Pasensya na

15 1 0
                                    

Pasensya na
Alam kong nasaktan kita
Alam kong mahirap para sayo
Mahirap na tanggapin ito

Masaya ako tuwing kasama ka
Tuwing kausap ka
Tuwing nakikita kita
Lalo na sa tuwing nakangiti ka

Lagi kang nasa isip ko
Oras-oras at minu-minuto
Palagi ka nalang nanggugulo
Sa bawat sulok ng isip ko

Alam ko sa sarili ko
Na ika'y aking gusto
Ngunit di ko alam kung anong dapat maramdaman ko
Nang sabihin mong ako'y mahal mo

Alam kong gusto kita
Ngunit di ako handang magmahal pa
Natatakot akong mahalin ka
Natatakot din akong masaktan tayong dalawa

Di pa ako handa sa ngayon
Di pa ako handang mahalin ka
Di pa ito ang tamang pagkakataon
At ako'y may takot pa at pangamba

Sakaling makakapaghintay ka
Lubos akong magiging maligaya
Dahil kapag ako'y handa na
Alam kong ikaw ang mamahalin ko ng sobra

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon