CHAPTER 6

668 22 0
                                    

“Good Mooorniiing” masayang bati ni Anne sa mga taong naabutan nya sa lounge.

“Ang aga ang ingay mo ngangabu” kunot-noong baling ni Vice sa kaibigan.

Nag peace sign naman si Anne sa kanya habang tatawa – tawa naman si Ryan habang nakatakip pa ang dalawang kamay sa kanyang tenga habang nakasunod kay Anne papasok sa loob.

“San mo napulot yan?” tukoy ni Billy kay Ryan.

“Sa bunganga nya” sagot naman ni Vice.

Dumila lang si Anne sa kanya before she sit next to Teddy na kaharap lang ni Vice at Billy.

“Morning, Mommy’ bati ni Ryan kay Vice. “Morning din Kuya Billy”

Nag-apir naman sila ni Billy saka sya tinapik sa balikat.

“Morning baby” bati din naman ni Vice sakanya before nya ibalik ulit ang atensyon sa pagbabasa ng dyaryo.

“Wait, wala pa si K? Himala late ata sya ngayon” Anne blurted out ng mapansin na wala pa ang kaibigan.

“Hala! Baka naman nakain mo na sya?” biro naman ni Vice sa kaibigan. Trip na trip lang nyang biruin ito when she’s around. Especially, hindi kasi ito napipikon kahit sabihin nyang malaki ang bunganga nito.

Natawa naman silang lahat sa biro nya.

“Ang aga ang hard ah” sabi naman ni Teddy.

“May namimiss kasi” Anne said.

Minsan talaga pag si Anne na ang gumanti, napapatulala na lang sya sa mga sinasabi nito. Ang dami kasing alam tungkol sa kanya. Kaya minsan tumatahimik na lang sya para tumigil na rin ito. Katulad ngayon.

“Tiklop kay Anne, Viceral?” Billy joked.

Isa pa tong tukmol na to eh. Pag nagsama-sama sila wala na talaga syang masasabi pa. Buti na lang wala si Vhong.

Bunganga rin nya di mapigilan minsan. Kanina sya ang nag-aasar, ngayon naman sya na ang inaasar.

“Ikakasal ba tong namimiss mo, cutie pie?” Jhong added na mas lalong nagpalakas ng tawa ng mga kaibigan.

Natawa na lang din sya habang naiiling. No comment at all. May sasabihin pa ba sya, alam na nilang lahat isa na lang ang hindi.

Sya.

~

She woke up at ang bigat – bigat ng pakiramdam nya. Because today is different. He was gone.

Kaya naman tamad na tamad din syang bumangon. Her all system was down. Feels like no energy eventhough kagigising nya lang.

She look at the clock beside her bed. It says, it’s already 9:25 in the morning. Pag normal day lang siguro, malamang nagcra-cram na sya sa paggayak dahil ayaw nyang nalalate sa Showtime. Pero ngayon mas gugustuhin pa nyang mahiga na lang sa kama.

She was crying again. Again? Di na yata titigil ang pag-iyak nya once she stayed up all alone in her room.

She grab her phone on the bedside table dahil kanina pa ito tumutunog. Nakalimang missed calls na pala si Anne sa kanya and also three messages.

-

From: Anne

Good morning, K! Nauna ako sa’yo, girl. This is achievement. See you later J

Sent: 9:05AM

-

From: Anne

KAAARYLLLEEE! Mga anong oras mo balak pumasok? :D

Behind The Scene │ ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon