Prologue

201 17 4
                                    

Masasabi kong naging malapit kami ni Brent simula ng nagbalik ang ala-ala ni bessy.

Nginingitian niya na ako, nagtetext na siya sakin, paminsan-minsan hinahawakan niya ang kamay ko at binigyan niya na rin ako ng regalo kahit pa nga ang sabi niya ay wala lang siyang mapagbigyan kaya sakin niya binigay.

Naging malapit talaga kami kaso hanggang graduation lang namin ni bessy. Hindi ko alam ang nangyari pero simula nung grumaduate kami naging mailap na siya, nagbago na.

O baka naman hindi talaga siya nagbago, nagbalik lang siya sa kung sino siya talaga. Yung siya na hindi ako gusto.

Masakit talaga kasi bigla nalang siyang naging cold sakin, pinapansin ako pero hindi siya nangiti, hindi siya nasimangot ni hindi siya naiinis. Pinapansin lang talaga. Yun lang.

Iniiyak ko ng bongga kay bessy ang pagiging malamig niya pero kahit umiyak ako hindi ako tumigil. Magkaiba naman kasi yung napapagod sa tumitigil.

Araw-araw ko pa ring pinadama sa kanya kung gaano ko siya kagusto, kung gaano ko siya kamahal. Naghahatid ng lunch niya na kahit ni minsan ay di niya kinain. Dinadalaw siya na kahit kailan hindi niya kinatuwaan. Nginingitian siya at binabati kahit na napapahiya ako dahil hindi naman siya gumaganti. Tuloy-tuloy pa rin ako love ko eh.

Hanggang sa kinailangan ko ng pumunta ng US kasi nandun na ang magulang ko. Doon na kami titira. Sasama ba naman ako kung nandito ang Brent my loves ko? Syempre hindi! Kung saan siya dun ko din gusto. Kaso hindi pala ibig sabihin na gusto mong kasama siya ay gusto niya na ring kasama ka.

Hindi.

Sobra na akong napagod. Napagod balewalain. Napagod mapahiya.

Babae ako. Hindi dapat ako naghahabol. Pero yun ang ginagawa ko.

Nagbook ako ng ticket kasi nga sobra na akong napagod. Sobra ng nasaktan. Hindi naman kasi ibig sabihin na lagi akong nakangiti at lagi akong tumatawa ay hindi na ako nasasaktan o nakakarandam ng lungkot at hiya pag binabalewala.

Nagmahal lang ako pero hindi ako manhid.

Nagmamanhid-manhidan, oo.

Pero sabi ko nga iba ang napagod sa tumigil. Kahit may book na ako ng ticket, umasa pa din ako. Lagi ko pa rin siya pinupuntahan pero walang pagbabago cold pa rin siya.

Hanggang sa isang araw na lang at flight ko na. Gumawa ako ng sulat na ipinadala ko sa kanya. Kahit na nakakahiya nakiusap ako na pigilan niya. Umasa na marealize niya na ayaw niya akong mawala.

Dumating ba siya?

Pinigilan niya ba ako?

Hindi. Hindi siya dumating. Hindi niya ako pinigilan. Walang Brent na pumigil sa akin maliban sa lalaking nakatabi ko sa upuan sa eroplano na Brent din ang pangalan.

Pinahiram ako nung Brent na yun ng panyo para pampunas sa luha kong walang ampat sa pagpatak. Brent ang nagpaiyak sa akin at Brent din ang nagpatahan.

Sabihan ba naman akong itatapon sa labas ng eroplano kung hindi ako titigil sa pag-iyak. Edi napatahan ako.

Dalawang taon ako sa US sapat na para bumitaw. Sapat na para tumigil. Sapat na para magmature- mature ng konte. Tama nga ang sabi nila, you will never grow in good times. Yung mga sakit, yung mga pagsubok yun ang nagpapalago sa'tin. Nagpapatibay.

Dalawang taon akong nawala. Sapat na ba para lumimot? Hindi. Hindi naman kasi kailangang kalimutan, ang kaila gan wag ng alalahanin.

Pagkatapos nga ng dalawang taon eto pauwi na ko.

Hindi ko alam kung katulad ng bumalik ang ala-ala ni bessy mapapasabi ba akong 'It's good to be back.'

Hindi ko alam.

Well we will find out.

The Changed ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon