DANNA P.O.V
"IHINTO mo nalang d-diyan. Mag-aabang nalang ako ng jeep." Medyo nangangatal ko ng sabi kay Mike. Gustong-gusto ko na talagang bumaba pero parang wala lang siyang nadidinig na patuloy lang sa pagmamaneho. "M-Mike please stop the car," pagmamakaawa ko na.
"I'll drive you home." Matigas niyang tugon.
"N-No. Wag na. I-Ihinto mo nalang ang s-sasakyan."
"Ganyan ka ba talaga katakot sa akin ha?" Malamig niyang tanong. Di ako sumagot, tinabi niya ang sasakyan. Agad kong binuksan ang pinto kasi nasa likuran ako nakasakay. Lalabas na sana ako nang mas mabilis niya akong maharangan at tinulak pabalik kaya napahiga ako sa upuan.
"M-Mike a-ano ba?!" gilalas kong tili nang daganan niya. Sinubukan kong pumalag pero hinawakan niya ako sa dalawang kamay. Napuno ng takot ang puso ko habang nagpupumiglas sa pagkakaipit niya sa akin. "M-Mike please!"
"Danna I miss you so much. I really miss you so much." Anas niya sabay halik sa akin pero iniwas ko ang labi ko.
"P-Please—" iyak ko, pilit na binabawi ang mga kamay kong hawak niya.
"You must still hate me so much." Sabi niya at umalis na mula sa ibabaw ko. Agad na din akong bumangon at na-upo. Napasiksik ako sa may bintana at tahimik na humikbi. Pakiramdam ko nangangatal ang buo kong katawan.
Silence.
"M-Mike gusto ko ng umuwi—"paki-usap ko na. Hindi ako makapag-isip ng matino, naghahalo ang maraming emosyon sa dibdib ko. Ang alam ko lang ay kailangan kong makalayo sa kanya, I have to run away from him before it's too late.
"Mahal na mahal pa din kita Danna. Kahit na pinakulong niyo pa ako. Mahal pa din kita at handa akong magbago para sayo."
Natigilan ako at maang na napalingon sa kanya, tiim ang bagang niya—he's scary. Napakislot ako nang hawakan niya sa kamay, agad ko na sanang hihilahin pabalik ang palad ko nang hindi siya pumayag. "M-Mike let me go—please?"
"Danna, di mo ba ako nadinig ha? Mahal pa din kita at handa akong gawin ang lahat para mabawi ka."
"Nababaliw ka na ba Mike ha? May fiancee na ako at pagka-graduate ko, ipapakasal na ako sa kanya kaya pwede ba, itigil mo na 'to. At wag mo na ding isali si Ara dito. Wag mo siyang gamitin para makalapit sa akin!" sabi ko at malakas na binawi ang kamay ko.
"I won't give up on you, now that I am free again."
"Y-You're scaring me," namutawi sa bibig ko.
Masuyo niya akong tinitigan, mas lalo akong napasiksik sa bintana. "Dan, I won't hurt you. Trust me, I—"
"You said that before but you ended up hurting me and I know, you'll do it again. You can do it again!" matalim kong tugon.
"No—of course not! Nagbago na ako—look, I'll protect you."
"If you really wanted to protect me then leave me and my friends alone. You're creeping me," pagkasabi nun ay agad na akong bumaba ng kotse. Sakto namang may dumaan na dyip, agad ko yung pinara at nagmamadali na ding sumakay.
Tila ako nakahinga ng maluwag nang makitang hindi siya sumunod. Muling dumaloy ang luha sa mga mata na agad kong sinunod ng punas. It has been years at akala ko ay hindi na muling magtatagpo ang mga landas namin, ginawa ko ang lahat para iwasan siya. Umalis kami sa lungsod ng Luntayan para makalayo pero heto na naman siya, andito na naman sa Santavera.
Yeah, ako ang sinasabi ni Mike na babaeng ginahasa niya. Ako ang dati niyang girlfriend na ni-rape niya kasi lulong siya sa druga. Ako yung babaeng nagpakulong sa kanya. I hate him so much kasi sa ginawa niya sa akin. Binaboy niya ako, di niya ako tinuring na kakampi, pati ako nakalimutan niyang galangin dahil sa druga na nagpapaikot sa utak niya.

BINABASA MO ANG
Forbidden Love
Roman d'amourMagpinsan silang dalawa pero lasing yata si Kupido nung mga panahong yun at napag-tripan niyang magpakawala ng pana sa kung saan lang at aksidenteng natamaan silang dalawang magpinsan. Sinubukan ni Ara na pigilan ang sariling nararamdaman sa half...