga, seloso pa naman ang daddy mo." natatawang sabi ni Anjie sa kaniyang anak habang nililigpit ang mga gamit na kanilang hinalungkat kanina.

"Huy, hindi ako seloso ah. Hamak na mas gwapo naman ako diyan sa Darren Espanto na 'yan." biglang sabi ng isang lalake na ikinabigla niya.

Darren Espanto (One Shots) [COMPILATION]Where stories live. Discover now