Chapter One: The Start

276 9 0
                                    

King Carlos POV
 
     Nandito lang ako sa aming palasyo. Ngayon ang araw na nakatakdang manganak ang aking asawa, ang mahal na Reyna Katelyn. Habang ako'y malalim na nag-iisip, biglang kumatok ang isang kawal na nagsasabing nanganak na ang aking asawa. Mabilis akong pumunta sa silid kung saan nandoon ang aking asawa at ang aming anak na kasisilang lamang.

     "Mahal ko kamusta?" Ang tanong ko sa aking asawa, na ngayo'y nakahiga sa kama katabi ang aming anak.

"Okay lang ako Mahal ko, sapagkat naipanganak ko ang ating anak na mabuti." -Reyna Katelyn

"Oo nga, at sobrang napakagandang bata. Ano ang gusto mong ipangalan sa kanya?"

"Anikka Lei ang gusto kong ipangalan sa kanya Mahal ko, nababagay sa kanyang napakagandang mukha, and I consider her as a precious gift from above ."- Reyna Katelyn

     Sa kabila nang aming kasiyahan, biglang kumatok ang kawal sa aming silid na nagsasabing kami ay nilusob ng kalaban mula sa Witchery Dark Kingdom.

"Dito lang kayo sa loob mahal ko, ingatan mo ang anak natin at kahit na anong mangyari wag mong hahayaan na makuha nang kalaban ang Mahal Na Prinsesa." - Pakiusap ko sa aking Asawa na ngayoy umiiyak na.

"Mag-iingat ka Mahal ko. Mahal na Mahal kita." - Reyna Katelyn

"Mahal na mahal din kita at ang anak natin."- sabi ko sabay halik sa asawa ko sa kanyang pisngi at sa anak ko sa kanyang forehead.

AUTHOR'S POV

      Habang busy ang lahat sa pakikipaglaban sa mga dark witches hindi nila namalayan na ang silid kung saan naroroon ang Reyna at ang Prinsesa ay napasok na nang Reyna ng kadiliman na si Queen Lucifera Darka.

"Hahahahahahaha. How are you my dear Bestfriend?" - Queen Lucifera na ngayo'y nakangisi nang pangdemonyo.

"Bestfriend? Wala akong bestfriend na ahas at kasingsama mo Lucifera. Kahit anong gawin mo hinding-hindi mapapasaiyo ang Aking asawa at ang aming anak." - Ani nang Reyna Katelyn na ngayon ay hawak ang anak at nag'iiyak.

"Kung ganon, wala na akong magagawa kundi ang saktan ka at ang iyong anak." - Queen Lucifera

  Nagsimula nang maglaban ang dalawang Reyna. Kahit na nanghihina pa at Pagod ang Reyna Katelyn ay pilit parin nyang nilalabanan ang Reyna ng kasamaan at kadiliman, pansamantala muna niyang inilagay ang kanyang bata sa kama at binigyan ng protective barrier para hindi matamaan sa kahit na anong atake mula kay Lucifera. Nakatamo narin ang Reyna nang maraming sugat sa katawan gawa nang pag'atake ni Lucifera. Hindi maipagkakaila na malakas at makapangyarihan din ito.

     Habang busy ang dalawang Reyna sa paglalaban, pumasok ang isang fairy sa loob ng silid at kinuha ang prinsesa upang ito ay itakas. Dali-dali itong lumabas sa silid at agad gumawa nang portal patungo sa mundo nang mga tao.

     Agad nakarating ang fairy sa kakahuyan sa mundo nang mga tao at doon nya nakita ang mag asawa na nangangahoy. Wala na syang ibang magawa kundi ang humingi nang tulong sa mga ito.

Halata sa mukha nito ang pagkagulat.

"Manong at manang, pasensya napo sa abala, subalit kailangan ko po ang tulong ninyo. Alam kung hindi kayo naniniwala sa inyong nakikita ngayon, pero kailangan ko po talaga ang inyong tulong. Iiwanan ko po sa inyo ang batang ito, nais ko po na siya ay inyong alagaan at bantayan, siya po ay ang prinsesa nang aming kaharian, subalit siya ay tinangkang kunin nang Reyna nang kasamaan para gamitin sa kasamaan kaya ko po siya itinakas. Darating po ang tamang panahon para sya ay makabalik sa aming mundo. Sa ngayon po iiwan ko sya sa inyo. Kayo na po ang bahala sa kanya. Ito po ang kwintas ibigay nyo po ito sa kanya, ito po ang magtuturo sa kanyang tunay na magulang at pagkatao. Sa kanyang ika 18 kaarawan ang panahon, mangyayari ang kanyang pagbabalik. Paalam." -mahabang eksplenasyon nang fairy sa mag'asawa.
    Tinanggap nang mag'asawa ang bata.. at ito'y kanilang inalagaan.
♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚

See Yah sa Next chapter♚♚♚
-Author
-Adios

I Am The Long Lost Princess Of Emeraldia KingdomWhere stories live. Discover now