*Kinabukasan*
Christina's POV
*kailan kaya muling makakatawa di ko pinipilit walang lungkot na sumisilip🎶🎵*
Sabay sa aking pag gising ay tumunog ang aking paborito kong kanta
Hayy... Umaga nanaman at Monthsary na namin ngayon- February 4.
Ipag luluto ko pa si Mark*After 1hr*
"Ok na tong suot ko magluluto pa naman ako ehh" sabi ko habang nakaharap sa salamin suot ko palang kasi ay pantalon at T-shirt mamaya na ako mag dre-dress
*rinnnggg rinnngg*
Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang si Mark ang natawag kaya sinagot ko ito agad
["Happy Monthsary Babe"!] Bati niya agad
"Happy Monthsary din"
["Kamusta?? Anong oras punta ko jan sainyo?"]
"Mga hapon na din babe para gabihan na lang"
["Ok sabi mo ehh"]
"Sige babye na muna mag hahanda pa ako ehh"
["Sige babe ingat ka ha.. Mahal na mahal kita kahit anong mangyare Happy monthsary ulit babe"]
"Ikaw din babe ingat palagi. Mahal na mahal din kita baliktarin mo pa ang mundo. Happy monthsary din babe. I love You"
["I Love you din babe"]
Market
"Ma, ito ba kailangan din?"
"Ahh oo anak"
1 oras na kaming nag iikot dito sa mall para sa kare - kare na lulutuin ko para kay Mark. Ito namang si Mama busyng busy sa phone niya. Hayy nako...
*ringgg ringgg*
Nakita ko natumatawag saakin si Tita Candy kaya sinagot ko ito agad
("Hello?") Parang malungkot ang boses ni Tita
"Hello Tita ok lang po ba kayo?"
("May nangyare sakanya") para akong biglang kinabahan
"P-po k-kanino p-po?"
("Kay Mark")
"Poh?! Ano po yun?!"
Pag kasabi na pag kasabi ni Tita Candy ay biglang bumagsak ang mga luha ko
"WALA NA SIYA"
YOU ARE READING
The one that got away
FanfictionHindi aakalain ni Christina na mawawala ang kanyang pinakamamahal na boyfriend makakaya niya kayang mag move on sa tulong ni Kyle? Marami silang hinarap na pag subok kakayanin kaya nila lahat ng yun??