Kabanata 03

699 14 0
                                    

Brynn Zin

Tulad ng pinag usapan namin ni Kristine kinabukasan lumabas kaming dalawa, pumunta kami sa mall,

Medyo naiinis na ako sa kanya hila siya ng hila sa akin sa tingin ko nga mas bagay sila ni Leo mahilig din siya kasi maniko e

"Zin Tara manood tayo ng Movie balita ko kasi may bagong palabas ngayon kaya dali na" may magagawa pa ba ako eh hila-hila na naman niya ako,

Hanggang sa lumipas ang mga oras at gabi na rin, ito lang ang maipapangako ko hinding hindi na ako lalabas kasama ang babae na ito harsh na kung harsh,

Nasa parking lot na kami para umuwi may sarili naman siyang kotse kaya hindi ko na siya kailangan pang ihatid,

"Thank you Zin sa date natin nag enjoy ako" Oo salamat din dahil natapos na ang araw na Ito sabi ko sa isip ko,

"No problem" tipid kung sagot lumapit siya at balak sana niya ako halikan pero umatras ako ng bahagya

"Ang kill joy mo naman alam mo bang ikaw pa lang ang tumanggi sa halik ko bakit Zin maganda naman ako at makinis ah," e sa Hindi kita natitipuhan eh , sa isip-isip ko,

"I need to go, drive safe Kristine" paalam ko sa kanya

Pagkatapos nag tungo na ako sa sasakyan ko,

Pero habang nag mamaniho ako pauwi sa amin may nakita akung nag kukumpulan na mga tao,

Sa tingin ko Isang grupo ito ng mga kalalakihan hindi lang basta-basta ang mga Ito,

Nasa likod lang ito ng mall, lalagpasan ko na sana sila ng mamukahan ko ang nasa gitna nila,

Anak ng pagong!!

Anong ginagawa niya dito at bakit hinarang siya ng mga kalalakihan,

Wala sa sarili ko na hininto ang sasakyan ko at bumaba dito, hindi ko alam kong kaya ko ba siya ipagtanggol sa mga ito,

Aminado naman ako na malaki ang katawan ko pero sadyang mas malaki lang ang katawan ng mga Ito sa akin,

Tutungo na sana ako sa kinarorounan niya ng biglang may nag salita sa gilid ko,

"Wag ka ng mag abala pang tulungan siya, just watche"

Nag taka naman ako tumingin sa kanya, yong totoo paano niya nalaman ang binabalak ko, pero hindi ko na yun pinansin pa,

Dahil nagtaka ako sa just watch niya ano bang ibig niyang sabihin,

"Do you know her" wala sa sariling kong tanong

"Maybe. . . . What about you? Do you like her"pabalik niyang tanong akala ko pa naman itatanong din niya kung kilala ko ba siya pero hindi pala yun,

Well she's pretty, at malakas din ang dating niya and she's very mysterious for me, lalo na ngayon.

Pero hindi ibig sabihin nun ay may gusto na ako sa kanya,

"Uy... I ask you, do you like her," ulit niyang tanong bakit ba big deal sa kanya ang sagot ko don't tell sa edad niya yan may gusto siya sa babaeng yan,

"Tch nag tanong Lang ako kung kilala mo ba siya, may gusto na agad, di ba pwedeng nag tanong Lang" sagot ko,

"Oh talaga Hindi kasi tugma ang sagot mo sa ginawa mo kanina kung maka-react ka kasi kanina akala mo naman may relasyon kayo," Anya

Sabagay kahit ako Hindi ko rin alam kung bakit ganon na Lang ako maka-react eh bakit ba, nag alala lang naman ako at kahit sinong tao na makaka kita sa kanya paniguradong ganon din ang gagawin nila,

"Pero natutuwa ako sa sagot mo dahil wala kang gusto sa kanya" sabay ngiti niya sa akin ang weird ng tao na Ito,

Kasabay nito ang pagka-curious ko kung bakit natutuwa siya  nung nalaman niyang wala akung gusto sa babae na yun,

Ah baka nga tama ang hinala ko na may gusto Ito sa babaeng yun pero ang tanda naman niya, Tch paki alam ko ba,

"Don't worry sayong-sayo siya, dahil hinding hindi ako mag kakagusto sa mga weird na katulad niya" paalala ko, pero hindi ko alam kung bakit naiinis ako ng walang dahilan,

"Take my advice, stay away from her she's not like the other girls, she's different from them, simula ngayon iwasan mo na siya at lalo na pag nasa ganitong setwasyon," sabay tapik niya sa balikat ko

Mag sasalita pa sana ako ng may kumalabog sa kinaruruunan ng taong pinag uusapan namin,

Hindi ko nakita kung ano ang  nangyari pero yong isang lalaki na may hawak na baseball ay nakahiga na sa sahig,

Sumogud naman yong isa na may hawak na malaking kahoy at hahampasin sana siya ng e flying kick niya ito, sumonod naman yong dalawa at sambay siyang inataki nito pero ganon na Lang ang pagkagulat ko dahil ang bilis ng galaw niya, dahil sa isang iglap Lang nakabulagta na yong dalawang umataki sa kanya,

"What the hell, who is she" bulong ko sa sarili ko

Nakakabilib ang kakayahan niya at Ito ang kauna-unahan kung makakita ng babae na ganito kalupit makipag suntukan pero hindi ko pa rin maiwasan magtaka kung paano at bakit ganyan na Lang siya kagaling at isa pa kilala ba niya ang mga taong sumukod sa kanya, ang daming tanong sa isip ko,

Lumingon naman ako sa gilid ko para sana mag tanong ng Hindi ko na siya makita tch "saan na yun" bulong ko sa sarili ko

Sa Hindi inaasahan bigla ko na lang narinig ang boses niya, ang boses niyang sobrang lamig na animoy nagbabanta,

"Paki sabi sa boss niyo na wala akung oras makipaglaro sa kanya lalong-lalo na sa mga katulad niyo, sa susunod na guluhin niyo pa ako hindi lang yan ang aabutin niyo"

Kasabay nito ay nag lakad na siya palayo na parang bang walang nangyari grabi ang weird niya isama mona yong lalaki na yun, tukoy ko sa lalaking kausap ko kanina pero bigla na Lang Ito nawala?

Behind The Mask [OnGoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon