HARRIS’S POV
“WHAT???!!!! So pumayag kang maging slave niya?!!!” Napasigaw si Edel.
“ssshhhh.. Kailangan ba talagang sumigaw? Nasa canteen tayo.”
“Eh ayun nga? For real Harris?” Tanong niya. Haaaaaaaaay!!!! Ang kulit naman.!
“Oo ngaaaa. I have no choice kung tutuusin nga kulang pa yun bilang kabayaran.” Sagot ko naman habang kumakain ng hopia with coke. Si Edel naman limang burger at coke. Grabe! Eh busog na nga ako sa isa siya pa na babae. Kaya tumataba ang babaeng ‘to eh.
“Ahhhh!!!! As if naman ayaw mo???? Eh may benefit ka naman.”
“Anong benefit ang pinagsasabi mo? Ikaw wala ka bang benefit sa dami ng burger na kinain mo? Kaya ang taba-taba mo na ee.” Mukhang na upset siya.
“Ano bang kinalaman ng burger sa pagiging slave mo? Di ba nga gusto mo si Zee, ayaw mo pa ‘nun magiging close kayo.”
“Close? Eh suplada nun.”
“Suplada ba? Pakipot lang yun. Para lang yang mga koreanovela na napapanood ko. Ikaw si Good Boy siya naman si Bad Girl tapos maiinlove kayo sa isat-isa na di niyo lang alam… LAB LAB LAB na etuuu!!!!” Aba’t kinikilig pa si Manay, eto sayo oh.
Tinulak ko ang noo niya.
“SIRAAAA!!!! Kumain ka nalang jan, eto pa may dalawa pakong natirang hopia sayo nayan…” Inabot ko ang hopia sa kaniya, kinuha rin… hahaahahahah! Matakaw ngaaaa!
Ginawa pang teleserye buhay ko, dinamay pa si Zee sa kalokohan nito. Ayyy naku! Hindi ko nga alam kung ano ang love love love na yan. Hindi nga ako naniniwala jan. Pang malandi lang ata yan ee??? Haaaaaaaayssst! Sabi daw nila dahil sa love kaya ako nandito sa mundong ito. Eehhhhh!!!! EWAN! Parang hindi naman….. Hindi na ako makikialam sa story ni mama at papa kasi private yun. Lol.
*BEEP* uy may text!
From +6321*******: Hoy si Zee ‘to. Asan kaa?
Naku! Saan kaya niya nakuha number ko. Save ko muna number niya.
To Zee: Dito sa canteen Master.
Ilang Segundo lang pagkatapos kong masend ang reply ko sa kanya nang makita ko ang bag niya sa lamesa.
“Master mo yang mukha mo.” Nakita ko si Zee nakaupo na sa harapan ko. O.o Ang bilis naman ng babaeng ‘to parang si the flash.
Tumingin siya kay Edel, sa tingin palang niya nahulaan ko na na gusto niyang malaman kung sino ang kasama ko.
“Ahh Zee si Edel pala. Edel meet Zee.” Parang nahihiya si Edel na iabot ang kamay niya kaya si Zee nalang ang unang umabot.
“I am Zsarina Borris, pwede na rin yung Zee. And you Edel……?”
Medyo loading pa si Edel, gusto atang malaman ni Zee ang apelyido niya… Halatang nahihiya si Edel, namumula rin siya. Agad ko siyang siniko.
Bumalik naman siya sa ulirat.
“ah, Nice to meet you Zee, Im Edel. Edel Alcantara.. Harris’s be-be-beestfriend.” Ngumiti siya at nagshake hands na rin. SA WAKAS!. Phew!!! Medyo hard yun ah. Mabuti nalang di niya sinupladahan si Edel.
“Aw! Really? BESTFRIENDS???” nakataas ang isa niyang kilay habang nakatingin kay Edel at kinuha ang kaniyang kamay. “Ngayon ko lang nalamang pwede rin palang magbestfriend ang lalake at babae. Medyo nakakailang yun ah, pwera nalang kung alam mo na.”
BINABASA MO ANG
A Princess and A Boy's Circumstance ONGOING
عاطفية"Without words I can say that I LOVE YOU!" MR. HEARTTHROB Harris Ayala finds his true love unexpectedly without even knowing. Paano kung malaman niya na ang taong minamahal niya at ang taong nagligtas sa kanya sa nangyaring trahedya ay iisa? Magbab...