Chapter 2

7 1 0
                                    

Chapter 2: The Appearance of a Mysterious Man

Thalassa's POV

"Ano?! Pumayag kayo nang hindi ko man lang alam?" Pasigaw kong sabi sa magkapatid habang naglalakad kami papunta sa inn.

Wala akong pakialam kung marami nang nakatingin sa amin. Seryoso naman ang dalawang magkapatid habang naglalakad. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng mga mokong.

"Ano? Sagot!" Sigaw ko sa kanila. Patuloy parin kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa tapat ng inn.

Finally, hinarap narin ako ng dalawa. Seryoso ang naging titigan namin. Ni hindi na tumawa ang palatawang si Chantel.

"Listen Thalassa," sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat."Hindi namin ito ginusto."

"THEN WHY?! WHY DID YOU AGREE?!" My voice cracked. The shouting I was doing earlier turned to screaming.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Para kami ang nagiging main attraction dito.

"Scram off!" Chantel shouted at them. Nagsilayuan naman sila.

Hindi ko namalayan na naiiyak nanaman ako. Dumausdos na sa pisngi ko ang mainit na luha.

"B-bakit?" I sobbed.

Nabigla ako nang yakapin ako ni Charles. Isang mainit na yakap. Gumaan ang pakiramdam ko. I just want him to stay with me.

"Shhh..." He hushed." 'Wag kang gumawa ng gulo dito."

"We promise, we'll be back." At bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin.

Out of nowhere, nakaisip ako ng ideya. Paano kaya kung samahan ko nalang sila? Wala namang sinabing bawal ang nag-anunsyo kanina.

"I'll go with you," Buong tapang kong sabi. Pinunasan ko ang luha ko."Please, let me go with you."

"Hindi pwede Thalassa!" Pagpigil sakin ni Chantel."Masyado itong delikado, baka di na tayo makabalik lalo na't wala kang kapangyarihan at kahit na anong kakayahang makipaglaban!"

"You're right, I'm useless." I told them. Nabigla naman sila sa sinabi ko."Nothing's special about me, magiging pabigat lang ako sa paglalakbay niyo."

"That's not what I mean-" I cut him off.

"Enough with this. I know how heartless you two are."

I stormed off. I scurried back home. Hindi ko na pinansin ang mga luhang natulk mula sa aking mga mata. Hindi ko na rin pinansin ang mga taong nakatingin sa akin.

Charles' POV

"You're an idiot." Malamig kong sabi sa kapatid kong si Charles. 'You shouldn't have said that."

"Alam ko!" Sigaw niya habang nakahawak sa ulo niya. He's walking back and forth which made me dizzy.

"And please stop pacing back and forth," Dagdag ko pa.

Napuno ng katahimikan ang buong kwarto namin. Hindi ako kumikibo, natural na sa akin 'yon. Ang dapat na pagtakahan ay ang pagiging tahimik ni Chantel, ang bunganga kasi nito ay putak nang putak.

"Hayyst," He sighed."Ba't ba kasi kailangang tayo pa ang ipadala."

I scowled at him."Wala tayong magagawa. At isa pa, mukhang may masamang mangyayari sa bayang ito kung hindi pa tayo kikilos."

"Huwag mo munang alalahanin ang mga ganyang bagay. Ang alalahanin mo ay kung paano tayo makakapaglayag sa Stryk," Seryoso kong sabi."Walang ipapahiram na ship sa atin ang gobyerno ng Vescana dahil nasira na ang lahat ng mayroon sila noong nakaraang linggo."

Tales of Thalassa: The Sunken City of NeroudroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon