Chapter 24

33 3 0
                                    

Denver's POV

Lutang akong umuwi. Napagdesisyunan ko na huwag na lang pumasok at magpahinga na lamang. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko ang mga binitawang salita ni Mary.

Ano ba ang nais niya ipahiwatig?!

Sumasakit na ang ulo ko kakaisip kung para saan ang mga iyon.

Agad kong binagsak ang sarili ko sa aking kama at nagpasya na matulog na lang.

"Kuya! Nakauwi ka na ba?!" Bigla sumigaw ang kapatid ko habang kinakatok ang pinto.

"Oo! Huwag ka maingay inaantok ako!"

"Okay. Inalam ko lang naman kung ikaw nga yung umuwi"

Ipinikit ko ang mga mata ko at nagbaka sakali na makatulog.

"Kuya! Kuya!" Sigaw muli ng kapatid ko.

"Ano ba iyon?! Natutulog ako tapos gigisingin mo ako!"

"May naghahanap sa iyo sa sala gusto ka raw makausap"

"Sino?!"

"Si kuya Vyxn" napatahimik ako sandali at napaisip.

"Sige susunod na ako"

Inis akong bumangon at inayos ang sarili ko. Naabutan ko si Vyxn na nakaupo sa sofa at mukhang malalim ang iniisip.

"Ano ginagawa mo rito?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Gusto kita makausap"

"Tungkol saan?" Huminga siya ng malalim bago magsalita.

"Sorry. Sorry sa lahat ng ginawa kong masama sa inyo, lalo na sa iyo. Alam ko hindi ako naging mabuting kaibigan sa inyo lalong lalo na sa iyo. Kaya sana mapatawad mo ako"

"Alam mo ba na gustong gusto ko magalit sa iyo? Gustong gusto ko magalit na umabot sa puntong gusto na kita patayin pero hindi ko magawa! Hindi ko nga magawa magalit sa iyo eh kasi mahalaga ka sa akin! Gustong gusto ko gumanti sa mga kasamaan na ginawa mo sa akin at kay Steph pero hindi ko magawa gumanti at iyon yung nakakainis! Inis na inis ako sa sarili ko kasi hindi ko man lang magawa magalit sa inyo! Lalong lalo na sa iyo!"

"Pasensya na kung nagpadala ako sa galit ko. Hindi ko akalain na aabot sa punto na ganito. Alam ko matatagalan bago mo ko lubusang mapatawad pero sana mapatawad mo ako"

"Hindi ka pa humihingi ng tawad ay napatawad na kita. Sana lang hindi mo na gawin ulit ito" bahagya siya ngumiti ng may halong pait.

"Sana huwag ka rin magalit sa kapatid ko. Alam ko hindi madali para sa iyo pero sana huwag ka magagalit sa kanya. Mahal na mahal ka ng kapatid ko at alam ko na lahat ay may dahilan. Sana mahintay mo siya" tinapik niya lang balikat ko at biglang umalis.

Naiwan akong nakatulala at pilit na pinoproseso sa utak ko ang mga sinabi niya.

Anong hintayin eh patay na si Steph?!

Nadagdagan ang gumugulo sa isip ko. Una ay kay Mary ngayon naman ay kay Vyxn. Hindi ko na alam ano pa ang iisipin ko. Masyado nila ginugulo isip ko.

Nagtungo ako sa kusina para maghanap ng makakain.

"Oh kuya gutom ka na ba?" Nagulat ako ng makita si Jayda na nagluluto.

"Bakit ikaw ang nandito sa kusina?"

"Nagutom din kasi ako kaya ako na ang nagluto sakto marami rami naluto ko hati na lang tayo"

"Ano ba iyan?"

"Carbonara" masayang sabi niya habang pinapakita sa akin ang gawa niya.

"Masarap naman ba yan?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Oo naman kuya! Niluto ko yan last week sa school at nasarapan silang lahat" mayabang na sabi pa niya.

"Baka naman ayaw ka lang nila malungkot kaya kunwari masarap hahahaha"

"Alam mo kuya huwag ka na lang kumain ako na lang uubos ng ginawa ko" asar na sabi niya.

"Hoy penge ako! Gutom na rin ako tsaka para matikman ko rin kung talagang masarap luto mo"

"Tapos ano lalaitin mo kahit na masarap? Ay nako kuya style mo luma na" pairap na sabi niya.

"Bigyan mo na lang ako ng parehas tayo na nakakakain na" inis na sabi ko.

"Oh ayan bahala ka kung masarapan ka o hinde! Bahala ka rin kung uubusin mo o hinde!" Inis na sabi ng kapatid ko.

"Bakit konti lang nilagay mo?!"

"Syempre ako nagluto kaya mas marami akin" sabay dila sa akin tumakbo na palabas ng kusina.

Napailing na lang ako sa ugali ng kapatid ko.

"Kahit kelan talaga tong babae na to" ngingisi ngisi ako habang tinitikman yung luto niya.

"Mukhang nag-iimprove na ang pagluluto niya" nangingiting saad ko.

Bata pa lang ay hilig na niya ang pagluluto pero hindi namin siya hinahayaan mag-isa dahil baka mawalan kami ng bahay hahaha.

Agad akong bumalik sa kwarto at nahiga sa kama. Kusa na naman naglayag ang isip ko sa mga pangyayari ngayong araw.

Mahal na mahal ka ng kapatid ko Den
Sana mahintay mo siya
Sana mapatawad mo siya

Muli ako napapikit sa inis nang muli bumalik sa aking isip ang mga salitang iyan.

"What the hell are they hiding from me?!" Inis na sigaw ko habang pinagsusuntok ang pader sa likod ko.

Malalim ang paghinga ko habang kinakalma sarili ko.

"Siguraduhin niyo lang na makakapagpaliwanag kayo ng maayos sa akin dahil baka mabangasan ko mga mukha niyo" bulong ko sa sarili ko.

Kinalma ko ang sarili ko at nagshower para mabawasan naman ang init ng ulo ko.

Sana naman maganda ang bungad sa akin ng araw bukas. Nakakasawa na nilalamon ako ng lungkot sa bawat araw na nagdadaan. Sana dumating yung araw na masaya lang ulit ang buhay, yung wala ka na aalalahanin na problema kasi masaya at kuntento na sa buhay.

"Mahal na mahal kita Denver" may bigla bumulong sa tenga ko.

"Sino ka?" Tanong ko

"Makikilala mo rin ako sa tamang panahon"

"Paano mo ko nakilala?"

"Huwag ka magmadali. Unti-unting masasagot ang mga tanong mo sa paglipas ng araw"

"Miss! Miss bumalik ka rito! Miss!" Sigaw ko habang hinahabol siya papalayo.

Lumingon siya at nginitian ako

"Hanggang sa muli nating pagkikita Denver" matamis siyang ngumiti.

"Lagi mo tatandaan na mahal na mahal kita at walang iba na makakapalit sa iyo sa puso. Kahit ano mangyari at kahit naguguluhan na ako sa buhay ko ikaw at ikaw pa rin ang mahal ko wala ng iba"

Naestatwa ako sa pwesto ko at tulalang pinanood siya mawala sa liwanag.

Sino ka ba talaga? Bakit parang kilala kita?

Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon