Chapter 7

64 7 1
                                    

Denver's POV

Siya na ba talaga yan??? Hindi ba ako namamalik mata??? Am I awake??? Am I not dreaming???

Hindi ko inaasahan na makikita ko siya at sa mismong school pa! Ang alam ko ay sa ibang bansa na siya mag-aaral hindi ko inaasahan na andito pa rin siyaaaa!!

"KUYAAAAAAA" nagulat ako sa malakas na tawag ni Jayda, kapatid ko.

Oo kapatid ko ang hindi ko inaasahan na makikita ko rito dahil buong akala ko ay nasa Korea na siya at doon na magtatapos ng pag-aaral!

"Anong ginagawa mo dito?!? Diba sa Korea ka na pag-aaralin nila mommy??" naguguluhang tanong ko.

"Ayaw ko sa Korea maninibago na naman ako sa kultura don unlike dito sanay na ako besides mamimiss kita masyado kaya mas gusto ko dito na lang sa Pinas magstay" nakangiting sabi niya.

Jayda Cristine Lee, ang kaisa-isang kapatid ko. Sobrang close naming dalawa. Sa lahat ng bagay lagi kami magkasama, spoiled sa akin tong kapatid ko binibigay ko lahat ng gusto niya reward ko na yun sa kanya sa ganda naman ng performance niya sa mga subjects niya.

"Buti naman at napapayag mo sila mama at papa hahaha buti naman at hindi ka na tutuloy" masayang sabi ko.

"Well si lola naman ang kinausap ko and siya ang kumausap kila mommy at daddy kaya ayon wala sila magagawa kundi dito ako pag-aralin kasama ka hahahaha" masaya ako sa binalita sa akin ng kapatid ko. Simula pagkabata pa lang namin hindi mo na kami mapaghihiwalay. Lagi kami magkasama kahit saan pa magpunta.

"Oh saan ka ngayon?" tanong ko sa kanya dahil tapos na ang pep rally.

"Sasama muna ako kila mommy na pumunta sa mall para mamili ng gamit para pagpasok ko dito bukas" nakangiting sabi naman niya.

"Sige kita na lang tayo sa bahay ah. Ingat kayo ni mommy love you sis"

"Take care too kuya love you too bye"

"Bye"

Bumalik agad ako sa teammates ko after namin mag-usap.

"Oh saan na tayo tapos na pep rally??" tanong ni Ronnie.

"Tara sa mall kain muna tayo tutal afternoon class na naman ang papasukan natin maaga pa naman oh" sagot naman ni Dave.

Sumakay na kami sa kanya kanya naming kotse at nagtungo agad sa Megamall. Ito lang ang malapit na mall sa school kaya naman dito na lang kami pumunta para kumain ng tanghalian.

"Saan tayo kakain??" tanong ko sa kanila.

"Tara Shakey's tayo masarap naman pagkain dun eh" sagot ni James.

Nagpunta na kami agad sa Shakey's. Maya maya lang ay umorder na kami ng makakain namin. Syempre habang naghihintay ng pagkain ay nagkwentuhan muna kami.

"Pano yan brad mukhang marami ka na karibal kay Steph hahahaha" si Dwight.

"Tsh. Hindi yun pare syempre ako take it easy lang. Ano naman kung mauna sila manligaw kay Steph? Hindi naman ako nakikipag-unahan sa kanila basta ako I'll take it one step at a time dahil hindi naman yan kailangan madaliin" taas noong sagot naman ni Dave.

Seriously si Steph pa talaga napili nilang pag-usapan?? Sa dinami rami ng magagandang babae sa school si Steph pa talaga?? Tss nasabi ko na lang sa isip ko.

Hindi naman sa ayaw ko pag-usapan si Steph but I feel uneasy whenever I hear her name. It makes me feel that her name is so powerful that every guy that would hear it would fell inlove to her.

"Kala mo naman talaga. Sa pagkakakilala ko kay Steph hindi siya yung tipo ng babae na madaling mahulog sa mga lalaki. Its as if she can control herself to avoid her heart being broken once again." Sagot naman si Drake.

Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon