Chapter 17

37 3 0
                                    

Stephanie's POV

Naalala ko bigla yung usapan namin ni kuya kanina nang biglang umalis si Mary ng walang pasabi kung saan siya pupunta dala yung kotse na bigay ko sa kanya.

Flashback

Nag aayos ako ng gamit ko sa kwarto ng may kumatok sa pinto.

"Pasok" sigaw ko habang nakaharap sa cabinet ko.

"Steph pwede ba tayo mag-usap??" Nagtatakang nilingon ko si kuya.

"About what??"

"Its about Mary" napatigil ako sa ginagawa at nilingon muli siya. The seriousness of his face makes my heart beat fast.

"What about her??"

"Hindi ko gusto yung pananalita niya kanina nung madatnan niya na andito pa sila sa bahay"

"And so?? Hindi naman niya to pamamahay ah ano pakielam niya sa mga bisita mo kung ayaw umalis??"

"Honestly I've notice something about her few weeks after she came" then I start getting curious about kuya.

"Bakit kuya ano ba yun?? Pwede mo naman sabihin sa akin at kapatid mo ko. Tayo lang din ang magtutulungan dito"

"Hindi siya yung Mary na nakasama natin simula pagkabata. I heard her once na may kausap sa phone and if I'm not mistaken ay ikaw ang pinag-uusapan nila" kumunot naman noo ko sa sinabi ni kuya.

"Ako?? Bakit ako?? Nananahimik ako dito" takang tanong ko.

"I don't know" kibit balikat na sagot ni kuya.

Naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pareho kaming lunod sa pag-iisip sa mga nalalaman namin. Maya maya ay binasag ni kuya ang katahimikan.

"Obserbahan muna natin bawat kilos niya then tsaka tayo gumawa ng aksyon kapag may nakita tayo na plano niya against sa atin" tumango na lang ako at sabay na kami bumaba para kumain.

End of Flashback

Ano bang problema niya?? Maayos ko naman siya kinausap ah??

Nagulat ako ng biglang bumukas ng malakas ang pinto! Kasunod nito ay ang pagpasok nila kuya.

"Ano nangyari??" Bungad na tanong niya sa akin.

Hindi ko nagawa makakilos o makasagot man lang. Masyado ako nagulat sa inasta niya sa harap ko. Nagulat na lang ako ng may mga kamay na pumulupot sa akin. Nayakap na pala ako ni kuya.

"Kuya wala naman akong ginawang masama" pahikbing sabi ko sa kanya.

Niyakap lang ako ni kuya habang ang mga kasama niya ay nagaalalang nakatingin sa aming dalawa. Maya maya pinaupo ako ni kuya sa sofa at pinakuha ng tubig si James para mahimasmasan ako.

"Ano nangyari kanina?? Bakit nakita namin na humarurot paalis si Mary??" Kalmadong tanong ni kuya.

"Nagpaalam siya sa akin na aalis muna syempre tinanong ko kung saan at ano oras siya uuwi nagulat na lang ako bigla niya ako sinigawan ng wala ako karapatan tanungin iyon sa kanya dahil hindi ko naman daw siya anak at kaya na raw niya mag-isa tapos sabi niya hindi na raw siya dito uuwi" paglalahad ko sa kanya.

Nagulat ang iba ngunit nanatiling kalmadong nag-iisip si kuya tungkol sa sinabi ko.

"Maiigi na yang wala siya dito sa bahay. Hindi naman kamag-anak ang turing niya sa ating dalawa" sarkastikong sabi niya.

Niyakap ulit ako ni kuya at tuluyan na akong kumalma. Nagyaya na lang si kuya na magfood trip na lang kami habang nagkukwentuhan tutal wala pa kami bagong DVD na nabibili para mapanood. Nagkwentuhan muna kami habang ang iba ay bumili ng makakain sa kalapit na convinient store.

Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon