II

15 1 0
                                    

NAKATIGIN ako sa harap ng salamin kung saan tinitignan ko ang mukha ko. Hinahawakan ko rin ang kanang pisngi ko. Kanina pa ako rito sa banyo at nagagalit na rin si Khalil dahil ang tagal ko raw.

Masisisi nya ba ako? E sa ayaw kong maghilamos dahil hinawakan at pinisil ni Gian ang pisngi ko? Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang malambot nyang kamay na pumisil dito.

Napabuntong hininga ako. Maghihilamos o hindi? Ito na ata ang pinakamahirap na desisyon ko sa tanang buhay ko.

Napamulagat ako ng may sunod-sunod na kumatok sa pinto.

“Hoy Jee Veronica Beatrix Juanita Katrina Velasco Valdez!!! Kanina ka pa riyan at kanina pa akong ihing ihi! Lumabas ka na riyan maldita ka!!”

Umalingawngaw ang malakas na boses ni Khalil. Halatang galit ito dahil sinabi ang buong pangalan ko.

Magkasama kasi kami ni Khalil sa isang condo unit malapit lang sa Downtown University. Okay lang naman sa mga magulang namin dahil magkakilala naman sila dahil sa businesses nila.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang masamang mukha ni Khalil. Tinitigan nya ako saglit bago nag salita.

“Kanina ka pa riyan at wala ka manlang ginawa?!” Hindi nya makapaniwalang tanong. Tumango ako.

“Naka drugs ka ba Jee?”

Sinuri nya ako ng mapanuri nyang mga mata. Nanlaki naman akong mata ko. Ako naka drug? Umiling ako ng umiling.

“Hindi lang ako makapag desisyon kung mag hihilamos ba ako o hindi.”

Umirap ang mga mata nya.

“Paghihilamos lang hindi ka pa makapag desisyon? Seriously Jee? What got into you?”

Humaba ang nguso ko.

“Kasi hinawakan ni Gian ang pisngi ko kanina kaya ayaw kong mag hilamos.”

Bumuntong hininga sya.

“Baliw ka na Jee.” Sabi nya at pumasok sa loob.

“Baliw na nga ata itong puso ko Khalil.” Hinawakan ko ang puso kong hindi normal ang tibok. “Sa tuwing iniisip o nakikita o nakakausap o malapit sa akin si Gian hindi nagiging normal ang tibok ng puso ko. Para akong tumakbo ng ilang milya ang layo dahil sa lakas nito at hindi makahinga ng maayos.”

Tinignan nya ako na parang hindi makapaniwala na nakatingin sa akin.

“Sa tingin mo dapat na kong magpa mental?

Inirapan nya ako.

“Hindi ka pang mental Jee. Pang sementeryo ka na!” Sabi nya at pabalibag na sinara ang pinto.

Pang sementeryo? Anong ibig sabihin ng isang yon?

Hay nako, ano ba talaga? Maghihilamos o hindi?


~~~~¤~~~~

“KANINA ka pa matamlay Jee. Masama ba ang pakiramdam mo?”

Napatingin ako kay Khalil at napabuntong hininga. Dumukdok ako sa arm chair ko at hindi sya pinansin. Nararamdaman ko na ang lagkit ng mukha ko, napagdesisyonan ko kasi na hindi mag hilamos kaya ito ako ngayon nanlalagkit.

Hinawakan ni Khalil ang ulo ko at pinakiramdaman iyo. Pati ang batok at ang braso ko ay hinawakan nya.

“Sakto naman ang temperatura ng katawan mo. Pero bakit parang may sakit ka?” Tanong nya sa akin.

Humarap ako sa kaniya pero hindi parin umaalis sa pagkadukdok.

“Mukha bang oily ang mukha ko?”

ONCE YOU FALL FOR NOTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon