CHAPTER 12

536 25 7
                                    

[Vice]

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung nalaman ko na dumalaw si Yael kay K. The worst part is, nakikipagbalikan ito kay Karylle. Since that day, kapansin - pansin na rin ang madalas na pananahimik ni K. Lagi syang nahuhulog sa malalim na pag - iisip. Kung di pa sya tatapikin minsan ni Vhong hindi na nya kami maaalala.

Now what? Masakit mang tanggapin pero pakiramdam ko may pagmamahal pa rin syang nararamdaman para sa dating kasintahan. Pero ayoko namang umupo na lang sa isang tabi at panuorin ang bawat mangyayari. Hindi mangyayari ang gusto ko kung wala akong gagawin. Tutal, umamin na rin naman na ako sa kanya bakit di ko pa ituloy - tuloy di ba? Kung sana pala noon palang ipinush ko na ang labeled relationship, baka siguro hindi na ako natatakot ng ganito na baka maagaw sya sa akin ni Yael. Pero wala naman akong magagawa kong ayaw pa nya di ba? She's still on moving on stage that time. And now na unti - unti na nyang nakakalimutan ang sa inyo Yael, saka ka naman bumalik. Aba matindi!

Pero what if nga naman kong may feelings na rin sya for me?

Then I won't waste my chance. Kahit gaano pa kaliit na chance, i - gragrab ko pa rin.

"Pwede ba naming malaman kung bakit di natuloy ang kasal? Anong dahilan? Third Party ba?"

Oo nga pala, kasalaukuyan akong nanunuod ng interview ni Yael sa Aquino & Abunda Tonight. After four months na pananahimik sa issue, ngayon lang sya lalantad sa publiko.

"First, Tito Boy, wala pong third party na kasangkot" Yael answered.

"So, ibig sabihin hindi totoo na si Vice ang dahilan ng hiwalayan nyo? Kasi di ba, before that may issue ka din with asawa? Tapos lately naman may issue na sya daw ang dahilan" tanong naman ni Kris.

"Wala po. Hindi po totoong may kinalaman si Vice dito. What happened between me and him, is another issue. The truth is ako ang may kasalanan. I called the wedding off because ...."

"... I felt lost. Nagising ako isang araw na ang gulo - gulo ng lahat. Yung feelings ko for her hindi naman po yun nawala, it's still here" he said while he points his chest where his heart is located.

"Along the way, nawala ako sa sarili ko, yung parang hindi ko na kilala kung sino ako. Kaya lagi kami nagkakasakitan, that's why I decided to find myself. To find the man she loved before" mataman namang nakikinig si Tito boy at Kris sa paliwanag nI Yael.

Behind The Scene │ ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon