Kasinungalingan

62 6 2
                                    

Hanggang ngayon ay tanda ko pa
Kung pano tayo unang nagkakilala
Hindi pa kita noon gaanong kilala
Ngunit araw araw kitang nakikita

Tandang-tanda ko pa
Nung sinabi mo saking "gusto kita"
At sinagot naman kita
Ng "gusto din kita"

Sa tuwing kasama kita
Ako'y laging maligaya
Kaya't hindi ko kakayanin
Kapag ika'y lumayo sakin

Nang maging tayo na
Ang tanging naramdaman ko ay saya
Dahil sa wakas natupad na
Ang pangarap ko na makasama ka

Ngunit hindi ko makakalimutan ang panahon
Na tinapos mo kung anong meron tayo noon
At sinabi ang mga katagang ito
Na nagpawasak sa puso ko

"Mapatawad mo pa sana ako
sa aking mga kasalanan
Dahil lahat ng sinabi at pinakita sayo
ay pawang mga kasinungalingan"

Mga tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon