Siya

69 4 0
                                    

Siya ang dahilan ng iyong pagngiti
Ngiti na ngayon ko lang nakita
Ngiti na hindi mawala sa iyong mukha
Ngiti na sa aki'y nagbibigay sigla

Siya ang dahilan ng iyong pagsaya
Saya na naramdaman mo nang makilala mo siya
Saya na dulot ng pagtawa niya
Saya na gawa ng isang katulad niya

Araw-gabi, siya ang nilalaman
Ng iyong puso at isipan
Wala nang ibang gustong tandaan
Kundi ang mukha nyang napakagandang tignan

Siya, siya ang pinakamamahal mo
At hindi ako na nagmamahal sayo
Ako na nandito lagi sa tabi mo
Para alalayan ka sa mga problema mo

Siya ang nagpapaligaya sayo
Siya ang bumubuo sa pagkatao mo
Siya ang babaeng mahal na mahal mo
Siya, siya na best friend ko

Mga tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon