PROLOGUE

15 1 0
                                    

“CLASS, may bago kayong classmate. Be good to her okay?” Pagkausap ng bago kong teacher sa magiging kaklase ko. Inaya na nya ako sa loob ng room kaya naman pumunta na ako sa harapan.

“Good morning everyone!” Bati ko sa bago kong mga kaklase na may ngiti sa mga labi. My mom always told me to smile, kasi raw nakakapangit ang mukhang sad kaya dapat happy palagi. Kahit na nga ba bungi ang mga ipin mo sa harap.

Ngumiti naman pabalik ang iba at ang iba naman ay tinignan lang ako. Tumingin ako kay Ma'am ganda at binulungan nya ako na magpakilala na. Tumango naman ako.

“Hello to you my classmates! My name is Jee Veronica Beatrix Juanita Katrina Velasco Valdez. I am seven years old, I live in V&V Village.” Masaya kong pagpapakilala.

Natawa ako ng manlaki lahat ng mga mata nila at mababasa ang pagkamangha. Napabungisngis ako dahil hindi naman ito ang una. Kahit sa dati ko ring scool ay napapatanga ang mga kaklase ko at kahit ang teacher ko pag nagpapakilala ako. Ang haba raw kasi.

“Wow, ang haba naman ng pangalan mo!” Sabi ng isa kong classmate na babae. Nginitian ko sya.

“Oo, ang sabi kasi ng mom ko pinagsama-sama nya ang pangalan ng mga lola ko at yon ang pinangalan nya sa akin. Ang galing diba?” Masaya kong sabi. Ngumiti naman sya at sumabat ang katabi nyang lalaki na kamukha nya.

“Ang panget ng pangalan mo.” Sabi nya at inirapan ako. Nagtataka ko naman syang tinignan.

“Ang sabi ng mommy ko maganda ang pangalan ko! Mahaba pero maganda!”

Inungusan nya ulit ako.

“Ang panget.”

Sasagot na sana ulit ako ng pumagitna na sa amin si Ma'am. Galit kong tinignan ang lalaki na yon at binelatan nya lang ako.

“Okay, Jee umupo ka na sa upuan mo para mag start na tayo ng klase.” Itinuro nya ang upuan na nasa dulo. Sumunod naman ako pero dumaan ako sa gawi ng lalaking nag sabi na panget ang pangalan ko. Tinignan ko ang papel na nasa ibabawa ng desk nya.

Khallad Anthony Bernardino.

Ang yabag! Mas panget naman pala ang pangalan nya!



AFTER 10 YEARS..

O TO THE M TO THE G!! As in OMG! Ang ganda ng bago kong school kung saan ako mag co-college! Ang laki ng space at ang ganda ng mga facilities. Feeling ko I'm in love na! My gosh!

“Hoy ikaw Jee Veronica Beatrix Juanita Katrina Velasco Valdez! Tumingil ka sa kakangiti mo dahil mukha ka ng timang!”

Tiningnan ko ang aking bestfriend na si Khalil Anthonette Bernardino na kasama ko mula nung seven years old pa lang ako.

“Ano ba naman Khalil? Tignan mo ang bago nating school. Ang ganda ganda!” Nakabungisngis kong sabi. “I'm sure marami ring pogi rito.”

Napailing-iling na lang si Khalil at inirapan ako.

“Bahala ka nga riyan. Malapit ng mag simula ang klase natin kaya tara na!” Sigaw nya at nagsimula ng maglakad. Ang bruha iniwan ako.

Susunod na sana ako sa kaniya ng may marinig akong nag salita sa tabi ko.

“Don't dream to high Juanita Valdez. Hindi pumapatol sa mga panget ang mga lalaki rito.”

Napairap ako sa hangin. Boses palang ay kilala ko na agad kung sino ito at sa pangalan na tinawag nya sa akin. Hinarap ko si Khallad, ang kakambal ni Khalil.

“At bakit ka nandito KHALLADkarin?” Kung sya Juanita ang tawag sa akin, ako naman Khalladkarin ang tawag ko sa kaniya. Asar talo lang.

Nginisihan nya lang ako bago nag salita.

“Wala naman. Gusto ko lang makakita ng panget.” Sabi nya at umalis na sa harapan ko.

Asdfghjkl?!!! Walangya talaga ang lalaking yon! Bwisit sya! Ang lakas ng loob na tawagin akong panget e ang ganda ganda ko! Argh! Nakakainis sya! Walangya!

Inis akong umalis sa pwesto ko at naglakad papunta sa klase ko pero nakakailang hakbang pa lamang ako ng may matigas na bagay na tumama sa ulo ko. Sh*t!

Natumba ako sa sahig at napahawak sa parteng tinamaan ng matigas na bagay. Oh my gosh it hurts!

“Miss are you okay? Sorry natamaan ka ng bola.” Narinig kong sabi ng isang barinotong boses. Ang ganda sa pandinig.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at hinilot ang masakit kong ulo. Biglang sumilay sa akong mata ang napakagwapong nilalang na nakaluhod sa harapan ko. Napatulala ako sa kaniya.

Oh my god. Am I dreaming? Ang gwapo naman ng adonis na nasa harapan ko. I was about to touch his handsome face when realization hit me.

“You okay?” Mababasa sa mukha nya ang pagalala. “Gusto mong dalhin kita sa clinic?”

Mabilis akong umiling at tumayo. He help me to get up at napakamot sa ulo nya.

“Sorry talaga miss. Hindi ko sinasadya.”

“Okay lang. This is not what I expected to my first day, but yeah I'm fine.” Sabi ko at ngumiti sa kaniya.

I hold my breath when he smile back. Omg! Ang gwapo!

“Okay ka lang ba talaga? Baka magkabukol ka, gusto mong pumunta sa clinic?”

Nabuhay ang dugo ko at lumakas ang tibok ng puso ko ng ilahad nya ang kamay nya sa harap ko. Sunod sunod akong umiling.

“Hindi okay lang talaga ako.”

“Sigurado ka?”

Tumango ako ng sunod-sunod.

“Okay then. Alis na ko, maglalaro pa kami.” Paalam nya kaya tumango ulit ako. Tumalikod na sya at mag lalakad na sana pero lumingon ulit sya sa akin.

“Oo nga pala. Anong pangalan mo?”

Napabungisngis ako.

“I'm Jee Veronica Beatrix Juanita Katrina Velasco Valdez and you can call me anything according to my name.”

Napatulala sya saglit pero nakabawi rin naman agad at ngumiti ng pagkatamis tamis.

“Ang cool ng name mo. Ang haba.” Umiling pa sya at lumapit ulit sa akin. “Can I call you Beatrix?”

“Sure.”

Ngumiti sya at nilahad ang kamay. “By the way I'm Gian Francisco. It's nice to meet you.”

Tinanggap ko ang kamay nya at ngumiti ng pagkatamis tamis. “Nice to meet you too, Gian.”

Para akong nakuryente ng maglapat ang mga kamay namin. Ang lambot ng mga kamay nya, ang sarap hawakan. We look for each other for a while pero tinawag na sya ng mga kalaro nya kaya nag paalam na sya.

“See you around Beatrix.”

“Yeah. See you everyday Gian.” Pabulong kong sabi at wala sa sariling napangiti.

Gian. It's a nice name.

ONCE YOU FALL FOR NOTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon