Chapter 13- Naka move on ka na?

40 0 0
                                    

Mag damag kong pinag isipan kung bakit parang di pa sya nakakamove on..... Well 5 months palang naman ang nakakalipas eh panigurado masakit parin. Kaya nag isip ako ng pede kong maitulong sa kanya hayyy.... What a day 11pm na ng maisipan ko ng matulog hayy maaga pa klase ko bukas. Good night

*Kinabukasan*

"Nak gising na!!" Sigaw ni mama sakin

"Ma naman antok na antok pa ako eh.." Sagot ko kay mama na inaantok na tono

"Aba't ala syete na ng umaga di ka pa gising late ka na nga eh may balak na pang hindi pumasok?! Sayang tuition mo wag kang mag aral kung tamad kang pumasok!" Sermon sakin ni mama at wait alasyete na??!! Patay ako nito terror pa naman teacher namin ngayong umaga. Psh.. Ewan ko kay mama at sayang agad ang tuition isang araw lang di makakapasok. Yaman yaman naman nila hehehe.. Sila lang muna wala pa naman akong naitutulong sa negosyo eh.

Naligo at kumain na ako ready to go na kaso di pa ako binibigyan ng allowance ni mama para ngayong araw huhuhu late na nga mas male-late pa haiistt!

"Ma?" Pag lalambing ko

Dead ma

"Ma..." Ulit ko at may himalang nangyari lumingon siya! This is it hehehe

"Ma baka po pedeng mahingi ko na po ang allowance ko ngayong buong week?" Sabi ko

Buong week na tutal Tuesday palang naman eh para wala ng ganito ako nalelate eh hehe... Sorry mama

"Oh Ten Thousand pesos kung kulang pa at may kailangan kang bilhin o bayaran sabihin mo lang" sabi ni mama sakin at laking gulat ko sa sinabi niya

One Five lang allowance ko ewan ko kung bakit ang laki eh si mama na nga nag bibigay ng iba pang pera pang gasulina tas ang laki pa ng allowance ko lalo naman pag nandito si Papa Three Five kada isang araw imagine hayysss.. Eto ako tambakan ng pera ng mga magulang ko hayy.. Makapasok na nga lang

"Salamat po ma.. Pero bat anlaki naman po masyado?" Tanong ko kay mama

"Yan ang sabi ng Papa mo sinusunod ko lang" sabi niya

Spoiled ako no? Pero kay mama lang ang hindi masyado kay papa oo talaga eh minsan lang kasi siya umuwi

"Ganun po ba? Sige po pasok na po ako" pag papaalam ko

"Sige nak ingat" sabi ni mama

Christina's PoV

Hayyy... Recess namin ngayon at wala si Kyle sa una naming class worried lang ba't ba

Nag lalakad ako papunta sa next class ko ng bigla kong nakita si Kyle na nag mamadali at pawis na pawis

Eh??

"Oh Kyle ba't ganyan itsura mo? Anyare sayo?" Tanong ko

"May sasabihin ako sayo" hingal na hingal nyang sabi

"Ay teka hinga muna hinga inhale.. exhale.." Biro ko pero sinunod naman hahaha

"Ano nga pala sasabihin mo?" Tanong ko

"Ano kasi.." Putol niya

"Ano nga? Nambibitin pa eh." Sabi ko

"Ano.. Nakamove on ka na ba?"

Ito na po!! May kasunod pa po yan! Sana po magustuhan nyo love lots po

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The one that got awayWhere stories live. Discover now