034

14 3 0
                                    

"One sided"

Jomathy's pov:

*Recess*

Pagkalipas ng recess ay dali kaming lumabas at hinintay sina yolina sa classroom nila at narinig naming nagpalaklapakan sila, anyare?

Club ata tong napasukan nila

"Okay, you may take a break" sabi ni mam at lumabas, naghiyawan ang klase nila at lumabas si yolina, peter at mark

Pero nakareceive ako ng message

Uling: Bro, di ako makakasama sainyo ngayong recess kasi makikitsismis ako sa mga tropa ko, expect niyo na may masasabi ako sainyo

Ako: sige bro basta damihan mo yung tsismis, mas madami kaysa sa nilagay na soy ni jemila sa adobo kanina. Haha.

Si ken pala yung nagmessage kaya ayun, bumili na kami ng pagkain at bigla nalang namin naaalala si dhonna!

"Ang talino ni yolina kanina! HAHAHA! Ang galing! Nakiharap sa teacher sabay nagbigay ng words w/ meaning na related sa STEM" sabi ni peter

Wow naman

"Oh syempre! Ganon lang ang makipagbakbakan sa mga teacher" sabi ni yolina at tumawa ng malakas hanggang sa tumahimik dahil naglakad sa harap niya si noah at mga tropa niya

Naggive space kami at hindi umimik

Kumaway ng palihim samin si ken at tumango naman kaming lahat.

"Bro bakit hindi namin yun alam? Crush ko pa man din siya" sabi ni daniel kay rafael kaya pinatahimik siya ni rafael

"Minsan na nga makilig tapos isusumbong mo pa?" Tanong ni rafael at nagpeace sign su daniel na siyang nagpacurious samin

Tumingin kaming lahat kay lendy, as in lahat kami, yung tinging nakakaawa bwahahahaha

"Hoy anong tinitingin niyo?" Tanong ni lendy at natawa din kami

"Bilisan niyo na nga! Aagawin na ng iba yung sopas ko sa canteen" sabi ng nagmamadaling si lendy

"Yung sopas nanaman na punong puno ng gulay? Grabe talaga! Parang yun na yung main rekado! Hindi ba kayo nasasawa? Parang wala pa akong nalalasaan na gatas dun! Wala pang karne" angal ni yolina

"Edi magpancit" sabi ko tapos aangal nanaman tong mga to

"Pancit na matigas? No way!?" Angal ni peter, tignan nyo mapeleng din naman to eh tapos kung bibilhin namin yung pancit, hihingi din naman

"Candy na ang bagsak natin!" Sabi ni mark

"Candy? Ang cheap naman" angal ni jemila

"Marshmallow!" Sigaw ko at umapprove naman ang lahat, kita niyo, sa marshy din ang bagsak namin

At doon na nga, bumili kami tig iisang marshmallow at pumunta sa malihim na lugar

Napansin kong wala sa modo si lendy, simula ngayong taong to wala na siyang modo, pero buti at hindi niya napapabayaan ang pagaaral niya kasi gusto daw mag flight attendant

"Lendy, sabihin mo sakin yang problema mo" diretso kong sabi habang naglalakad kami

"Si daniel at rafael magkaparehas ng crush" diretso niyang sabi

Oo nga, kanina, akala ko ako lang nakaranig pero sino kaya yung babaeng yun? Maganda kaya yun masyado? Yung as in mapapaihi ang tao?

I wonder!

"Baka masmaganda ka pa dun"sabi ko

"Gago, edi sana nafall na siya sakin. Nasa akin na ang ganda, utak at talento, ano pa kulang?" Tanong niya

Alien sisters [On-Going]Where stories live. Discover now