Chapter 11: Meet my bandmates! ((Plan A: Harana = Fail)) / Confession

85 4 1
                                    

DJ's POV

"Pare, sure ka ba sa plano mo?" tanong sa akin ng bandmate/brad ko na si Lester Giri. Oo, may banda ako and it's name is Parking 5. Ako ang bass guitarist, si Lester "Les" Giri 'yung drummer, si Katsumi "Kats" Kabe ang rhythm guitarist, si JC Padilla (kapatid namin ni Zach) ang lead vocalist at si Hugh Seth "Seth/Sed" Gothico ang lead guitarist.

"Naku! Pare kapag hindi ka sinagot ni insan, malalagot sa akin 'yun." sabi ni Katsumi at oo, mag-pipinsan sila nina Quen, Lory at siya.

"Huy! Wag mo naman sasaktan si Lory babes!" sigaw ko. Ang feeling ko lang din noh?! Babes? Haha... Trip ni author eh.

"Ang hangin, kuya!" pang-aasar ni JC.

"Bumalik yata si Yolanda!" asar din ni Sed.

"Ewan sa inyo! Basta ako, liligawan ko talaga si Lory at tatanungin ko siya for prom." sagot ko naman.

"Too much hope will kill you, brad. Aasa ka tapos mapupunta rin lamang sa wala, masakit 'yun. Dapat ang hope binbawasan, kung ayaw mong masaktan eh 'di bawas-bawasan mo ang hope." payo ni Sed at pinat ang braso ko.

"Wow! Himala! Nag-iisip ka na pala!" asar ni Kats.

"Words of wisdom! Nice!" isa pa 'tong si Lester.

"Mga gago! Sama ng lahi niyo!" sabat ni Sed at tumawa.

"Nagbibiro lang naman!" sagot ni JC at tumawa silang lahat. Napansin nilang hindi ako tumawa kaya tumigil sila.

"Brad, ayos ka lang?" tanong ni Lester. Ano ba 'yan? Anyare sa akin?

"Pare, sorry sa mga nasabi ko. It's just that ayaw lang naman namin na makita kang nasasaktan, eto isipin mo rin kasi.... Aasa ka sa wala tapos masasaktan ka, ayaw namin ng ganon. Ang nakasanayan kasi namin is nakikita kang masaya. For example nalang is kapag kasama mo si Kath, masaya ka, oo bro masaya ka rin kapag kasama mo si Lory, pero paano kapag nasaktan ka niya, masaya ka pa rin ba?"

Tama si Sed, pero hindi pa naman ako basted kay Lory, so may pag-asa pa ako.

"Hindi pa naman basted diba?" Me. Hope lang ang tawag dyan!

"Pero sinabi niya na ang crush niya eh si Zach? Hindi ba ako tama?" Lester. Bahala na si Batman! Sa gwapo kong 'to, wala siyang gusto sa akin?! Psh.

"Ano ka ba naman! Les, sa gwapo kong 'to?" Me. Hahaha!! Totoo naman ah! Sinong magsasabi na panget ako?! Humanda kayo gagawin ko 'yung ginawa ni Cedric Lee kay Vhong Navarro! Kelan pala sila naka-sama sa story na 'to? Hahahahaha......

"Ang kapal! Sobra! Gwapo! Wow! DJ, ang kagwapuhan mo parang password....... Ikaw lang nakaka-alam!" Kats. At nag-tawanan ang mga gago!

"Nasubukan mo na bang tumingin sa salamin?" Sed. Tumigil sila tapos bumanat etong si Sed.

"Nako! Maraming beses na! Nakikita ko nga ang kagwapuhan ko eh!" Me. Sakay lang pag may time!

"Buti hindi nababsag ang salamin!" Sed. Sige! Pag-tripan daw ako!

"Pinag-bibigyan lang siya nung salamin! Bwahahahaha!!!!!!" JC. Ang bait ng kapatid ko diba?! Sobra! *sarcastic tone*

"S-so? Hahahahhaha!!!! Ang sakit ng tiyan ko! Anong plano mo?" Lester. With matching tawa pa talaga ah!

"Plan A: Harana!" Me. Plan A muna! Marami pa akong plans eh!

"Harana?! Bwahahahahaha!!!" Sed. Anong nakakatawa?! Baliw talaga sila....

"Pare, fan ka ba ng Apo Hiking Society? Hahahahahaha!!!!!" Kats. Baliw naman etong mga 'to! Ako fan ng AHS? Psh.

"Tama na nga 'yan! Iiyak na si kuya! Hahahaha!!" JC. Ansama! Sobra! Kung ilibing ko kaya etong mga 'to ng buhay?!

My Brother is Enrique Gil?! : Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon