The Past

116 3 0
                                    

"Dale," tawag sa kaniya ng kaniyang boyfriend--Mali, hindi pa nga pala niya ito boyfriend. Hindi niya alam kung anong itatawag niya dito.

"Oh, Darren?" nakangiti niyang tugon sa binata pero nawala agad ang ngiti niya nang makita ang ekspresyon ng mukha nito.

"What happened?" nag-aalala siya dahil sa hitsura nito ngayon.

Bigla na lamang siyang niyakap nito at bumulong, "Dale, nakapag-usap na kami."

At sa pagkakataong yun ay nanlumo siya. Kung hindi siguro siya yakap ni Darren ay natumba na siya sa sobrang panghihina.

"A-Anong napag-usapan niyo?" patay malisya niyang tanong kahit alam naman na niya kung anong pinag-usapan ng dalawa.

Kumalas si Darren sa pagkakayakap sa kaniya, "Tungkol sa amin," yumuko ito, "Dale, mahal niya pa rin ako."

Nangingilid na ang mga luha niya pero pinilit niyang ngumiti, para kay Darren.

"Ang tanga tanga ko lang kasi... Kasi akala ko tapos na ako sa kaniya. Wala na 'kong nararamdaman para kay Desiree, yun ang palagi kong sinasabi sa sarili ko. Tapos na kami. Hindi na siya," nakayukong sabi ni Darren.

"Nandiyan ka palagi, napakabulag ko naman para hindi ka makita. Everytime na nalulungkot ako, ikaw yung nandiyan para pasayahin ako. Masaya ako kapag kasama ka. Naisip ko, ang tanga ko kung pakakawalan pa kita. Ikaw yung tipo ng babae na hindi mahirap mahalin. Dumating yung mga araw na hindi na kumpleto araw ko na hindi kita nakikita, naisip ko siguro mahal na nga kita. Siguro..."

"Hindi ka pa rin sigurado," sabat ni Dale sa mahinang boses. "Darren, hindi rin naman ako bulag para hindi makita yun."

"Ang alin?" tanong ni Darren.

Huminga siya nang malalim bago magsalita, "Masaya ka kapag kasama ako pero nakikita ko sa mata mo na hindi ka pa tapos maghilom."

"Darren, ramdam ko. Nung sinabi mong mahal mo ako, alam kong pag-aalangan pa diyan sa puso mo. Nalilito ka pa. Hindi mo lang maamin sa sarili mo dahil ayaw mo na, pagod ka nang masaktan kay Desiree." tumingin siya sa malayo. Ayaw niyang makita ni Darren ang sakit na nararamdaman niya.

"Una pa lang, alam ko nang mahal mo pa rin siya. Umaasa ka pa rin na maibabalik mo yung dating kayo," palihim niyang pinunasan ang luhang bumagsak mula sa mata niya, "Inilalaan mo yung oras mo sa'kin para makalimutan mo siya. Nung nakita kong napapasaya naman kita, hindi na ako tumigil pa. Gusto kong maging masaya ka kahit papaano, sa tulong ko."

"Dale--"

"Darren, sinasabihan naman na kita 'di ba? Kung mahal mo pa siya, ipaglaban mo pa. Nakikita ko namang mahal ka pa rin niya talaga," pinilit niyang ngumiti, "Hindi lang kayo sinang-ayunan ng tadhana noon pero alam kong ngayon na ang tamang panahon."

"I'm so sorry, Dale. I didn't mean to--"

"No, hindi mo kailangang magsorry. Hindi kita masisisi na nagpadala ka sa emosyon mo. Hindi mo kasalanang sabihing mahal mo ako kahit siya pa rin ang mahal mo. Alam kong sa simula pa lang, siya pa rin. Ako lang 'tong tanga na piniling mag-stay sa tabi mo kahit alam kong isang malaking kasinungalingan lang naman ang lahat. Darren, ayokong ma-guilty ka. Oo, nasasaktan ako pero naging masaya pa rin naman ako sa panahong minahal mo rin ako," hinawakan niya ang kamay ng lalaki, "Minahal sa paraang hindi katulad ng sa akin. You loved me because you need me. You need a person who can make you happy in times that you are suffering because of your past--Because of Desiree. And that's okay, Darren. At least, kahit konti, naranasan ko yung pagmamahal na matagal kong hiniling. Sapat na yun sa'kin."

Hinaplos niya ang pisngi ng binata at pinagmasdang mabuti ang kabuuan ng mukha nito. Ang mga mata nitong mapupungay, ang labi nitong mapula, ang makinis nitong balat... Mamimiss niya ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Kung may kapangyarihan lang siyang angkinin ang puso nito, matagal na niyang ginawa. Kaso hindi ganoon ang pag-ibig, hindi mo madidiktahan ang puso ng isang tao.

"Dale, thank you." malamlam ang mga mata nito at halatang naluluha na rin.
"Ako ang dapat magpasalamat, Darren. Salamat sa lahat. Ngayon, puntahan mo na siya. 'Wag mo nang sayangin pa yung oras." utos nito kay Darren.

"Sorry talaga," nakayuko niyang sabi.

"Ang kulit mo. Sabi ngang hindi ka dapat magsorry, eh," pinilit niyang tumawa pero taksil ang mga mata niya sa kakaluha.

"Mahahanap mo rin siya, Dale. Yung lalaking mamahalin ka higit pa sa pagmamahal na kaya mong ibigay sa kaniya. You deserve to be happy, Dale. So please, be happy. You deserve a true and unconditional love," Darren kissed her forehead, "Thank you for everything, Dale."

Nginitian niya si Darren at tinapik ang balikat nito, "Puntahan mo na siya."

Tumango ang binata at ginulo ang buhok niya tulad ng ginagawa nito palagi sa kaniya. Natawa na lang rin siya kahit patuloy sa pagbagsak ang mga luha niya.

Tumalikod na si Darren sa kaniya. At sa bawat hakbang nito palayo, kasabay nito ang unti-unti pagkapunit ng puso niya. Pero hindi na niya ininda ang sakit na nararamdaman, napangiti na lang rin siya. Sa wakas, magiging masaya na ang taong mahal niya.

Hindi na nito kailangang magpanggap at itago ang tunay na nararamdaman niya. Hindi na nito kailangang pigilan pa ang sarili na habulin ang nakaraan. Nakawala na ito sa rehas ng pagkalito at pagmamahal na inakala niyang totoo.

Alam ni Dale kung gaano kahirap magpigil ng damdamin. Nakikita niya ito palagi kay Darren sa tuwing magkasama sila. Tuwing hawak niya ang kamay ng binata ay nararamdaman niyang may mali. Alam niya, mahal pa rin nito ang dating kasintahan. Hindi lang maamin ni Darren sa kaniyang sarili.

At ngayon, masaya na siya dahil sa wakas ay napagtanto na rin nito ang tunay na nararamdaman. Si Dale na rin kasi ang nahihirapan para sa kaniya--sa kanila ni Desiree.

Hindi na naging mahirap sa kaniya ang pakawalan ang taong mahal niya. Wala rin naman siyang mapapala kung ipagsisiksikan niya ang sarili sa taong alam niyang hindi naman siya mahal. Mas gugustuhin na lang niyang makita itong masaya sa piling ng iba kaysa kasama nga niya ito pero hindi naman ito masaya.

"I love you, Darren. I'll always love you. I want you to be happy." mahina niyang bulong bago mawala sa panginin niya si Darren. Hindi man lang ito lumingon sa kaniya pero ayos na rin siya rito. Mukhang desidido na nga ang binata na balikan ang totoo niyang mahal.

Wakas.

Darren Espanto (One Shots) [COMPILATION]Where stories live. Discover now