Owning Pleasure (1)

209 4 1
                                    

NAPAHAWAK ako sa armchair nang makita ang grade ko kay Professor Canlapan. Nakataas ang kilay niya nang makita ang reaksyon ko.

"Bakit, Miss Asuncion, ganyan ang reaksyon mo? Ikaw ang nagbigay saakin niyan."

Kumunot ang noo ko at humarap sakanya. Dinudumog ng ilang karayom ang dibdib ko sa sama ng loob. Gusto kong magwala at sapakin ngayon ang professor kong napapanot na at pagsasampalin siya.

"Sir, bakit naman-"

Itinaas niya ang palad. "Kung may katanungan ka, pumunta ka mamaya sa faculty, lunch time. Ayaw ko ng late." Ngumisi siya saakin at tinawag na ang ibang pangalan.

Nanghihinang bumalik ako sa upuan ko. Nag-aalalang tumingin saakin si Cecilia at Mariel. Mga kaibigan ko.

"Okay ka lang?" Bulong saakin ni Mariel.

Tumango ako. "Okay pa naman..." huminga ako ng malalim. I looked at the piece of paper again.

Paano naging ganito kababa ang grade ko? Halos bagsak. Ayaw kong magretake ulit dahil mahal ang unit dito at ang mamahal niya magproject. Putanginang prof na 'yan.

Alas-dose, hindi ko na nahintay ang dalawang best friend ko. Dumirecho ako sa faculty at nakita ang matandang Professor Canlapan mag-isa sa table niya. Ngumisi siya nang makita ako.

Tumayo ako sa harap niya. "Sir, bakit 76 lang ang grade ko sainyo? Kumpleto ako sa pinapapass niyo at matataas ang score ko..."

Natigil ako sa pagsasalita nang tumalikod siya at humarap sa computer niya. Nandoon ang grade encoded namin. Pinalapit niya ako kaya tinignan ko iyon.

May isa akong kulang. Kumunot ang noo ko. Anong kulang iyon?

"As you can see, may kulang kang isa. The video presentation of your thesis report wasn't passed. Malaki ang hugot n'on kaya ganyang grade lang ang nakuha mo." Kunyari'y simpatya ng gagong Canlapan na 'to.

Pumikit ako ng mariin. Putangina talaga. Sa dami ng pinapagawa niya saakin, isang video presentation lang ang ikababagsak ko?! At isa pa, ngayon ko lang nalaman 'to ah!

"Sir, wala po akong ideya na ipapass pala 'yun."

"It's not my problem anymore."

"Sir hindi pwede! Alam niyo naman pong naghahabol ako ng grades. Kailangan kong makapag-top. Bigyan niyo nalang ulit ako ng thesis for the make up... sir 'wag niyo lang akong bigyan ng ganyang grade."

Naiiyak ako pero tinatagan ko ang loob ko. Ayaw kong maging bastos dahil kontrolado niya ang sitwasyon. Tuso ang prof na 'to, ako ang dehado. Naiisip ko palang ang mukha ni Ate Zamreah parang nanginginig na akong umuwi. Ayaw kong madisappoint siya saakin.

Ngumisi saakin ang matandang nasa harapan ko. "Hmm. Pwede ko namang gawing 76 to 98 ang grade mo, e. Pumunta ka lang sa harap ng Genesis Hotel bukas ng 8 p.m."

Nanlaki ang mata ko at napatuwid ng tayo. What the fuck? "Putangina mo, sir. Anong sinasabi mo?" Gigil kong bulong.

There. Hindi na ako nakapagtimpi. Walang tao sa paligid dahil lunch, yung iba nasa malayo kaya walang makakarinig saamin.

Ngumisi siya. Nakakapanindig balahibo! Nakakawalan ng respeto lalo ang hukluban na 'to. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Type na type kita, Nameia. Kaonting pabor lang 'to kumpara sa ibibigay ko sa 'yo... Ikaw ang bahala, pwede rin kitang isumbong sa council dahil sa pagmumura mo. Mapapatalsik ka pa lalo..."

Natigilan ako. Gigil na gigil ako para sampalin siya. I gritted my teeth. "Isusumbong ko ang kahayupan mo, kung ganoon."

"Why don't you try?" He smirk.

Owning PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon