I

19 1 0
                                    

KATABI ko si Khalil na nakaupo sa bench na kaharap ng open court ng school para sa mga trip mag laro ng basketball. Pero meron pa kaming gym mas malaki at covered kaysa rito.

“Kung nakakatunaw lang ang titig malamang kanina pa nag evaporate yang mga nag lalaro.”

Hindi ko sya pinansin, sa halip ay mas tinoon ko pa ang atensyon ko kay Gian na nag lalaro ng basketball kasama ang mga gwapo ring estudyante ng Downtown University kung saan kami nag aaral.

“Ang sasarap nilang titigan. Busog na busog ang mga mata ko sa kagwapuhan nila.” Wala sa sariling sambit ko.

Nagulat na lang ako ng may pumitik sa noo ko at humarang sa harapan ko para makita ang makikisig at gwapong mukha ng mga nag lalaro. Lalo na si Gian!

“Hoy Jee! Kanina pa kita kinakausap pero ayaw mo kong pansinin! Nakakainis ka na!”

Tinignan ko si Khalil na galit na tumingin sa akin at saka sya nginitian.

“Khalil, sayang ang kagwapuhan nila kung hindi mo titignan. Tignan mo yung naka kulay blue na shirt, ang gwapo!”

Lumingon naman sya at napailing iling ng makita ang tinuro ko.

“Nung isang linggo mo pa tinuturo sa akin ang lalaki na yan at nagwagwapuhan ka. Para ka ng sirang plaka.”

“Ee kasi naman, ang pogi nya. Ang hot pa. Laki ng muscle at bakat wag ka!”

Natawa ako ng lumingon ulit si Khalil sa gawi ni Gian. Sa hinuha ko ay tinignan nito ang bakat na sinasabi ko. Fact about Khalil, she loves the bakat word.

“O to the m to the g! Bakat nga!” Nanlalaki ang mata nya na nilingon ako. “Walangya ka bat ngayon mo lang sinabi sa akin yan?! Puro mukha ang tinitignan ko sa kanila hindi ang mga bulge nila sa gitna!”

“I know right.”

Dalawa na kami ni Khalil na nakatitig sa mga nag lalaro ng basketball. Ang mga mata ko ay nakatuon lang kay Gian. One week had pass when that incident happened pero parang fresh pa rin para sa akin. His soft hands, his handsome face and the way he smile. Gosh, nakakabaliw. Actually feeling ko baliw na ako. Crush ko na sya.

Simula noon ay araw araw ko na syang hinahanap sa campus kahit na malaki ito at nakakapagod maglakad ng maglakad. At kung sineswerte ka nga naman, palagi ko syang inaabutan na nag lalaro ng basketball dito sa open court. Sayang lang dahil hindi ko natanong kung anong year na sya at ano ang course nya para mapuntahan ko sya sa department niya at makasilay ng palihim.

Ayoko syang lapitan dahil baka akalain nya na feeling close ako. But hell! Gusto ko syang makausap ulit! Parang may nagtutulak sa akin na lapitan sya at kausapin pero may namumuong takot sa akin. Paano kung hindi na nya ako matandaan? Paano kung snob pala sya at naging mabait lang sya dahil tinamaan ako ng bola nya? Paano kung bad guy pala sya at ipahiya ako? Ang dami kong what ifs at hindi ko kayang sumugal.

Kaya naman ito ako ngayon. Silay silay lang ang drama. Tingin tingin sa malayo at ngumingiti sa kaniya. I feel like a fan girl to my oppa. Hanggang tingin ka lang at hanggang panood ka lang. Ang hirap din pero kaya naman. Fighting! Para kay crush!

“At bakit naka ngalumbaba kayong dalawa dyan?”

Naputol ang pagtingin namin sa naglalaro ng mag salita na lang bigla si Khallad sa tabi. Tinaasan ko sya ng kilay.

“Anong pake mo? Hmmp!” Inis kong sabi at nangalumbaba ulit.

“Wala akong pake sayong panget ka. Sa kambal ko ako nag aalala.” Balik nito sa akin na nagpasama ng timpla ng mukha ko.

ONCE YOU FALL FOR NOTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon