031

27 3 0
                                    

"Infinity party (2/3)"

Dhonna's pov:

Naglakad kami sabay sabay at pumunta sa mamihan, oo alas otso na ng gabi pero sobrang gutom na ng mga kasama ko

"mami? Diba tawag natin yun sa nanay natin? Diba? Mommy?" sabi ni jemila at walang umimik

"HAHAHAHA! ANG LUMA NAMAN NG JOKE MO!" natatawang sabi ni erick pati si ken

"atleast nag effort akong nagsalita!" taas noong sabi ni jemila habang naglalakad patungong mamihan

"papayagan ba tayo ng teacher natin?" nagaalalang tanong ni mark at tumawa sila

"susuwayin natin ang utos kung kaya natin. Marami namang palusot diyan." natatawang sabi ni jomathy. "kung gusto mo nga ay dapat araw araw tayong magwalwal, pumuputi na tayo kakakulong sa bahay, nakakasawa na!" Reklamo ni jomathy

"marami bang foods sa bahay niyo?" tanong ni ken at tumango kami. "pwedeng tumira? Hehe, balak ko sana dahil yung kapatid ko lang naman ang kasama ko sa bahay, never na umuuwi si mommy dahil palaging busy sa work niya. Tsaka kaya naman na ni zavier ang tumira" sabi ni ken

"syempre naman! Anoba!" sigaw ni yolina. "sabay tayong manonood" dugtong ni yolina at tinataas taas ang kilay

"punyeta ka! Babae ka, jusko maryosep!" Istriktong sabi ni peter at natawa si mark

"dara" bulong ni erick kay jomathy. Nyeta, magbubulong na nga, rinig ko naman

"nana! May sasabihin ako. Alam mo bang nakipagbreak ako sa boyfriend ko? Balak ko sanang maghanap sa isang paaralan---" sabi ni lendy

"oh eh anong balak mo? Hindi mo alam mamili ng pagtritripan mo, noh!? Ba't 'di mo pagtripan yang si rafael?" mahinang sabi ko kahit sobrang ingay ng iba

"papagtripan ko yun? ugok yun, e!" sabi ni lendy at kinunotan ko siya ng ulo

"ganito kasi yun, pinaamin niya ako kung gusto ko siya syempre dahil may tiwala naman ako sakanya at baka hindi niya ako babastedin at inamin ko pero napakawalang hiya lang talaga at sinabing hindi niya raw ako gusto kaya dun na nagtatapos ang pangungulit ko sakanya, kakalimutan ko na siya at magmomoveon sa paraang manligaw ng lalaki" sabi ni lendy pero tumawa lang ako

"gagamit ka pa talaga ng taong sasaktan mo lang?" natatawang sabi ko

"masasaktan siya habang nasasaktan ako, edi fair" sabi niya pero kinunotan ko siya ng ulo

"nandamay ka pa? Edi useless din. Tanggapin mo nalang kasi yung namamagitan sainyo, hindi yung tatalikuran mo siya dahil once na nakita mo siya ulit ay babalik at babalik yang feelings mo, edi nag-aksaya ka lang ng oras" sabi ko at bumuntong hininga siya

"hindi na ako magmamahal kahit kailan. Suportahin mo nalang ako" sabi niya at natawa ako

"syempre, para nadin kitang ate, e" natatawang sabi ko at ngumiti siya

"ay punyeta! Saan tayo pupunta?" tanong ni jemila habang nginatngat ang marshmallow

"uy penge marshy!" sigaw ni yolina, ken, mark, jomathy, erick, at syempre hindi mawawala si peter

Inagaw ni peter ang marshmallow at nilunok agad

"huy mga putanginers! Saan tayo pupunta?" tanong ni jomathy

"swimming pool!" sigaw ko at tumango naman sila

"wala, wala akong pera. Tara sa mall" sabi ni jomathy

"ay mga kingina kayo syempre sarado na!" sabi ni lendy at natawa naman ang lahat

"edi sa---"

"saan ba ang maganda?" tanong ni jomathy

Alien sisters [On-Going]Where stories live. Discover now