Chapter Three: Her 18th Birthday

185 10 0
                                    


SOMEONE'S POV

Nandito ako ngayon sa aming palasyo. Ngayon ang kaarawan nang aking nawawalang anak, ang Mahal na Prinsesa. Kumusta na kaya siya? Sana makita ko na siya. Miss na miss ko na siya.

ROGER'S POV(Hya's foster father)

"Roger, ngayon na ang naka takdang araw ng kanyang pagbabalik sa kanilang mundo. Hindi ko kaya malayo siya sa akin, Hindi ko kaya."- umiiyak na sabi ng aking asawa.

"Shhhh...tama na sa pag'iyak Lenna, ito na ang nakatakda sa kanya, wala tayong magagawa kundi sundin ang habilin sa atin ng Fairy." -Sabi ko sa aking asawa. Alam kung masakit pero ito ang nararapat na gawin.

HYA'S POV
(At School)

Andito na ako sa school namin. Excited na akong makita ang bestfriends kung si
Claire at Amber. At excited narin akong ma-bully. Pinaghandaan ko na ito. Ngayon din pala ang 18th birthday ko, pero hindi uso sa amin ang handaan. Mahirap lang kasi kami.
While naglalakad ako patungo'ng classroom marami akong naririnig na bulungan. Bulungan ba talaga or sadyang ipanarinig lang nila sa akin. Mga Bubuyog talaga!!!!!

" Oy,andyan na si weirdo girl."
"Confident masyado,hindi naman maganda"

Iilan lang yan sa mapang husga nilang salita. Masakit isipin, na ganyan ang tingin nila sa akin. Dahil ba ipinanganak ako ng ganito. Pero, kahit na masakit at mahirap wala akong balak na gantihan sila. Dahil, tinuruan ako ng mabuting asal ng magulang ko.

Andito na ako sa harap nang pinto ng classroom namin. Alam kung may mangyayari na naman pag bubuksan ko ang pinto, pero bahala na, sanayan nalang yan, palagi nalang ganyan ang scenario everytime papasok akong school. 3 years na nilang ginawa ang pambu'bully sa akin. Pero kahit kailan hindi ko naisipang gumanti.
Binuksan ko na ang pinto, pagpasok ko palang, may nabuhos sa akin ng pintura, nadapa pa ako kasi na apakan ko yung balat ng saging. Pero, ang demonyo kung classmates halos mamatay na sa kakatawa, except sa Bestfriends ko na awang'awa na sa akin. Wala akong ibang ginawa kundi ang bumangon mula sa pagkakadapa at maglakad patungo sa aking assigned sit. Pagdating ko sa aking upuan, umalis ulit ako para makapag bihis, ang lagkit kasi. Lagi lang din akong nagdadala ng extra t-shirt, kasi alam ko na ganito ang mangyayari sa akin.

Nakabalik na ako galing C.R.

"OMG Friend, okay ka lang ba?"-
bungad na tanong sa akin ni Claire, adik din tong babaitang to, kung magtanong. Halata naman na hindi ako okay.

"Tanga karin Claire no, kita mo kung ano ang nangyari nagtatanong kapa kung okay lang ba si Hya,malamang hindi."- Sabi ni Amber' sabay irap ng mata. Maldita din tong babaeng to.

"Okay lang ako guys, wag kayong mag-alala, sanay na ako hehe."- sabi ko sa kanila, baka magka riot dito.

"Bdw,Hya..HAPPY BIRTHDAY.!! "-sabay na sabi ni Claire at Amber.

"Pasensya na kung wala kaming gifts sayo,alam mo naman na naghihirap ang Pilipinas ngayon, hehehe"- Sabi ni Amber, gaga talaga.

"Okay lang ano ba kayo. Pero, Thank you sa pag bati.Mahal ko kayo."

"Aww, ang sweet naman ng bestfriend namin.Pa hug nga..hahaha"- kaya ayun nag group hug kami.

Natahimik lang kami nong dumating ang teacher namin.

(FASTFORWARD)

Sa wakas natapos rin ang aming klase. Pauwi na ako sa bahay namin naglalakad lang ako, kasi malapit lang naman ang school namin sa bahay.Nasa harap na ako ng pinto ng aming bahay ng biglang sumakit ang kanang bahagi ng aking dibdib. Sobrang sakit, na parang may gustong lumabas or kumawala. Sa sobrang sakit napasigaw ako.

"Ahhhh...ang sakit, Mama,Papa."- naiiyak na ako sa sobrang sakit.

"Anak, anong nangyayari? Hali ka.. kapit ka sa akin para makalakad ka ng maayos."- sabi ni Papa na nag'alala ang mukha.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Nang tingnan ko ang kanang bahagi nang aking dibdib hindi ko mapigilan ang magulat, may tattoo kasi na golden crown, with emerald stone,tapos napapalibutan ng ibat'ibang simbolo. Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon nito. Sa gitna ng aking malalim na pag-iisip, biglang nagsalita si Papa. Si Mama naman ay parang maiiyak na. Ano ba talaga ang nangyayari?

"Anak, ito na ang tama at nakatakdang panahon para bumalik ka sa lugar kung saan ka nararapat. Anak, kailangan mo nang bumalik sa inyong mundo,nandoon ang tunay mong mga magulang, isuot mo itong kwintas anak, importante yan sayo, iyan lang ang daan para makilala o mahanap mo ang iyong mga magulang. "- mahabang paliwanag ni Mama habang umiiyak. Kahit hindi ko kaya ang malayo sa kanila, ay kakayanin ko kasi ito ang nararapat. Gusto ko ring makilala ang tunay kung mga magulang.

"Ihanda mo na ang mga gamit mo anak, aalis na tayo mamaya."- sabi ni Papa. I heaved a deep sigh, saka umalis
para mag'ayos.

After how many minutes nang pag.aayos natapos rin ako.Bumaba na ako mula sa kwarto at nadatdan ang aking magulang na naghihintay sa akin.
Nakakalungkot isipin, na hindi ko na makakasama sina Mama at Papa. Pero kailangan ko itong gawin. Ano kayang buhay ang madadatnan ko sa aming mundo? Buhay pa kaya ang tunay kong mga magulang? Sana naman maayos lang ang lahat pag nakarating ako doon.
---------------------------------------

A/n: wahh' grabe'ang sakit ng ulo ko kakaisip kung ano ang karugtong na estorya. I just hope, you'll like this chapter.
See you sa chapter four!!
-author
-Adios

I Am The Long Lost Princess Of Emeraldia KingdomWhere stories live. Discover now