The Reunion

76 1 1
                                    

Mabilis niyang inayos ang gamit niya pagkatapos ay sumakay sa kaniyang kotse.

Mahalaga ang araw na ito ngayon para sa kaniya. Makikita na niya muli ang barkada niya noong high school siya.

Habang nagmamaneho, hindi niya maiwasang mapatanong kung magiging kumpleto kaya sila, at kung ano nang estado sa buhay ng mga kaibigan niya.

Natatanaw na niya ang tagpuan nila. May ilan na ring tao ang naroon, nakaupo, ang ilan nama'y nakatayo, tumatawa at nakikipagkwentuhan.

Itinigil niya ang kotse sa 'di kalayuang pwesto mula sa barkada niya. Bumaba siya't huminga nang malalim. Eto na.

Humakbang na siya palapit sa mga ito. Walang nakapansin sa kaniya dahil busy ang mga ito sa kwentuhan at pagkain.

"Darren?" sambit ng isang babae.

"Uy, Darren! Ikaw na 'yan?" sabi naman ng isang lalaki.

Ngumiti siya. Kahit hirap siyang hulaan kung sino ang mga ito dahil 'matatanda' na sila't matagal nang hindi nagkita-kita, lumapit siya at nakipag-apir dito.

"Kilala mo pa 'ko?" tanong ng babaeng unang nakapansin sa kaniya.

He smiled awkwardly at marahang umiling.

"Sign of aging na 'yan, 'tol!" sabat naman ng isang lalaki.

"Nakakapagtampo ha? Si Riza 'to!"

"Oh, Riza? Sorry, hindi kita nakilala!" natatawa siyang tinapik ang balikat nito.

"Bakit? Ang sexy ko na 'no?" biro ni Riza.

"Oo nga eh, akalain mo 'yun? Papayat ka nang ganyan?"

"Eh sino namang mag-aakalang tatangkad ka nang ganyan?" sabi naman ng isang babae. "Si Diane 'to kung hindi mo natatandaan."

"Diane!" lumapit ito dito at nakipag-apir.

"Eh ako, kilala mo?" may lumapit sa kaniyang lalaki. Napangiti naman siya at walang sabi-sabing binatukan ito.

"Ikaw pa ba makakalimutan ko, Patrick? Eh ikaw pinakasiraulo dito sa grupo!" natatawa niyang sabi.

"Hoy, sa'yo lang ako natuto, Darren!" ani Patrick.

"Basta ako, good boy." sabat naman ng isa.

"Frank?" ani Darren.

"Yes, bro. It's me!" masigla nitong sabi at nakipag-apir rin.

"Wala bang papansin sa'kin?" sabi naman ng isang lalaki.

Napalingon si Darren rito at inexamine ang mukha nito. Pamilyar ngunit hindi niya matandaan ang pangalan.

"Benedict, bro." sabi nito.

Napangiti naman agad siya at nakipag-apir nang maalala nga ang lalaking 'to.

"Paano ba 'yan? Kumpleto na tayo! Kainan na!" sigaw ni Patrick.

"Anim lang tayo. 'Di ba pito dapat?" nagtatakang sabi ni Darren.

"Sino sa tingin mo ang kulang?" nakangiting tanong ni Riza.

"Si..."

"'Wag ka nang mahiyang sabihin ang pangalan, bro. Matanda na tayo oh." natatawa namang sabi ni Frank.

"Si Maika?" ani Darren.

"Ayon!" napapalakpak pa si Diane.

"Kanina pa nandito 'yun, bro." nakangiting sabi ni Patrick.

Nilibot niya ang paningin sa paligid.

"Saan?" tanong niya.

"Doon oh!" may tinuro si Diane sa itaas.

Darren Espanto (One Shots) [COMPILATION]Where stories live. Discover now