BEAUTIFUL SOUL

50 4 0
                                    

Kapag ang isang tao ay namatay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kapag ang isang tao ay namatay... lahat ng kanyang alaala ay mawawala.

Their bodies will turned to ashes...

Their souls will be the wind dancing with the trees...

Their cry will be the rain...

Their sorrows will be the storm...

Everything will be left forgotten aside from the memories being treasured by the ones who truly loves you...

Ito ang paniniwala ni Chantelle. Hindi rin siya naniniwala sa life after death at reincarnation. Para sa kanya, lahat ng tao ay makasalanan. At ang tanging kabayaran sa mga kasalanang iyon ay kamatayan. We only live once... just once! Ang mabuhay pa sa pangalawang pagkakataon at makagawang muli ng kasalanan ay kalabisan na para sa kanya.

♥♥♥

Naniniwala ako sa life after death.

Ang mga tao ay may tatlong buhay; Una, pagiging makasalanan. Pangalawa, pagbabago.
Pangatlo, pagiging mabuti.

Kaya kung pakiramdam mo'y huli na ang lahat para sa pagsisisi... At binawian ka na ng buhay bago ka pa man makagawa ng kabutihan, huwag kang mag-alala. May dalawang buhay ka pa para itama ang lahat ng iyong mga naging pagkakamali.

Sabi nila, ang masasamang damo raw ay matagal mamatay. Tama. Ito'y dahil binibigyan pa tayo ng pagkakataong makita ang ating kamalian. Hindi lang bastang makita, kundi ang tanggapin ito sa sarili... kasabay nang pagsisisi. Upang sa pangalawang pagkakataon ay alam na natin ang misyong gagampanan sa panibagong buhay na ibibigay sa atin.

Ang tatlong buhay na ipinagkaloob sa mga tao ay ang ating misyon sa mundo. Ang lahat nang makakatapos sa misyong ito ay ang siya pa lamang na totoong makakatanggap ng buhay na walang hanggan sa piling ng Puong Maykapal. Dahil ito ang magiging batayan para masabing karapat-dapat na tayo sa tahanang tinatawag na paraiso.

Ang paniniwalang ito'y lubos na pinanghahawakan ni Shana. Hindi dahil sa ito ang nais niyang paniwalaan, kundi dahil ito ang bagay na kanyang natutunan sa lugar kung saan man siya ngayon naroroon.

Sina Chantelle at Shana—bagaman magkaiba ng paniniwala—ay magkakatagpo sa bahagi ng life after death. Paano kaya nito mababago ang kanilang mga paniniwala? Posible rin ba ang pag-ibig sa mundong ito kung saan tila nagsisilbi na lamang silang mga hangin, ulan, bulaklak, insekto, o anumang bagay na hindi ganoong nabibigyan ng pansin ng isang katauhan?

***

Disclaimers: All the names, ideas, places, and events being mentioned from pages to pages are PURELY FICTION and nothing but a product of Author's wild imaginations. Please bare with me if ever I committed breaking some beliefs in making this story. I have NO purpose of harming anything nor anyone's beliefs.

WARNING: PLAGIARISM IS A CRIME! So, DO NOT COPY my work, DO NOT REPRODUCE nor use in any form without my consent. Thank you!

Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon