Chapter 3
Kinabukasan, para akong lalagnatin sa sama ng pakiramdam. Hindi ko akalaing ganito kalala ang sakit sa pagitan ng hita ko. Buong gabi pa yata akong puyat. Una, dahil damang-dama ko pa rin siya sa ibabaw ko. Pangalawa, masakit talagang husto. Parang hiniwa sa gitna.
Even I am still sore, hindi ko ginawang hindrance 'yon para umabsent. I can't take any missed quiz, nor activity again.
Hindi ko rin napuntahan ang matandang prof dahil sa pagod ko. Mabilis agad akong umalis sa hotel na 'yon at umuwi. Sa taranta, hindi ko naramdaman yung sakit pero noong nasa bahay na, halos mabaldado ako. Mabuti't umokay na ngayon.
Hinilot ko ang sentido dahil wala yatang pumapasok na phrase sa utak ko. Useless ang pagbabasa ko sa lilim ng puno. Sayang at maganda ang panahon tsaka kakaonti ang mga estudyante. Madalas naroon sila sa cafeteria, or gym. Airconditioned ron, e.
"Nandito ka lang pala, Nam!"
Bumalikwas ako sa boses ni Mariel. Bilog na nga boses niya, malakas pa. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. Malaki ang kanyang ngiti at pareho sila ni Ces na mukhang masaya.
"Oh my God! Oh my God, Nam!"
"Ano 'yun?"
"Wala na si Sir Canlapan!"
Namilog ang mata ko. "Ano?"
"Oo! Wala na siya. Pinatalsik siya ng dean natin dahil may issue na kumakalat ngayon!"
Namutla ako sa nabanggit nilang issue. H-hindi naman nila nalaman yung deal namin ni Sir, hindi ba?
"Under surveillance naman, Yel. Hindi pa tinatalsik." Sabi ni Ces.
"Ganoon na rin 'yon. Suspended si Sir at lahat ng works niya ay pending. May sub yata siya." Sagot ni Mariel. Smirking and feeling giddy for me.
"A-ano raw yung issue?" Hindi matatakasan ng kaba ang boses ko.
"Binayaran daw si Sir para sa mataas na grades. Mahigpit na pinagbabawal 'yan sa school natin, e."
I heaved a sigh. Akala ko...
"Paano yung grades natin sakanya?" I asked.
Nagkibit-balikat si Mariel at umpo katabi ng akin. "May isang student ang nagsumbong na mali raw ang grade na naka-encode sakanya. The result proved him correct, kaya ngayon nirereview ng nakatataas ang works ng madugang prof na 'yon."
"Pero buti nalang, diba, Nam, kasi at least marereview din yung sa iyo?" Nakangiting sabi ni Ces.
Tumango ako sakanya. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa dibdib. I am so damn happy.
Napawi ang ngiti ko nang makita ang matangkad na lalakeng naglalakad palapit saamin. With his broading stance and intimidating eyes, I could already decipher how he can easily tantalize women. Kung kanina'y halos walang estudyanteng narito ay ngayon ang dami nilang nakasunod na mata.
Gabriel King Sy was walking gracefully towards our direction. Nakapamulsa siya at chillax na nakatingin saamin.
"Oh, my God. Saatin ba siya palapit? Oh, my God!"
Yes, Mariel. Oh, my God.
Nang makalapit siya saakin ay ganoon ang lakas ng tibok ng puso ko. Kung anu-anong mura na yata inilalabas nito sa kaba. Parang gusto ko siyang itulak at tumakbo malayo, but I know it's near to impossible because of my oblivion shaking.
Nang makalapit siya saamin ay sumulyap siya saakin saka ngumiti sa dalawang kasama ko. Tumango siya sakanila saka ulit tumingin saakin. His lips smirked at me while playfully looking at my eyes, drift to my lips, like remembring something so vivid to him.
BINABASA MO ANG
Owning Pleasure
RandomBody, beauty and brains. Ano ang kulang? Pera. Walang pera ang namumulubing si Nameia Asuncion at kailangan niya ng marami niyon para matapos niya ang huling taon sa presitihyosong pinapasukan niyang school. Magandang credential, pasok agad sa traba...